Previous Page of 7Next Page

She Died.

Dedicated to
AiHeartWatty
spinner.gif

Denny / HYSTG's note: halloooo! kamusta na kayo? waaa! sorry ngayon na lang ulit ako naka-update. may readers pa po ba ako? hehe. kung meron pa po na nagawang mahintay ang update, maraming salamat po! I hope you can leave your comments, I would want to hear your thoughts about sa update. Salamat! <3


previously on She Died...

pinagsaluhan nila ang lugaw na binili ni Eros at matapos nun ay hinila ni Eris na mahiga si Eros sa tabi niya... nagusap sila ng mga bagay bagay at inaya siya ni Eris na pumasok sa school... 


She died

written by HaveYouSeenThisGirL

 

Six \\

 

Point of View:

- EROS MAGDAYO -

 

“Eros...” ♥__♥

“H-hoy, bakit ganyan ka makatingin sakin?” ang weird niya, titig na titig siya sakin tapos nasa may kaliwang dibdib niya pa yung mga kamay niya at yung feeling ba na parang nagiging heart shape yung mga mata niya. Kinakabahan ako sa panget na angel na ito. =_=""

"I... I..."

"You?! Bulol ka ba? Oy umayos ka nga!" ano ba kelangan nito sakin? Bigla bigla na lang akong kinausap. =_=

"I love you! MUAAAAAAAAAAAHHHH!" (  *3*)~~♥

 

 

 

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

 

Bigla akong napamulat ng mata! Pwew! Panaginip lang pala, kinilabutan ako dun! Seesh! Nagtitindigan ang mga balahibo ko...

 

*Blink Blink*

 

Sinubukan kong pumikit ulit tapos nagmulat ulit ako ng mga mata ko....

 

*Blink Blink*

 

Pumikit ulit ako... at pag mulat kong muli...

 

 

 

 

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

 

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" pag sigaw ko ay sumigaw din siya! Gaya gaya? =_=

 

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" tinulak ko siya palayo sakin kasi pag mulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa harapan ko ang mukha niya! Kamuntik na akong atakihin sa puso sa bigla!

 

"GALING KA NA SA PANAGINIP KO AH? HANGGANG DITO BA NAMAN SINUSUNDAN MO AKO? PAPATAYIN MO BA AKO SA BANGUNGOT HA?!" ampocha, pinagpapawisan ako ng malamig sa mga pangyayari. Una napanaginipan ko siyang nag-i love you sakin at hahalikan ako tapos pagkagising ko, ang lapit niya sa may mukha ko! Tae! Nakakalibot! Brrr!

 

"Wow talaga? Napanaginipan mo ako? Anong ginagawa ko sa panaginip mo?" excited na tanong niya.

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at hinagis ko ang unan ko sa kanya, "HOY WALA KA NA DUN! ATSAKA TEKA NGA! BAKIT ANDITO KA SA BAHAY KO? AT HIGIT SA LAHAT BAKIT ANDITO KA SA LOOB NG KWARTO KO? SINONG NAGPAPASOK SAYO HA?!!!"

 

 "Eris... gising na ba si... Oh! Gising ka na pala Eros!"

"Ate Risa? Ikaw ba nagpapasok sa babaeng ito?!!!" inis na tinuturo ko yung annoying na angel sa may harapan ko.

 

"Yup!" nakangiting sabi ni ate Risa, "Sabi niya kasi sabay daw kayong papasok sa school kaya pinapasok ko na siya para gisingin ka. Nabigla nga ako ee nung sinabi niyang gusto mo daw pumasok ng school? Totoo ba yun Eros? Kung totoo yun nakakatuwa naman at finally nakapagdecide ka ng pumasok ulit!"

 

Bigla siyang lumapit sakin at inabot sakin yung uniform ko, "At dahil natuwa ako sa narinig ko, pinlantsa ko ang uniform mo! Eto oh!"

 

"Ate Risa! Bakit mo ginawa yun! Diba sabi sayo bawal kang magpagod!"

"Ha? Namlantsa lang naman ako ee, hindi naman nakakapagod yun..."

"Kahit na! Paano kung may nangyaring masama sayo? Alam mo namang kahit konting galaw mo lang madali ka ng napapagod! May balak ka bang magpakamatay ha?!" naiinis ako sa ginawa niya kasi namlantsa pa siya ng uniform ko! Parang tanga eh! Alam naman niyang bawal siyang magkikilos pero namlantsa pa rin! Asar!

Previous Page of 7Next Page

Comments & Reviews (343)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Cast

Aoi Miyazakias Eris Jane Trinidad
Lee Jun Kias Eros Magdayo
Kato Rosaas Risa Magdayo
Junpei Mizobataas Yohanne Garcia
Ito Onoas Gazelle Ocampo

Recommended

Secretly Married ( Lee min ho & Park min young 'minmin' couple )Secrets Under The Rain (by: ℋℳ) (ON HOLD)Ang Mahiwagang Libro Sa Book Store - [one shot]When The Heaven Falls... (Vicerylle)