Chapter Fourteen

154K 2.5K 137
                                    


HALOS bumaling na sa kabilang bundok ang pisngi niya ng tumama ang sampal ni Yelena sa kanyang pisngi. Hinahanap niya si Allyxel and unfortunately nakasalubong niya ang mahaderang babaeng ito.

"Bakit mo ako sinampal?" gulat at asar na tanong niya.

"How dare you? After you hurt Allyx may gana ka pang pumunta dito para hanapin siya?" galit na tanong nito. Kusang gumalaw ang mga palad niya at sinampal din ito.

"No one dares to slap me bitch at ano naman ngayon kung nandito ako at gusto ko siyang makausap? At ano naman kung nasaktan ko siya-."

"Umalis ka na bago ako magpatawag ng security guard wala dito si Allyxel." Pagtataboy nito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay dahil hindi siya aalis sa lugar na iyon unless hindi niya nakikita pa si Allyx. She is going to say her feelings to him by hook or by crook.

"You don't have the rights to push me away from here unless makakausap ko si Allyxel hindi ako aalis dito." Pagmamatigas niya.

"Ang kapal din ng mukha mo pagkatapos mong itulak siya palayo at saktan siya ngayon ay hahabulin mo si Allyx?" naningkit ang mga mata nito at kahit na anong galit niya sa babaeng kaharap ay hindi niya magawang kalmutin ang nakakairita at magandang mukha nito. It's plain stupid to hurt someone who is defending the person whom she loves.

"Ano ba ang pakialam mo sa relasyon namin ni Allyxel? Mahal mo ba siya?"

"Eh ano naman kung oo?"

"Hindi pwede!" matigas ang pagkakasabi niya sa kaharap. "Hindi mo siya pwedeng mahalin." Utos niya.

"Hindi ikaw ang nanay ko para utusan ako mamahalin ko kung sinuman ang gusto ko."

"Masasaktan ka lang Yelena." Seryosong saad niya dito. Kumunot ang makinis nitong noo. "Ako ang mahal ni Allyxel, Yelena. And I wouldn't miss a chance of a love not in this lifetime. Hindi ko sasayangin ang pagmamahal na ibinigay sa akin ni Allyxel. Mahirap man akong mahalin pero minahal niya ako at nararapat lang din siguro na pagbigyan ko rin ang sarili kong mahalin siya sana hayaan mo na rin kami. I know your love for him is not as deep as mine alam ng taong nagmamahal kung nagmamahal na rin ang kaharap niya. Please Yelena, I am begging you akin nalang si Allyxel mahal niya ako."

"At mahal mo siya?" nawala ang bagsik sa boses nito. She gave him a small smile and a small nod.

"I won't tell you yet because I want him to know first but I guess you already know the answer." Sumilay ang isang kakaibigang kislap sa mata nito. Nawala na rin ang intimidating aura nito at saka pumitik sa hangin ng tatlong beses saka lumabas mula sa kung saan sina Allyxandrea at si Yue Dane. Si Drei ay nakasmile sa kanya at si Dane naman ay nakakibit-balikat at tinanguhan siya na para bang nag-approve na hindi niya maintindihan. Pero batid niyang masaya ito base na rin sa mga mata ng tatlo.

"Hindi nga nagkamali si kuya ng ikaw ang markahan niya." si Drei. "My brother didn't believe in that stupid marking because he believes that only him can decide whom he would end up to. Pero hindi namin inaasahan na siya pa ang unang gagamit ng marks namin."

Naguluhan siya sa sinasabi nitong mark, nasabi na rin ni Yxel sa kanya iyon that he already marked her pero wala naman siyang maalala na ginawa nga iyon ng binata. And marked? How?

"How? What?" naisatinig niya ang tanong niya. May kinuha isa-isa ang mga ito at ipinakita sa kanya, they have similar keychains with them at sa keychain ay may pendants, na iba-iba but one thing is for sure, she can see the same four-leaf clovers on the pendant. Napahawak siya sa kwentas na suot niya na ibinigay sa kanya ni Allyxel on her twenty seventh birthday. "It's the same with this."

Marked Series 1: Destined To Be Yours  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon