1 Humiliated

129 2 2
                                    

This is it! Malalaman ko na din sa wakas kung may babae nga 'tong tapeteng boypren ko. Wala nang atrasan! Fighting Sophia!

Papasok na sana ako ng restaurant ng tumawag si mommy.

"What mom?"

[Hey! Wala na ang kapatid mo!]

"Ano! Si Yohann? Saan? Saan ma!"

[Nandito kami sa Parañaque ngayon.]

I ended the call tapos pumara na agad ng taxi papuntang Parañaque. Akala mo naman ang liit ng Parañaque eh. Bahala na! And for my boyfie? Lucky one, huh? Magtutuos tayo sa susunod!

"Kuya, kuya dito na po!" Pagpara ko kay manong driver sa tapat ng St. Peter. Hindi ko na hinintay yung sukli ko, nagmadali na talaga akong bumaba. Naiiyak ako. Wala na ang kapatid ko. Bakit naman biglaan?

Dali dali akong tumakbo papasok sa isang chapel. Nang makarating na ko sa pinto I slowly opened it and walk towards the coffin.

We were so close back then. Mas matanda ako ng isang taon sa kanya pero mas matured siyang tingnan sa akin. Madalas niya akong pagalitan na parang siya ang panganay dahil ang clumsy ko but despite that, he would always gave me gifts in everywhere he will go.

At ngayon.. Ngayon bigla niya kong iiwan?

Nasa kalagitnaan pa lang ako on my way to the coffin pero sobrang humahagulgol na ko. Halos di ko na makita ang nasa paligid ko dahil unti unti na din lumalabo ang mata ko dulot ng luha.

"Yohann! No!" My phone rang. Bigla akong napatigil sa pag-iyak, it was mom. "H-Hello m-mom." As I answered the phone in between my tears.

"Sophia! Nasaan ka na ba? Kanina pa nakaalis ang kapatid mo! Ni hindi mo na nga makikita yung buntot ng eroplanong sinasakyan niya eh! Hindi naman heavy traffic ah. Nandito na kami sa restaurant malapit sa NAIA terminal 2, dalian mo na."

And I was stunned on what I've heard. NAIA? Nakaalis? Yung kapatid ko? Kanina pa?

Pinunasan ko muna yung basang basang mukha ko. I composed myself and slowly walk towards the coffin while holding my breathe.

And there I saw an old lady lying at the center of this chapel.

Unti unti akong lumingon habang nakayuko. I kept on saying I'm sorry habang lumalabas ng chapel.

But when I was about to open the door, I bumped into a well built body.

"Are you crazy?" Agad na sabi niya when I looked at him.

"N-nagkamali lang n-naman ako. Sorry. Sorry."

"Ganun ka ba katanga para di magbasa muna ng pangalan sa may pinto. Kahit taong 40 years tumira sa tuktok ng bundok alam na hindi lang isa ang chapel ng mga punerarya."

"Na-carried away lang naman." I said at saka napa-lipbite. Nakakatakot kasi siya, parang disciplinarian sa school.

"Carried what?!" Kaunti nalang talaga mapagdidikit niya na ang kilay niya sa sobrang inis? Irita? I don't know.

"Hey Naigel! Normal lang naman may magkamali sa pagpasok sa chapel." Galing sa likod yung boses ng babaeng I think nasa 35 to 40 ang edad.

"No. That's being stupid." After that nilagpasan niya na ako. Ako naman ay dali daling umalis sa nakakahiyang scene na 'yon.

At dito nagsimula ang kahihiyan ko sa harap niya. I feel humiliated at my own fault.

Unwanted GuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon