Chapter 6

8.1K 252 4
                                    

🌺

Gumuhit ang sakit sa buo kong katawan nang mapabalikwas ako pagtunog ng cell phone. Sinagot ko iyon kahit bahagya pang nakapikit ang mga mata ko.
"H-Hello..." garalgal na sagot ko.
"Ada! Tumawag sa 'kin ang Springtide! You've been absent for three days?"
Hinilot ko ang magkabilang sentido. Tila pinupukpok ito ng martilyo gawa ng hangover dahil sa pag-inom namin ni Wella at ng mga kaibigan niya kagabi.
"Yeah," I admitted lazily. Para namang may bago sa pag-absent ko. Psh!
I heard Richmond's exhaled. "Can't you just do this for once, Ada? I will be away for a month. Akala ko ba nag-usap na tayo?" parang nauubos ang pasensiyang tanong niya.
I didn't answer. Sumasakit pa rin ang ulo ko. Sumandal ako sa headboard at muling ipinikit ang mga mata.
"Tumawag sina Daddy at Mommy. Hindi mo raw sinasagot ang phone mo."
Tatawag lang naman ang mga iyon kapag may problema. At kapag wala, wala rin silang mga anak dito sa Pilipinas.
"Alam nating may pagkukulang sila sa atin, but please... please Ada. I'm asking you to grow up. This is not for me. Ikaw lang ang inaalala ko."
Napatiim-bagang ako. Nag-usap kami bago niya tinanggap ang seminar sa Himamaylan. May itinatayo kasing bagong restaurant doon. And he needs to be there. Kaya walang naghahatid at sumusundo sa akin sa bagong school na iyon. And I felt so alone without him.
"Please come back soon, Kuya," malungkot na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. There's always this feeling of emptiness. At kapag nandiyan siya, nababawasan ang lahat ng iyon.
"May gusto ka, 'no? Ano'ng pasalubong na gusto mo?" he's lighting up my mood.
"What makes you say that?"
"Kuya na naman tawag mo sa 'kin, eh. Ganyan ka naman kapag may hihilingin. Tell me, gusto mo bang dalhan kita ng mais? Or talaba? Marami rin daw tahong dito."
Napangiti ako. "Just go home safe, Rich. Papasok ako ngayon."
"Good. That's all I wanted to hear. Call me anytime. Love you, sis."
"Love you, Rich."
Ilang minuto akong napatingin sa screen ng cell phone. Kailan ba ako matutulad kay Kuya? He's only four years older than me. But he's so responsible. Nagtatampo rin siya kina Daddy at Mommy dahil wala na silang oras para sa amin. Pero kailanman ay hindi siya nagrebelde.
Uuwing minsan dito sa Pilipinas si Dad. Mag-isa. Only to attend to our restaurants in Visayas. Then si Mommy naman, to spend time with her amigas. Babalik sa Athens kung saan naroon ang nag-iisang International Branch ng RFC. It's famous for Filipino delicacies. Marami nang tumatangkilik sa lugar na iyon. Been there once, but I was terribly homesick. Kaya bumalik ako rito and Rich to look after me. Oo nga, we're fortunate. Only for material things.
Kahit tinatamad at masakit ang buong katawan ay pinilit ko pa ring bumangon. Pagharap ko sa salamin ay napansin ko ang mga namamaga kong eyebags. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Ngayon ko lang muling haharapin ang isang pagkakamali na tinakasan ko.

