Chapter 5

2.2K 51 0
                                    


"Livia, tinawag ka ni boss" Sabi ni Barron nang makalapit siya saakin. Sa pananalita palang ni Barron alam kong may hindi magandang mangyayari. Ngumiti naman ako sakanya at pumunta sa office ng boss namin.

Matapos ang pangyayaring iyon. Agad akong pinatawag. Nagreklamo siguro si Luther sa ginawa ko. Sabagay hindi ko rin siya masisi. Matapos kong gawin iyon, sino ba namang hindi magrereklamo.

I let out a deep sigh when I reach the office of Madame Shin. Binuksan ko na ang pinto at bumungad saakin ang babaeng eleganteng nakaupo sakanyang swivel chair habang nagyoyosi.

"Good evening madame" bati ko saka yumuko bilang paggalang.

Humithit pa si Madame Shin sa sigarilyo habang tinaasan niya ako ng isang kilay. Ibinuga niya ang usok bago iyon inilagay sa ashtray.

Lumapit siya saakin habang pinasadahan niya ako ng tingin.
"So you are Livia Devonshire?"

Tumigil siya saking harapan at nameywang habang tinitigan ako. Isang tango lang ang sinagot ko bago yumuko muli.

Isang malakas na sampal ang aking natanggap. At isang sampal muli sa kabila. Ramdam ko ang panginginit sa hapdi ng aking magkabilang pisngi ngunit tiniis ko lang iyon.

"Sino bang nagsabi sayo na saktan mo ang customer natin?! Kung hindi nagsumbong ang isa nating waitress saakin! Hindi ko malalaman iyon!" Nanggagalaiti nitong sigaw sakin. Napasigaw ako sa sakit nang marahas niyang hinila ang aking buhok kaya agad akong napahawak sakanyang braso bilang suporta.

Kahit medyo nagtaka ako ng sinabi niyang sinumbong lang ito ng kapwa kong trabaho ay agad nawala saaking isipan at  napalitan ng sakit sakanyang ginagawa sakin.
"Ma'am please bitawan mo ko. Nagmamakaawa po ako sainyo" pagmamakaawa ko ngunit mas lalo niya iyong hinigpitan.

"Maawa? Matapos mong gawin yun? Satingin mong matutuwa ako. Alam mo ba?! Masisira ang image ng club nato sa ginawa mo?!" Sigaw nito saking tenga kaya halos mabingi ako. Malakas niya akong tinulak at napaupo ako sa sahig. Ramdam ko ang paghapdi ng aking anit sa ginawa niya.

"And you're fired! Get out of my office!" Agad naman akong tumayo at tiniis ang sakit ng aking balakang. Gusto kong maiyak saking sitwasyon, ngunit pinigilan ko lang ang aking sarili.

Marami pa namang trabaho maaaplayan at mas disente pa, di tulad dito.
Pagpapatibay ko saaking loob.

Binuksan ko na ang kwarto ng aking kapatid. At nakita kong mahimbing ng natutulog si Denis habang magkahawak sila ng kamay ni Evan na nakatulog rin habang nakaupo.

Lumapit ako sakanila. At hindi ko maiwasang mapangiti habang tinatanaw silang mahimbing na natutulog.

Kumuha ako ng kumot sa couch. At inilagay iyon kay Evan. Umupo ako patabi kay Evan at pinahiga ang aking ulo sa kama paharap sakanya.

Staring at his face was taking me time. Looking at his chiseled jaw, long, pointy nose. Curvy cherry lips. Thick brows and eyelashes. He was totally handsome, not just by that he was also gentle,caring.

He moved slightly as his some hair strands loose in his face. I used my hands to touched his flossy copper hair and run to his back to see him clearly. Seeing his seraphic face doesn't wonder me that he captured a ton of hearts. Ang nakakapagtataka lang kung bakit wala pa siyang girlfriend hanggang ngayon.

Ramdam ko na ang bigat ng aking talukap kaya isinara ko na ang aking mata at hinayaang kainin ng dilim.

"Livia! Wake up!"
Unti-unti kong binuksan ang aking mata ng may maramdaman akong marahang tumatapik saaking pisngi.

Agad na bumungad saaking harapan ang nakangiting kong bestfriend. Inilibot ko ang aking mata at napagtanto kong nandito napala ako sa apartment. Pero agad akong napabalikwas ng maalala ko ang kapatid ko.

"Van! Si Den--" napatigil ako sapagsasalita ng tinakpan ni Evan ang aking bibig.

"Don't worry about your brother. I sent maids to take care of him" napahinga ako ng maluwag nang sinabi niya iyon.
Tumayo na ako upang maghanda na at ganun din si Evan bago umupo sa couch para hintayin ako.

"Bilisan mo. Sabay tayong pupunta sa eskwelahan" bilin ni Evan na siyang ikinatigil ko.
"Anong sabay?Sapagkakaalam ko noon magkaiba tayo ng school na pinag-aaralan" sagot ko . Ngumiti naman siya ng pagkalapad-lapad kaya kita ko ang malalalim niyang dimples. Kung hindi ko lang to bestfriend, baka isa na ako sa babaeng baliw sakanya.

"Noon yun. Iba na ngayon. Ang pangit. kasi nung school namin. Kaya nagtransfer ako sainyo" rason niya.
Agad ko namang kinuha ang tsinelas ko at inasinta sa ulo niya.
"Aray! Ano ba Livia!" Reklamo niya habang napakamot sa ulo kung saan ko tinamaan.

"Asus! Neknek mo! Sinong niloloko mo? Kaya kalang lumipat kasi nandun ako at namimiss mo ko" biro ko sakanya na kanyang ikinapula. Naiilang na iniwas niya ang kanyang tingin at umupo muli sa upuan habang itinuon ang mata sa labas ng bintana.

May nasabi ba akong mali?
Napailing nalang ako at hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok na sa banyo upang maligo.

Pay the price [completed]Where stories live. Discover now