Chapter 26

7.5K 281 5
                                    


🌺 KINALABIT ako ni Caleb na katabi ko habang nakapila ang lahat na tila kami babarilin sa harap ng Luneta Park. Nagpatawag kasi si Mr. Weston ng emergency meeting.

"Uuwi ako ng maaga, GM. Birthday ng kapatid ko," bulong niya.

"C-Caleb kasi... ano..." I want him to stay with me for the night. Pinagkakatiwalaan ko siya sa lahat ng server namin dito. Marami pa akong tatapusin. I need somebody I can depend on.

Pinagsalikop ni Caleb ang mga kamay niya. "Please, please, GM. Nakapangako ako sa kapatid ko..." bulong niya ulit.

I let out a deep sigh. "Oo na," sabi ko.

"Oo na?" Nanlaki ang mga mata ni Caleb.
Tumango ako at napangiti. This whole time, he has been one of my hardworking employees. Ngayon lamang siya nakiusap kaya paano ko siya hindi papayagan?

"Yes!" Napalakas na sabi niya kaya napatingin ang lahat sa puwesto namin.
Kasama namin ang mga Assistant Cooks, serving and hosting staff, dishwashers pati mga buspersons and bartenders. Sa harapan ay nakatayo si Thorn habang may isinusulat sa white board. He called up this urgent meeting and I was thankful na hindi niya kasama si Lucille.

Salubong ang mga kilay nang umikot si Thorn at mapatingin sa aming dalawa ni Caleb na magkadikit.

"Is this how you treat your people, Ms. Rhyce?" seryoso niyang tanong.

Napatingin sa akin ang mga empleyado ko.

"What do you mean?" Hindi ko siya maintindihan.

"Don't play dumb. You know what I mean..."

Napanganga ako. Really Thorn? Does he really need to embarrass me in front of my people?

"And how long are you going to wait for the newly hired Chef?"

"N-Nandito na siya sa isang linggo kaya—"

"A week? You want to torture yourself for a week?"

"Ayoko naman madaliin 'yong tao—"

"That's not an excuse, Ms. Rhyce. You should at least have a contingency plan," putol niya sa sinasabi ko. Tutok na tutok siya sa akin kaya pakiramdam ko ay nasusunog ako. Naramdaman ko rin na napaatras si Caleb.

"Even if your employees are now well-dressed and the lighting is better, this does not mean they are good enough. You're dealing with a slew of issues that need to be addressed, and you're not sure which ones to prioritise first. Inuuna mo pa ang ibang bagay." Tinitigan niya ng matalim si Caleb kaya napayuko ito.

Hindi ako nakakibo. Pakiramdam ko ay sinasadya niyang ipahiya ako. Ano ba ang gusto niyang palabasin? Na mali ang pamamalakad ko rito? Na siya ang masusunod at hindi ako? If not only because of Dad, and Richmond. I shouldn't have let this arrogant jerk enter this place.

"Any questions, Ms. Rhyce?" he suddenly asked.

Mataray ko siyang sinagot, "Wala!"

Sumimangot ako dahil natawa ang mga empleyado ko. Mga sipsip 'tong mga 'to. Hindi ko alam kung kanino sila kampi.

***

THE office appeared to be engulfed in flames. I turned on the air conditioner to the lowest setting, but I still feel so hot.

Hinubad ko muna ang suot kong coat at ang natira na lamang ay ang manipis na kulay rosas na sando na panloob ko.

Wala akong panahon na ipaayos ang aircon sa ngayon dahil may mga dapat akong unahin kaysa rito. Ilang araw na akong naaaburido dahil may nakabantay sa bawat kilos ko.

"GM, may kailangan kang malaman." Biglang pumasok si Caleb.

I frowned in curiosity. "What?"

Napalunok muna siya. Saka niya kinamot ang ulo.

I Knew I Loved YouWhere stories live. Discover now