***
Natagalan ako sa pagbibihis. Bukod sa tinadtaran ko ng concealer ang mga eyebags ko, wala rin akong natagpuan na flat shoes. Kinailangan ko pang dumaan sa store. I forgot to put on any sunglasses or just a cap to cover myself. The saleslady recognized me, and she told it to the Manager, and he told it to his staff, and so I was forced to take a picture with all of them and do some autograph signing. My head still hurts until now.
Pagdating sa Springtide ay dala ko pa rin ang mga pagpitik sa sentido ko. Hindi ko na lamang inintindi at inalala ang mga bilin ni Richmond.
Kanina pa sumusunod ang mga mata ng marami sa akin. But no one dare to come near me. May mga nagbubulungan pa nga habang nakatingin sa akin. What's their problem? Hindi ko alam kung gusto rin nila ng autograph o nagtataka dahil nandito na naman ako.
I put my long hair aside exposing my neck. Inayos ko ang suot na neck tie at ang paldang bahagyang nagusot.
Nasa loob na ng classroom si Mrs. Madrid. Dumiretso ako sa silya ko. All eyes still on me.
Nagkatinginan kami ni Thorn na halatang nagulat pagpasok ko. Psh! Akala siguro niya ay hindi na 'ko makikita kailanman. Hindi ko naman siya pinapanagot sa ginawa niya.
"Ms. Rhyce, buti naisipan mo pa 'ng pumasok?" tanong ni Mrs. Madrid na seryosong nakatayo sa harapan ng natahimik na buong klase. Hindi na lang ako sumagot. At saka ako kumuha ng notepad at pansulat.
Nang mag-ring ang bell ay dumiretso na ako sa mga sumunod na klase ko.
"You have until Friday to prepare. Submission is this Monday. Understood?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ng sumunod naming guro.
"Monday? That urgent?" hindi ko napigilang itanong.
Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ng mga grupo ng mga hipokrito at hipokrita.
"Yes, Ms. Rhyce. This Monday," ulit pa niya na may halong diin.
It's a research-documentary paper. We're tasked to interview at least three restaurants and write about them. With all references, photos and all.
"That's the problem if you keep on not attending your classes," patuyang dugtong pa niya.
I was only absent for three days. Wala man lang ba siyang konsiderasyon? And my classmates seem to agree on that urgent date? Dapat hindi na ako pumasok. But I promised Rich. Shit naman!
I have my own Macbook but I hate to bring it with me. Kaya dumiretso ako sa library para mag-research. There are also internet and laptops here. Kailangan kong makapili ng mga pangalan ng establishments na willing magpa-interview. I could write about our own restaurant but that freaking teacher asserted we're not allowed to. I could ask Mom or Dad for resources but hell I would do that.
Hinilot kong muli ang sentido ko. I should have taken a pain killer. Kabubukas ko pa lamang ng laptop nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Shut it down."
Lumingon ako. Ano'ng ginagawa rito ng Thorn na 'to?
"Huwag mo 'kong istorbohin," sabi ko upang maipagpatuloy ang gagawin. Hindi na niya ako dapat nilalapitan. Ano ba ang gusto niyang palabasin? Hindi ko na nga siya hinabol. Or maybe...
Napangiti ako sa isip ko. Thorn Reid Weston wants another night with me.
"Come with me," he asked.
Napairap ako sa hangin. What the hell? So it's true. He wants to screw me again. Ano siya, sinusuwerte?
"One time is enough. Two is too much. Go away, Thorn," I snarled.
Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga. At saka niya binunot ang plug ng laptop.
"I said, come with me!" madiin niyang utos.
Hindi pa ako nakakapagsalita ay hinila na niya ang kamay ko. I felt it again. His hard grip and yet there was still tenderness. It's impossible to rationalize.
May mga nakatingin na sa amin kaya inayos ko na lang ang sarili ko at nagpatianod sa kanya.
Sa parking lot kami bumagsak.
"I have my own car," I announced.
"Nonsense," walang gatol niyang sabi at agad pinatunog ang kotse niya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto.
Hindi na siya nagsalita and I also shut my mouth. I thought he'll bring me to my place or some hotel. But we're in front of a big Chinese eatery.
Napalingon ako sa kanya. "What are we doing here?" I asked.
"Start your research here. Sasamahan kita."
Bumaba na siya ng kotse. Napangiti ako sa aking sarili. So he's helping me.
Malawak ang lugar. Hindi masyadong marami ang kumakain. But the ambiance was nice and I could smell the Chinese food. Parang nakagugutom tuloy.
May kinausap siyang tao at pareho silang napatingin sa puwesto ko. After a while ay ipinakilala niya iyon bilang Manager dito. Para bang kilalang-kilala rito si Thorn dahil halos lahat sila ay kinakawayan siya at nilalapitan.
He was right. I can explore here. I can do and start my research without anybody bothering me.
I started to take photos. From the menus to the serving plates and customers. Hindi ko alam kung ano ang motibo ni Thorn para tulungan ako. Nakapuwesto lamang siya sa isang bakanteng mesa habang may binabasa sa cell phone na hawak niya.
Nang may pumasok na grupo ng mga kababaihan, hindi ko maiwasan na sundan sila ng tingin. Dahil diretso silang lumapit sa nakaupong si Thorn. At humalik ang isang seksing babae sa kanyang pisngi.

I Knew I Loved YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora