Chapter 25

7.2K 277 12
                                    

🌺 The next day, all the employees came in early and prepared for The Rhycels. It has been very busy since last night. Pinag-overtime ko ang lahat, and the next thing I knew, I was calling the tailor, followed by electricians. I couldn't believe that I was following Thorn's order.

That's why I wore my sexiest dress today. Shoulders and cleavage are exposed, and I'm all red. I'm going to put my charm to good use. At sana umalis na rin sila agad. Sabihin lang niya sa akin lahat ng dapat baguhin dito at huwag na silang magpakita pa sa akin!

May mga aplikante pa na naghihintay for my interview. But I already have a candidate for the position of Chef. I'm giving him plenty of time to get ready kaya next week pa siya magsisimula. Natikman ko na rin ang mga luto niya and it's all good.

"Where's the Chef?" a familiar voice from behind asked.

I stiffened when I turned around and saw Thorn with his majestic get up. He's wearing a plain navy blue suit. Sa loob ng kanyang coat ay simpleng puting polo lamang at nakabukas ang unang tatlong butones. Napalunok ako.

Kumunot ang noo niya at pinasadahan ang hitsura ko. Kitang-kita kong bahagya siyang napanganga. Suot ko pa rin ang red dress na pinatungan ng itim na apron.

"I'm the Chef today," sabi ko at itinuloy ang ginagawa. Ganito ako ka-busy kaya huwag na sana siyang dumagdag!

"In case you didn't notice, there are a lot of people outside this kitchen waiting for their food," mariin niyang sabi.

"I know. I can manage," mariin ding sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Inayos ko sa platter ang isang order. Halos hindi ko siya matingnan dahil sa bilis ng kilos ko.

"Damn it!" sabi niya, at nagulat na lang ako nang kumuha siya ng ekstrang apron at isinuot.

"Where are the other orders? I'll cook!" Inirolyo niya hanggang siko ang mga manggas ng suot.

Oh wow! Why does he look so good when he does that? Is it my charm or his that was in the air right now?

Tumalikod ako at ipinilig ang ulo. Inihanda ko ang mga gagamitin para sa susunod na order. Pero hindi pa man ako nakababawi ay naramdaman ko agad si Thorn sa tabi ko.

"Sabi ko, ako na ang magluluto. Give way, Ms. Ada Rhyce." He gently grabbed the knife I was holding. Napapitlag ako nang magdikit ang aming mga kamay. I tried to remain calm, but hearing him say my name felt like sharp nails piercing every part of my body.

Hindi ako agad nakakilos. Napatulala na lamang ako habang pinanonood siyang mabilis na naghihiwa ng carrot. Isinunod niya ang kamatis at artistikong inilatag iyon. He was doing a simple task yet it was so fast, perfect and with precision.
Ipinamumukha niya sa akin ang mga kaya niyang gawin. Pero kusina ko 'to. Ako ang masusunod sa lugar na ito. Pinaghirapan ko kaya nakilala ang The Rhycels.

"If all you can do is stand there staring at me, Ms. Rhyce, you should leave this kitchen and put me in charge." Sinabi niya iyon ng hindi man lang ako tinitingnan.

Mabilis akong umiwas ng tingin. I started whipping the ricotta. "This is my territory. Nobody but me is in charge. And, for the record, I was not staring at you, Mr. Weston."  I placed all ingredients into a food processor.

Naramdaman kong nilingon niya ako kahit hindi ako nakatingin sa kanya. "Then why are you trembling, Ms. Rhyce? Are you afraid of me being here? With you?"

Napamura ako sa isip ko nang mapansin ko ang mga kamay kong nanginginig pala. Panay ang kabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya.

"Don't worry. Because I have no intention of taking from you what is already yours." Pagkasabi niya niyon ay tumalikod siya at tinawag ang server. Habang naiwan akong nalilito at naiinis sa sarili ko kung bakit ganito ang epekto niya sa buong sistema ko.

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon