chapter 7: Akyat Bahay

8.7K 321 95
                                    


"Ayusin mo ang paglilinis mo ha, ichecheck ko yan mamaya. Kapag yan hindi maayos, pati kalsada ipapalinis ko sayo" sabi ni monster in law bago siya umalis ng bahay.

Wow. Kalsada. Aba matinde rin to ah.

Tss. Kung pwede lang sanang linisin ang mukha mo eh kaso malala ka na. Kahit ata muriatic acid di tatabla sa tindi ng mukha mo.

"Sige, punta na ako sa salon. Kelangan ko na ng hair cut" at umalis siya.

Hindi lang siya palaka, inggiterang palaka siya. Napansin lang niya na nagpagupit siya tapos bigla bigla siyang magpapagupit? Kahit anobg gupit naman niya, as if naman may mababago sa kanya. Kahit magpakalbo pa siya o kachupoy, wala ring magbabago.

Haaay. Sabado ngayon pero nandito ako magisa sa bahay, naglilinis.

Kawawa naman si rich kid, hindi ko siya masasamahan. Sa totoo lang, tinatamad rin ako eh kaya ok lang naman.

Pero ang hindi ok ang paglinisin ako ng sabado! Plano ko pa naman matulog lang buong maghapon para beauty rest kasi ilang araw na akong nasestress eh. Kaso di makakarelate ang step monster and step frogsters ko dun, kahot buong buhay silang matulog walang magyayari sa mukha nila.

Wala eh. Pangit eh.

Boom. Hard.

May mga pagkakataon talaga na ang sarap lagyan ng rat kill ang pagkain nila eh kaso ako rin ang maglilinis sa corpses nila kaya dagdag trabaho rin sakin yun.

Haaay, maglilinis na naman ako. Alam mo yung kay cinderella na tuwing maglilinis ako, bigla na lang may lalapit saking mga ibon?

Well hindi ako ganun. Alikabok ang lumalapit sakin.

I came in like a wrecking ball~~

Natawag si rich kid.

"Hello?" sabi ko.

"Ready ka na?" sabi niya.

"Ready saan?" sabi ko.

"Diba I told you na sasamahan mo ako ngayon? So ano? Nakaligo ka na ba? Mamaya may panis na laway ka pa dyan sa bibig mo" sabi niya.

Hoy! Porket may utang ako sayo di ibig sabihin nun na susundin ko lahat ng utos mo noh! Isa pa may gagawin pa ako.

Isa pa buhay ko to, maliligo ako kung kelan ko gusto. Kung next week ko gusto edi next week ako maliligo!

Ps. Di pa ako naliligo. Eh maglilinis din ako ng kwarto eh, sayang naman ang effort ko sa pagliligo kung babaho rin pala ako.

"Sorry pero may importante pa akong gagawin" sabi ko.

"Mas importante pa sa akin?" sabi niya.

Aba. Feeler to ah.

"One million times na mas importante sayo" sabi ko.

"Really? Well let me give you an advice, Ms. Tremaine. . ." sabi niya at nagpause siya ng sandali.

"Nothing is more important than me. Sasama ka sa akin sa ayaw o sa gusto mo" sabi niya at bigla niyang binaba ang phone.

Lintek na mayabang tong rich kid na to ah! Tingin niya ata umiikot sa kanya ang mundo eh.

"Eh ayoko nga eh, busy ako" sabi ko.

"Talaga? At san ka naman busy?" sabi niya.

"May group work kami sa school kaya nasa school ako ngayon" sabi ko.

Kapanipaniwala naman ang excuse ko diba? Isa pa busy naman talaga ako eh.

"Nasa school ka talaga?" sabi niya.

Bratinella (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon