Chapter 34- Queen's Divulge (Part 1)

164K 3.7K 268
                                    

Chapter 35 - Queen's Divulge (Part 1)

Sofia's POV

"Uno? Okay ka lang talaga?" Tiningnan ko ng masama si Tiffany na nagsalita sa tabi ko, kahapon pa ako na discharge sa hospital. Hindi sana ako papayagan nung doctor maging ni Xander kung hindi ko pa sila pinagtangkaan. At ngayon naman ay papasok na ako.

Wala pa naman akong nababalitaan sa mga tao ko na namatay na ng tuluyan si Lestrange ang alam ko lang ay nawawala ito ngayon at pinaghahanap na ng Vendetta. Ano nalang kaya ang mararamdaman nila if malaman nilang buhay pa ako. Pathetic creatures.

Ngumite siya itinaas ang kanyang dalawang kamay, "He-He-He! Sabi ko nga diba. Okay ka lang? Ikaw naman kasi Althea eh!" Wika ni Tiffany kaya naman napalingon sa direksyon namin si Althea. "What the fvck are you talkin'?" Tinaasan niya kami ng kilay. Tiningnan ko si T, nakasimangot ito. "Tumahimik ka kasi," ani Minchi na tumitingin sa ginagawa ni Althea.

"Anyway, you will going to meet Mrs. Lim." Wika ni Cally, napakunot ako sino naman iyan? "Well, she's the wife of the reaper who died weeks ago in the parking lot." Dagdag niya pa. Tumango lang ako.

"Andito na tayo," usal ni Minchi at naunang bumaba. "That girl." Wika ko kaya naman ay napatingin sila sa akin. "I know she have problems. Bakit kaya hindi nalang niya sabihin sa atin." Wika ko habang tinitingnan si Minchi na naglalakad papalayo sa kotse.

Tumango silang tatlo. "Tama ka, uno. Sobrang tahimik ni Minchi ngayon. I mean tahimik naman siya noon pa paman pero kakaiba talaga to. Nagsimula ito noong hinila siya ni Trake." Wika ni Tiffany at tumayo na ako. "We'll talk about it later." Nagsimula na akong lumakad. Hindi na katulad dati na maraming mapanoring mga mata ang nakamasid sa amin. Para na lamang kaming isang hangin na binabaliwa nalang at yung ang pinaka gusto ko.

Ilang sandali na lang ay nasa room na ako at so Tiffany. Nauna kami kasi sabi Althea, bibili daw siya mg pizza at nag pasama siya kay Cally. Binuksan ni T ang pinto ay biglang natahimik ang buong klase namin pero agad din namang bumalik ang ingay nung napagtanto nilang kami lang pala ni T and dumating. Nagsimula na akong mag lakad at napansin kong kumpleto ang gang ni Xander at may ilang kaklase ko ang nakatingin sa akin.

"Uy nerd," wika nung babaeng naka ponytail. "Anyare?" Wika niya at napatingin sa braso kong may benda at sa mukha kong may band-aid. Wala sana akong balak sagutin siya ngunit siniko ako ni Tiffany. Tipid na nginitian ko ang babae, "Accident." Wika ko kaya naman at tumango siya. Binati naman ako nung iba kaya tinganguan ko lang sila.

"Ingat kasi sa susunod," napakunot ang noo ko sa winika ng class President. Naalala ko siya ang hinagisan ko ng needle ko noong may bagong transferee. Hindi ko na siya pinansin at binaling nalang tingin ko sa labas ng bintana.

"King! Grabi! Hindi aakalain na taken kana!" Narinig kong wika ng kung sino kong kaklase. Hindi ako lumingon. Wala kasi akong paki-alam.

"Oo nga King, alam mo ba. Laman sa lahat ng Social Networking Site yung ginawa mo sa canteen!"

"At isa pa King! Nakakakilig yung ginawa mo! Kyaaah!"

"Ay King! Ano pala pangalan ng girlfriend mo?" Girlfriend? Wala namang syota tong si Ian Xander ah.

"Brokenhearted talaga ako sa nangyari King! Pero okay lang bagay naman kayo ni ating manganda!"

"She's pretty, isn't?" Narinig kong nagsalita si Xander. Napa ismid naman ako sa upoan ko. Tsk.

"Kyaaaah, nagsalita si King Omg!"

"Ano name niya King?"

"Just call her Queen," bakit parang interesado ako sa pinag uusapan nila. Damn! Anong nagyayari sa akin. Basta naiilang ako kay Xander after noong aksidenting nakita nila ako sa lumang gusali na iyon kasama si Lestrange. Kasi naman eh.

The Famous Legendary Gangster is a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon