chapter 6

2.2K 49 0
                                    


Pagpasok palang namin sa eskwelahan. Sinalubong agad kami tingin lalo na sa bestfriend ko.

Tinapunan ko nang tingin si Evan at diretso lang ang kanyang ulo sapaglalakad tila wala pakialam sa matang napapako sakanya. Naghiwalay na kami ng landas ni Evan dahil nasa kabilang building yung klase niya. Habang ako'y naglalakad patungo sa classroom ko may biglang sumabay sa lakad ko. Napatingin ako sakanya at ngumiti naman ito ng matamis. Tinitigan ko ang kanyang mukha at biglang napatigil ng mapagtanto kong siya pala yung nakakita saamin ni Luther sa library. Mukhang nabasa naman niya ang reaksyon ko dahil agad siyang umalma.

"Don't worry Livia. Hindi ko ipinagkalat ang nakita ko" she said with reasurring smile. Agad naman akong napahinga ng maluwag nang sinabi niya iyon. But I shouldn't trust her.
"Its a great relief to hear those words to you miss, I'm very thankful but what do you want from me?" Ngumiti siya ng matamis saakin at biglang inilahad ang kamay niyan saakin.

"I want you to be friend of mine. My name is zhain" pakilala nito. Tinanggap ko naman ang kanyang kamay at ngumiti rin. "Livia"

Hindi ko alam pero tila pamilyar saakin ang pangalang 'Zhian' hindi ko lang matandaan kung saan ito narinig.

Pagpasok ko sa classroom. Hindi ko nakita si Luther kaya napahinga ako ng malalim.

Natapos ng matiwasay ang aming klase. Hindi ko na nakasabay si Evan dahil tinawag siya ng kanyang ama kaya nag-iisa ako ngayon. Habang ako'y naglalakad ramdam ko na may tila nagmamasid saakin.

I know there's something wrong

My heart stumble in tense. Patuloy lang akong naglalakad at hindi nagpahalatang kinakabahan.

Lumihis ako ng daan, paiba-iba ako ng direksyon upang sila'y iwasan pero sadyang magaling sila. Naisipan kong lumiko sa isang madilim na eskinita kung saan walang masyadong tao na dumadaan.

My body went alert when they finally showed up. They're using mask, a familiar mask. I clenched my jaw and form my hand into fist. Alam kong isang tao lang ang makakagawa nito.

I stepped back when they approached me. They're all 5 and I can tell they are strong. Bago pa nila ako maunahan. Kaagad kong sinuntok ang isa sakanila pero nasangga niya iyon gamit ang malaki niyang kamay kaya kaagad ko siyang tinadyakan sa sikmura at napaatras siya sa sakit. Sumugod ang isa kaya hinila ko ang lalaking sinikmuraan ko at ginamit ang kanyang katawan bilang panangga. But I was taken back with the sudden pain strucked at my back. Kaagad kong binitawan ang hawak kong lalaki na nahimatay sa lakas ng sipang natamo niya sakanyang kasamahan.

Naramdaman kong may malakas na kamay ang pumulupot saaking braso. Nagpupumiglas ako ngunit wala hindi ako nakawala. Pero aagad akong natigilan ng may maramdaman akong malamig na bagay na nakatutok saaking ulo.

"Huwag kanang lalaban Ma'am at sumunod kanalang samin para hindi kana masak--" bago pa niya matapos ang kanyang salita. Kaagad ko siyang sinipa sa baba niya dahilan upang mapabitaw siya. Bago pa ako maunahan ng tatlo kaagad kong kinuha ang baril. At agad na pinutok sakanilang mga binti. Lahat sila natumba at namimilipit sa sakit.

Habang tinitigan ko sila hindi ko maiwasang maalala ang dati kong sarili. Ang dating ako na pilit kong binabaon sa limot.

Lumakad na ako paalis pero agad akong hinawakan sa paa ng isa sakanila.

"Kahit anong takbo mo, hahanapin kaparin ni boss" ngisi nito. Kaagad ko siyang binigyan ng malakas na sipa sa mukha at ngumisi rin sakanya.
"Sabihin mo rin sa boss mo. Hindi na ako babalik pa"

Pay the price [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon