Chapter 28- Aftermath

180K 4.1K 178
                                    

TFLGIAN

Chapter 29

Aftermath

A/N: Be aware of some foul words. And! The dedication is based on your lovely comments.

"Let's pause for a moment to give prayers to the family of the victims,"

Sofia's POV

Naging tahimik ang buong gym dahil sa sinabi ng Principal. Lahat ng estudyante ng LPI ay ipinatawag para mag dasal sa limang babaeng pinatay dalawang linggo lang ang nakakaraan.

I've already told my gang to enhance the security system ng LPI. Dahil sinabi sa akin ni Althea na humihina na daw ang bug system ng University, nakakapag taka lang dahil wala naman akong nakikitang motibo para galawin ang security system.

"Princess, halika na" nagbalik naman ako sa realidad ng tinawag ako ni Tiffany, dali-dali naman akong sumama sa kanya.

Kung noon ay parang palengke ang classroom namin dahil sa sobrang ingay ngayon naman ay tinalo pa ang bundok sa sobrang tahimik. Siguro nga ay puro mga spoiled brats' ang mga nandito pero marunong din namang makisimpatya.

"Who could be that devil did this to them?" wika ng isa kong kaklase.

"Wala silang awa"

"Oo nga," at sunod-sunod na komento nila. Hindi ko din sila masisi, mukhang na trauma ang ilan sa kanila at napilitan lang pumasok dahil sa imbestigasyon.

Napalingon naman kami sa pintoan ng may kumatok dito, dali-daling tumayo ang class president namin at binuksan ito. Pumasok ang limang lalaki na sa pagkaka-alam ko ay ang dalawa ay myembro ng NBI at ang tatlo ay Interpol Officials.

Bahagya akong napangise Interpol Officials? Nah-uh. Talagang opisyal na ang ipinadala nila.

Ang limang taong yan ang mag i-imbestiga sa insidenteng nangyari. As you can see, dali-daling lumabas sa media at international media ang nangyaring karumal-dumal na pagpatay kina Angelie. Agad namang umuwi ang mga magulang ko para tulungan si Auntie sa konting problema nato. Oo, konti lang.

Kinakalaban nila ang tiyahin ko. Nah, when my aunt is good she's definitely good but when she's mad she's a demon.

"Humihingi ako ng paumanhin dahil na-abala namin kayo sandail. Pero may mga ilang katanungan lang kaming itatanong sa inyo." Wika nung nasa gilid na lalaki.

The Famous Legendary Gangster is a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon