Previous Page of 6Next Page

She Died.

Dedicated to
mjinlove082
spinner.gif

DENNY / HYSTG's note:

Okay, here's how this update works:

Pag may ganto --> "***" ibig sabihin niyang "nangyayari sa past" aka flashbacks, pag nag-end na yung flashback may ganto ulit --> "***" . Gets? Naglagay ako niyan kasi I know sa mobile readers hindi ata naka-"italicised" ang words so nilagyan ko na lang ng ganyan para hindi confusing. :)

So here's the story sa past nina Eris at Eros, I hope magustuhan niyo ito sa kabila ng pagkalutang at pagkasabaw ng utak ko. Hahaha. Forgive me, stressed lang talaga ako sa studies. Promise talaga pag nakapasa ako sa entrance exam ko sa September, I will be able to write something better.  Bear with me lang talaga sa stressful months ko. ♥

 

***

She Died

written by HaveYouSeenThisGirL

Chapter Nineteen \\

 

"She was raped and because of you she died."

 

Dahan dahan bumitaw si Eros sa may balikat ni Eris, isa-isang nagpe-play back sa isipan niya lahat nang nangyari...

 

"I killed you..." nanlalaki ang mga mata ni Eros at dahan dahan siyang tumatayo at lumalayo kay Eris.

"Hindi Eros, hindi ikaw ang pumatay sakin..." tumayo na rin si Eris at sinusubukan nyang lapitan si Eros pero bawat hakbang niya palapit dito ay pahakbang naman ito patalikod.

"Pero kung hindi dahil sakin hindi ka mamamatay... kung hindi mo ako sinundan... kung hindi kita pinabayaan..."

"Eros... may sasabihin ako sayo..." pilit pa ring lumalapit si Eris kay Eros pero nung maaabot at mahawakan niya na sa kamay si Eros ay biglang dumulas ang kamay ni Eros sa kamay niya hanggang sa naghiwalay ang mga kamay nila at tumakbo palayo si Eros sa kanya. Pilit niyang tinatawag si Eros pero hindi man lang ito lumingon.

 

*** "Class president, wag na nating isali si Eros sa play, pampagulo lang siya, ni ayaw ngang makipagcooperate satin. Nandun siya sa may ilalim ng puno ng mangga sa may malapit sa gym at natutulog sa oras ng practice natin! Bakit sya pa ang lead guy sa play natin?"

"Konting pasensya lang guys, makikipagcooperate rin siya satin. Magtiwala lang tayo sa kanya."

"Eris! Ubos na pasensya namin para sa kanya! Nilagay natin siya sa lead role para mapataas ang grade niya at maka-graduate siya sa kabila ng failing grades niya pero kung mukhang wala naman siyang pakelam pabayaan na din lang natin siyang mag-repeat!"

"Pero..." 

 ***

 

Takbo ng takbo si Eros, naiinis siya kasi patuloy na nagpe-play sa isipan niya ang nakaraan... Kamakailan lang halos wala siyang matandaan pero parang sa isang mahiwagang pangyayari tuloy tuloy ang agos ng mga pangyayari sa kanyang isipan. Sa pagkakataong ito sobrang linaw ng lahat, para bang may nagbukas na pinto ng "nakaraan" para sa kanya at nakapasok siya dun at napapanuod ang bawat pangyayari.

 

*** "Eros..." natutulog siya nun sa may ilalim ng puno ng manga nararamdaman niyang may pumipindot ng pisngi niya kaya napapabaling ang ulo niya at pinapaalis niya na parang langaw ang kamay na umiistorbo sa pagtulog niya, "Eros... yuhuuuu... gising."

"Ano ba, natutulog ang tao wag kang istorbo..." nakapikit pa rin nitong sabi.

"Haaaaay," narinig niyang nagbuntong hininga ang nangiistorbo sa kanya, "1, 2, 3."

Nagtataka siya kung bakit nagbibilang ito pero pagdating ng "3" ay napamulat na lang siya bigla bigla dahil bigla siyang sinagawan ng sobrang lakas sa tenga, "Gisinggggggggggggggggg!!!"

"Aray! Oy! Ano ka ba ha!" inis na sabi niya habang nakatakip sa tengang nasigawan.

Nakangiti lang sa kanya yung class president nila, "Tara na Eros. Hinihintay ka namin." :)

 ***

 

 

 "AAAAAAAAHHHHH!!!" ginulo ni Eros ang buhok niya habang tumatakbo pa rin, inis na inis siya. Gusto niyang tanggalin sa isipan niya ang mga alaalang nagfa-flashback sa kanyang isip lalong lalo na yung mga ngiti ni Eris... Para kasi sa kanya yung mga ngiting yun ang nagpatibok ng husto ng puso niya, noon kasi si Eris lang ang nagtyaga sa kanyang ugali at ito lamang ang nagagawang ngitian siya bukod sa ate Risa niya.

 

"AHHH!!!" katatakbo ni Eros nakarating siya sa may lumang tambayan niya, sa isang abandoned na lumang building, pagkapunta niya dun nagsimula siyang manira ng mga gamit, lahat ng madampot niya hinahampas niya sa kung saan.

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (943)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Cast

Aoi Miyazakias Eris Jane Trinidad
Lee Jun Kias Eros Magdayo
Kato Rosaas Risa Magdayo
Junpei Mizobataas Yohanne Garcia
Ito Onoas Gazelle Ocampo

Recommended

Prince Edward Academy [Melt the Cold Prince's Heart]Secrets Under The Rain (by: ℋℳ) (ON HOLD)Secretly Married ( Lee min ho & Park min young 'minmin' couple )Ang Pangarap Kong Si Kevin