Extra 1: As husband

153K 2.7K 102
                                    

EXTRA 1:

            Kunot-noong napabalikwas siya ng tayo ng mapansin na wala ang asawa niya sa kanyang tabi. Biglang bumangon ang kaba sa dibdib niya ng hindi niya makita ito sa loob ng kanilang silid.

            Mabilis pa sa ala una ng siya ay bumangon at nagsuot ng t-shirt at tumakbong bumaba sa unang palapag ng bahay.

            “Bee!” tawag niya sa asawa niyang dalawang buwan ng nagdadalang tao. Kaso walang sumagot kaya kinabahan na talaga siya, nakita niya ang katulong nilang stay in sa kanilang bahay na may dalang mga damit na nakatiklop.

            “Nanay Susan nakita niyo po ba ang asawa ko?” nag-aalalang tanong niya.

            “Naku Sir hindi po. Nang magising ako kanina ay walang tao dito sa ibaba.”

            Bumalik ulit siya sa kanilang silid at tiningnan ang loob ng cabinet nila, laking pasalamat niya ng makitang nakahilera pa rin doon ang kanilang mga damit. Masyado na siyang napaparanoid, hindi naman sila nag-away ng asawa kagabi at hindi siya nakagawa ng masama nitong nakaraang araw. Hindi talaga siya gumawa ng masama, anong hirap din kaya ang dinanas niya upang tuluyang maangkin ang kanyang asawa kaya hindi niya sasayangin ang lahat ng pinagpaguran niya.

            “Bee!” He opened the restroom pero wala din, hinanap niya ito sa mga silid pero wala talaga. He grabbed his phone and tried to dial her number pero nalaman niyang nasa loob lang pala iyon ng silid nila meaning hindi nito dinala ang cellphone nito.

            Napasabunot siya ng ulo at napakamot ng batok dahil sinuyod na niya ang buong bahay nila ay hindi talaga niya matagpuan ang asawa.

            “Her friends. Tama her friends.” He dialed Bree’s friends numbers pero nakapatay din. Wala siyang nagawa kundi tawagan ang mga kaibigan niya he needs help. Kahit suyurin niya ang buong Pilipinas at buong mundo gagawin niya mahanap lang niya kung saan nagtatago ang kanyang asawa.

            “Ang aga-aga tumatawag ka, why?” asar na tanong ni Albie na siyang unang nakasagot sa tawag niya.

            “Have you seen my wife?” ang pambungad na tanong niya.

            Sandaling nanahimik ito sa kabilang linya at pumalatak. “Pambihira ka naman pare ke aga-aga at binuhay mo ang natutulog kong kaluluwa upang itanong kung nakita ko ang asawa mo? Dude, kapag nakita ko ang asawa mo I swear hindi mo magugustuhan-.”

            Pinatay na niya ang tawag dahil wala siyang mapapala sa pakikipag-usap kay Albie. That’s the main reason why he have doubts giving her sister to that guy. Normal naman ito pero umaaktong abnormal, sakit na siguro ng mga taong kagaya ni Albie iyon, only Drei can tame him.

Marked Series 1: Destined To Be Yours  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon