Chapter 9 - My Fiancée

269K 6.6K 289
                                    

TFLGIAN

Chapter 9 My Fiancée (edited)

Sofia's POV

I'm here in my bed, wala naman akong ginagawa at alas kwatro pa lang ng hapon. Wala din dito yung apat. Dun na kasi sila nags'stay sakanila, andito na kasi sina Tita.

Nakarinig ako ng mahihinang katok sa aking kwarto.

"Pasok." agad namang pumasok ang isa sa mga pinagkakatiwalaang butler namin, si Butler George.

"Young lady, may naghihintay po sa inyo sa baba."

"Who?"

"Himatsu" What the?! Hindi na ako nakasagot dahil bigla na lang niya akong iniwan. Bastos.

Bumaba na ako at hindi ko inexpect na magpapakita sa akin ang parents ko.

"Naparito kayo?"

"Anong klaseng pag-welcome 'yan young lady?" nakangising sabi sa akin ni daddy.

"How are you?" Hindi ko sinagot ang tanong niya. Wala akong oras sa mga paglalaro nila.

"Naparito kayo?" Tanong ko muli sa kanila pero this time si mommy na ang sumagot.

"Fix yourself. We'll go to a restaurant. We will be meeting someone."

"Last thing, please control yourself, arraso?"

"Why?"

"You will your fiancé." Agad akong nag-iwas ng tingin sa tatay ko. WTF? Anong kagaguhan nanaman 'tong ginagawa nila.

Pinilit kong kontrolin ang aking sarili dahil baka sa mga oras na 'to ay makagawa ako ng kasalanan. Tiim bagang akong napatingin sa kanila. Are they serious? Kay bata-bata ko pa.

Pero kahit na magwala ako dito eh 'sing tigas naman ng aspalto ang mga ulo nila kaya wala pa rin akong magagawa. Nyeta naman.

"Psh! Fine"

"Oh Mio Dio!" Mom scream.

"Hindi ko lubos maisip na napapayag natin siya Denver!"

Pinapunta na nila ako sa kwarto para magbihis. Nagsuot ako ng black dress and paired it with a 2-inch heels. I'm not a fan of high heels.

Napatigil ako sandali, ano kayang dahilan para i-engage ako sa taong hindi ko mahal at hindi ko kilala at isa pa, hindi ko alam kung mahal nga ako nung taong yun.

Love? Tss. Kalokohan. Naniniwala lang ako dun sa love story ng magulang ko at wala ng iba.

Teka, bakit parang ang weird ng kwarto ko? Parang hindi kumpleto, parang may kulang sa mga gamit ko. Tsaka, nawawala din yung susi sa dalawang pintuan.

"Manika!" Napatingin naman ako sa sumigaw, si Mikka, siya ang anak ng driver namin.

"Gumagalaw yung manika! Waah." Sigaw pa niya. Napa-iling ako, sabi nila mukha talaga akong manika. Di nga?

"Mikka, ako to si Ate Sofia mo." malamig kong sabi sa kanya and she flinched in disbelief.

"A-ate?" Ngumiti ako sa kanya, ilan-ilan lang ang mga taong nakikita akong ngumiti. At hinding-hindi ko pagkakaitan si Mikka.

"Mukha ka talagang manika ate." Sabay lapit niya sa akin. Ginulo ko na lamang ang buhok niya.

"Aalis muna ako Mikka, bye." ngumiti ako sa kanya at bumaba pero may narinig pa akong sinabi niya sa akin.

"Sana'y makangiti ka din sa iba ate, gaya ng pag-ngiti mo sa akin." That will never happen Mikka, piling-pili lang ang mga taong nginingitian ko at kung gustuhin ko man ngumiti, sa akin na lamang yun.

Tinungo ko ang limo na nasa harapan ng pintuan at makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa isang Italian Restaurant.

"Dre, sorry late" Sabi ni Dad kay Ahjussi o si Mr. Yu. Lumingon naman ang fiancé kuno ko.

"Hi", biglang sabi ng lalaki sa likod nila. Si Ian Xander Yu? Tangina naman.

Napa angat na lang ako ng kilay at hindi na nag react. Hindi nga pala nya ko namumukhaan dahil hindi ako naka nerd disguise.

Why on earth?! Sa dinami-dami ba naman ng lalaki sa mundo, siya pa? Ugh.

"This is our son Xander, anak this is Princess Sofia Lee-Park. They look cute aren't they?" Sabi ng nanay ni Xander, Tita Irene.

"So, take this time para kilalanin ang isa't-isa, iiwanan na namin kayo dito, sa ibang resto na lang kami kakain. Okay?" walang kabuhay-buhay kong tiningnan si Dad na siya ding nakatingin sakin. Nakangisi pa.

"Para siyang manika. Walang kabuhay-buhay." napa-irap ako sa sinabi ni Dad na dahilan para tumawa siya then he kissed my forehead.

"Remember, we love you anak. By the way, you look murderous."

"I know."

"Before I forget, yung mga gamit nyo nasa bahay na" ahjussi

"WHAT?!"

"Cmmon! You'll be living under one roof." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mom. Seriously?

"nice" bulong niya pero rinig ko naman. Leche Xander.

Karma ko na 'ata to.

© MonsterFiffy Wattpad

The Famous Legendary Gangster is a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon