Previous Page of 5Next Page

She Died.

Dedicated to
Filipina
spinner.gif

DENNY / HYSTG's note:

Thank you pala sa comments niyo sa last chapter! Natutuwa ako kasi akala ko lutang yung pagkakasulat ko sa last chapter, akala ko hindi ko nalagyan ng feeling yung scenes kasi nga tulad ng sabi ko medyo lutang talaga ako ngayon kaya hindi ko masyadong feel ang pagsusulat pero hindi ko akalain na may mga naramdaman pa kayo sa update at merong mga naiyak din daw and I'm glad to read such comments kasi alam ko na kahit lutang yung update ay kahit papano na-transmit ko pa rin pala yung feelings ng story sa inyong mga mambabasa. Atleast hindi siya dull. :")

 

And last thing! (I know ang haba ng author's note XD)

I dedicate this chapter to Filipina kasi siya yung gumawa ng new cover ng She Died. Awesome right? :)

***

She Died

written by HaveYouSeenThisGirL

Chapter Twenty \\

 

Now Playing: Your Guardian Angel by Red Jumpsuit Apparatus

 

♪ "When I see your smile

Tears run down my faceI can't replace

And now that I'm stronger I've figured out" ♪

 

"Hmm..." medyo nagigising na si Eros, medyo masakit ang katawan niya at pakiramdam niya dinaganan siya ng sampung elepante.

"Eros! Sa wakas nagising ka na din!" habang pinagmamasdan ni Eros ang paligid niya ay narinig niya ang boses ni Eris mula sa gilid ng higaan niya.

"A-anong ginagawa ko sa hospital?" unang tanong na lumabas mula sa mga bibig niya dahil wala pa siyang masyadong maalala kung paano siya nakarating sa hospital. Masyado pa siyang confused para makapagisip ng ayos.

"Nakipagaway ka nanaman kasi..." malungkot na sagot ni Eris.

"Ahh..." bigla bumalik lahat sa utak ni Eros ang mga nangyari.

"Nakakainis ka Eros..." napalingon ng hindi oras si Eros kay Eris kasi naramdaman na lang niyang umubob ito sa may gilid ng kama niya at narinig na lang niya ang paghikbi nito, "Pinagalala mo ako ng sobra! Andami dami mong sugat, punong puno ka ng dugo, wala ka pang malay nung makita kita! Bakit ka ba ganyan, lagi mo na lang dinadaan sa pakikipagbugbugan! Napakabayolente mo! Asar ka!" :(

 

 

♪ "How this world turns cold

And breaks through my soul

And I know, I'll find deep inside meI can be the one" ♪

 

"S-sorry..."

Inangat ni Eris ang umiiyak na mukha, "Sorry ka dyan! Tignan mo 2% na lang natitira sa necklace! Nasayang lahat ng efforts natin! Paano na lang yung mission natin?" :(

"Ah oo nga pala yung mission... Eris... diba sabi mo sa period ng mission mo na ito walang makakaalala sayo pero bakit kagabi naalala ko ang lahat... sobrang linaw ng mga pangyayari sa isipan ko... Naalala muli kita..."

"Hiniling ko kasi kay God na sana kahit ikaw man lang maalala mo ako..."

"Bakit?"

"Kasi sobrang natuwa ako nung gabing sinabi mong 'minahal' mo ako noon... Akala ko kasi hindi mo ako minahal..."

Pinilit tumayo ni Eros mula sa pagkakahiga niya kaya inalalayan naman siya agad ni Eris, "Wait Eros, bawal ka pang tumayo!"

"Akala mo hindi kita minahal? Dahil ba nung gabing yun? Dahil ba hinayaan lang kita?"

 

Yumuko si Eris at napakagat ng labi, naiiyak nanaman ulit siya. Pero nabigla na lamang siya nang biglang naramdaman niyang lumapat ang labi ni Eros sa may labi niya, saglit lang yun pero parang pinatigil nito ang oras.

 

"Sorry Eris... nadala lang ako sa galit ko noon pero wag mong iisipin na hindi kita minahal..." pinatong ni Eros ang ulo niya sa may balikat ni Eris, "Mahal na mahal kita... Sorry, sorry talaga. Kasalanan ko kung bakit namatay ka... Sorry Eris... Gagawin ko lahat para lang makabawi sa kasalanang nagawa ko sayo, ano ba dapat kong gawin? Yung mission? Sige, gagawin ko lahat para mapuno yung necklace! Kung yun lang yung paraan para bumalik ka ulit, para mabuhay ka..."

 

 

♪ "I will never let you fall

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (782)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Cast

Aoi Miyazakias Eris Jane Trinidad
Lee Jun Kias Eros Magdayo
Kato Rosaas Risa Magdayo
Junpei Mizobataas Yohanne Garcia
Ito Onoas Gazelle Ocampo

Recommended

Secrets Under The Rain (by: ℋℳ) (ON HOLD)WindstruckAng Pangarap Kong Si KevinSecretly Married ( Lee min ho & Park min young 'minmin' couple )