Episode 45: Distance

4.4K 88 38
                                    

Author's Note:

Belated Happy Birthday kay   @VierGuez19  last July 18, if I'm not mistaken.

Advance Happy Birthday naman sa fellow Chukchakera ko na si  @seymintac na magbibirthday naman tomorrow July 23.

At syempre...save the best for last... Happy Happy Birthday sa author ng istoryang ito... more birthdays to come! Hahahaha... Seryoso birthday ko po today, July 22. Feel free to greet me guys..thanks in advance hehehe (kapalmuks!)   ^_______^

And since special day ko today.... hayaan nyo na kong gawin ang gusto kong UD. Spoiled daw ang bday celebrants so hayaan nyo na ko.. minsan lang toh sa isang taon! Pagtyagaan nyo 'tong basahin sinasabi ko sa inyo charottt... Ipagpaumanhin nyo po kung ibibida ko ang sarili ko sa kwentong ako mismo ang may pakana. Hahahaha...

Sa mga nagrequest ng #ArchZel story... para sa inyo toh.

Once again.... HAPPY BIRTHDAY TO ME!

(LOL!!!)

PS:

Sa mga naniibago bakit di ko na isinasama ang mga comments nyo before Author's Note, as you can see medyo continuous ang pag publish ko ng UD kaya di ko na mahihintay pa yung mga comments na ipopost nyo sa comment box. Sorry for that. It doesn't mean di ko nababasa ha? I always find time reading your comments.  Basta feel free na magcomment. Thanks in advance.

Tara.....Basa Na!!!!

.

.

.

.

Hihintayin kita
Kahit nasan ka pa
Di ako mawawala
Kahit na may dumating pa

Andito lang ako iibig
Sa iyo hangga't nandyan ka pa
Hangga't wala ka pang iba

Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan

Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka.....

"Happy birthday Chinita koh... this vid is dedicated to you...I LOVE YOU.." sabi ni Archie sa huling bahagi ng kanyang video na ginawa nya para sa gf nyang si Ihzel. 

Magkachat ang dalawang long distance lovers via Skype. Habang nagrerecord si Archie with matching playing the guitar, nanonood naman si Ihzel sa Skype. Kasalukuyang nagtatrabaho kasi tong si Ihzel sa Taiwan at hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkikita nang personal.

"Uploading na sya...nagustuhan mo ba?" tanong ni Archie.

"Oo naman. Mahal kaya kita kaya lahat ng ginagawa mo for me...gustung-gusto ko." sagot ng isa.

"Napapasaya ba kita kahit malayo ako sa'yo hmmmm???" naglalambing na tanong ni Arsenio.

"Kahit naman malayo ka sa akin di naman hindrance yun para di ko maramdaman na mahal mo ko eh. Tulad ngayon, kasama kita sa pagsalubong ng birthday ko. I know pagod ka... sobrang hectic ang sched mo sa work pero nag-exert ka pa rin ng effort just to make me happy on my birthday. Thank you Chinito koh na ubod ng gwapo..."banat naman ni Ihzel sa jowa nya.

Vicerylle We Could Be In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon