CHAPTER SEVEN

11 1 0
                                    

A/N: sabi ko na at sinipag akong magsulat e. hahaha! enjoy reading! :)

Tahimik lang si Jini habang nasa biyahe sila ni Ken. 4 na oras ang biyahe mula sa bayan nila papuntang Maynila. Hindi niya alam kung anong gagawin…kung kakausapin ba niya si Ken….kung matutulog….o titingin nalang sa labas. Sa totoo lang ay ang laking “AWKWARD” ang nasa gitna nila. Magkatabi sila sa ni Ken sa first line ng upuan ng sasakyan. Ang lalake ay nasa daan ang atensyon.

“You can sleep if you want.” Sabi ni Ken pagkatapos ng napakahabang katahimikan.

“ayaw ko nga. Mamaya kung saan mo ako dadalhin.” Sagot ni Jini.

Tumawa si Ken. Tumingin ito kay Jini na parang nahihiwagaan. “saan naman kita dadalhin? Sa hotel?” sabi ni Ken sabay ngisi.

Biglang nagtaasan ang balahibo ni Jini. “ewwwww. You Pervert! Stop it or else I’m gonna tell this to tita Emie!” sabi ni Jini.

Mas lalo itong tumawa. “I really love this.” Bulong ni Ken.

“anong binubulong mo?” tanong ni Jini dito.

“nothing. May narinig ka ba? You just told me pervert? Bakit ano ba ang ginagawa sa hotel? Marami naman a….natutulog….nagpapahinga….at syempre---------“

“Stop! You really! Don’t you dare! I’m gonna kill you!” sabi ni Jini na nag-umpisa ng magsisigaw sa loob ng sasakyan.

Tawa lang ng tawa si Ken.

“Why are you acting like Virgin Mary? Imposibleng wala kanga lam samantalang sa New York ka nag-aral. Alam ko kung anong ugali ng mga tao doon.” Sabi ni Ken sa pagitan ng pagtawa.

“Virgin pa naman talaga ako! Ang bumbay nito! e ano ang kinalaman ng pag-aaral ko sa New York sa Virginity ko? Lahat ba ng nag-aral sa New York pag-uwi hindi na virgin?” ang isip ni Jini.

“Can you just shut your mouth and drive safely. If something gonna happen….i’m not gonna forgive you.” Sabi ni Jini dito.

Tumahimik naman ito na parang may narealize. Pero mamaya lang ay nagbabangayan nanaman sila. Ang walang katapusan nilang away at asaran.

                Pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakarating din sila Ken at Jini sa bahay ng pamilya Chua. Medyo madilim na ng makarating sila ng Maynila. Nagtaka si Jini ng makita ang bahay.

“bakit madilim?”sabi niya sa isip.

Mamaya ay may pinindot si Ken. Biglang bumukas ang Main gate. Mas lalong nagtaka si Jini ng walang sumalubong sa kanila ni Ken.

“baba na pangit….wag mong sabihin na dyan ka matulog. Baka sampahan ako ng kaso ni tita Aliza niyan.” Biro ni Ken ng mapansing ayaw niyang bumaba.

Nagpasya siyang bumaba na sa sasakyan. “wala tayong kasama? Bakit hindi pa bukas ang mga ilaw samantalang madilim na?” tanong ni Jini kay Ken.

HATE me now and LOVE me foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon