chapter 12

6.7K 279 215
                                    

Ilang araw na akong ganito. Nakakapagod na.

Ayoko na.

Nakakapagod isipin ng paulit ulit. . .

Yung chickenT____T

Namimiss ko na yung chicken! Literal na tatlong araw sunod sunod kong napapaniginipan ang chicken.

Ah alam ko na, isang oras pa naman yung break time ko diba?

Pupunta na lang akong Jollibee! Eh hindi ko naman afford yung chicken na pinakain sakin ni rich kid kaya dun na lang ako bibili.

Medyo tapat lang ng jollibee yung school namin kaya wala pang 5 minutes, nandun na ko.

Yun nga lang. . .

Ang haba naman ng pila ditoT___T

Sige, maghihintay ako para sa fried chicken. Kaya mo to Ella.

10 minutes later. . .

Dalawang tao na lang at ako na ang susunod. Sakit na ng paa ko pero mas nararamdaman ko yung gutom ko.

At at last, ako na sumunod.

"Hi, isang fried chicken for take out. Drumstick ah" sabi ko. Konti man yung drumstick, yun naman yung pinakamasarap.

After nun binayaran ko na. Nanghinayang nga lang ako ng konti kasi 50 lang ang baon ko araw araw salamat sa kuripot kong step mom.

Sakin lang siya kuripot pero pagdating sa mga palaka niyang anak, 200 pesos sila each araw araw. Partida, hatid-sundo pa sila habang ako, commuters lang.

Haaay pero wala na akong magagawa sa kasakiman ng babaeng yun. Di naman ako makapaglayas kasi sabi ko kay papa na aalagaan ko yung bahay.

Bakit ko ba yun sinabi? Ayan tuloy, naging alila pa ko ng mga palaka.

Parang baliktad ata yung sitwasyon eh.

"Eto na maam" sabi nung cashier. Pansin ko lang, mataray si ate. Nakasimangot at at taray ng tono.

Bago ako umalis, chineck ko muna yung chicken. . .

Hindi to drumstick ah!

"Ah ate sabi ko po drumstick. Breast po ang binigay niyo" maayos kong sinabi sa kanya.

"Hinawakan niyo na kaya di na namin mapapalitan" mataray na sinabi ni ate.

Gutom na nga ako. Dumagdag pa si ate.

Syempre i-expect niyo na, bitch mode na ako.

"Ah ganun ba? Sorry ah. Suggest ko lang, kapag nagme-makeup ka, tingin tingin din sa salamin kasi nagmumuka kang clown. Baka akalain nila na nasa mcdo sila pag nakita ka nila" sabi ko sabay ngiti at umalis na ko.

Di ko an hinihintay yung reaksyon ni ate kasi gusto ko na kainin tong chicken kahit breast(hindi kasi ganun kalasa to). Isa pa, baka malate na ko sa klase.

Pero bago pa ako makapasok sa gate namin. . .

O____O

May lalaking pinilit ako ipasok sa isang kotse. Gusto ko sanang lumaban pero wala, ang bilis ng pangyayari.

Shet. shet. shet. shet. shet.

Kidnap ba to?! Langya!!! Baka kunin nila yung lamang loob ko!!!

"Calm down, pinagpapawisan ka na oh di pa tayo nagpapractice" sabi ng isang lalaki sa tabi.

Ay shet.

I shouldve known.

"Ano na naman to ha?! Papatayin mo ba ko sa kaba??" sabi ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bratinella (on hold)Where stories live. Discover now