chapter three

15.5K 512 142
                                    

“Bakit nakashades si Ella?”

“May araw ba sa loob ng school?”

“Feeling artista na naman siya”

Wala kayong pakielam kung bakit nakashades ako. Eh kasi trip ko eh!

“Ms. Tremaine, mataas ba ang araw ngayon? Tumayo ka at tanggalin mo yang shades mo” sabi ni Maam.

Ano raw? Tanggalin ko raw ang shades ko? Sh*t. Pakielamera talaga ang teacher na to kahit kelan. Palibhasa hugis mangga ang muka niya. May theme song pa nga ko sa kanya eh. . . babababanana ng minions.

And dahil wala akong choice, tinanggal ko na ang shades ko.

=______= <-- eyebags na wagas

“Mukang puyat ka ata, ano na naman ang pinaggagawa mo?” sabi ni maam.

Ang taray niya talaga. Mainit ang dugo sa magaganda.

Ngumiti ako at sabi ko- “Maam, nagreview po ako kagabi”

“Nagreview? Hmmm” mukang walang masabi si maam ah.

“What is the only germicidal agent composed of only water and oxygen?” sabi ni maam.

Gusto niya ata talaga akong pahiyain. . . over my dead beautiful body Mrs. Mangga.

“Hydrogen peroxide” sabi ko.

At ayun, napatahimik si maam. 1 point! Ano ka ngayon? Nga nga.

“. . . you may sit down” sabi niya at nagsimula na siya sa lessons niya.

Actually hindi ako nagreview, hindi ako makatulog dahil sa bracelet ko. Bonus rin yung ingay ng dalawang magkakapatid, tungkol raw sa isang party na di ko maintindihan. Binalikan ko pa dun kung san sinapak nung lalaking parang ninja(parang ninja kasi bigla na lang siya sumulpot) kaso di ko nakita. Bakit naman ganito ka lalim ang eybags ko? siguro na rin dahil sa kakaiyak ko. yun na nga lang ang memory ko sa papa ko, nawala pa. . .

zZzz. . . ZZz. . .

zzZZzz. . .

*BAGGG!*

“Ms. Tremaine!”  sabi ni maam sabay hampas sa desk ko.

“Why do you sleeping in my class?” sabi ni maam.

. . .Ha?

. . . why do you sleeping in my class? Naku maam, wag na wag kang magshishift bilang english teacher. Marami kang mawawasak na kinabukasan dyan sa english mo.

“I did not tolerate sleeping in my class!” sabi niya.

Bratinella (on hold)Where stories live. Discover now