Waiting Shed

1.6K 63 2
                                    

Kating-kati na ang puwet ni Enzo sa pagkakaupo sa bus na iyon. Biyahe ito patungong probinsiya galing ng Maynila.

Halos mahigit apat na oras na rin siyang naka-upo at nahihirapang matulog sa sasakyan. Kung bakit ba naman kasi sabik na sabik siyang mag-swimming sa beach ng weekend na iyon. Marahil ay sa sobrang init sa siyudad tuwing buwan ng Abril kaya masarap magdagat.

"Kuya, malapit na po ba ang bayan ng Poblacion?" Tanong ni Enzo sa konduktor na nasa tapat niya.

"Opo Sir, malapit na po."

Kaagad na nag-send ng text message si Enzo sa mga kaibigang nasa resort na. Nagreply naman kaagad ang isa sa mga ito. Binigyan siya ng instruction na mag arkila ng tricycle at magpahatid sa nasabing resort na halos isang oras daw ang biyahe mula sa bayan.

Ito ang unang pagkakataon ni Enzo na magbiyahe ng mag-isa. Nagkataong nauna na ang mga kaibigan niya kaya humabol nalang siya ng gabing iyon. Bagamat may takot na nararamdaman, mas nangingibabaw ang pagkasabik nitong makapag-swimming at makapag-bonding sa mga kaibigan.

11:46 PM ng eksaktong makahanap si Enzo ng tricycle na aarkilahin papunta sa pinag-usapang resort nila ng mga kaibigan. P400 lang naman ang singil ng binatang driver na nagpakilalalang June kaya nagkasundo kaagad sila ni Enzo.

Pagkatapos ayusin ang mga gamit sa likod ng tricycle, umupo na si Enzo sa loob at pina-andar na ni June ang sasakyan.

Maraming ilaw sa bayan ng Poblacion kaya naman panatag ang loob ni Enzo. Subalit ng palabas na sila sa nasabing bayan, paunti ng paunti ang mga ilaw sa tabi ng kalsada. At hindi lang iyan, palayo din ng palayo ang agwat ng mga kabahayan sa isa't isa.

Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ng kaunting takot ang binata.

"June!" Malakas na agaw-pansin ni Enzo sa driver habang nagmamaneho ito. "Kaunti lang ba talaga ang kabahayan dito?"

"Ay opo Kuya." Magalang namang sagot nito. "Mamaya nga po puro palayan nalang at sagingan. Pero kalahating oras nalang po ang biyahe natin Kuya. Bibilisan ko nalang po."

"Ah ok lang, kahit huwag mo ng bilisan. Baka mamaya, mapahamak pa tayo."

Napansin nga ni Enzo na wala na siyang bahay na natatanaw. Napaka-dilim rin ng kapaligiran. Walang kahit isang ilaw siyang nakikita.

Sa pangamba, binuksan nito ang kanyang cellphone at inopen ang Google Map. Sa awa ng Diyos, gumana naman ang kanyang LTE at internet.

Bago pa man mai-type ang pangalan ng resort sa Google Map, huminto ang tricycle sa isang waiting shed - na naiilawan ng isang gaserang malamlam ang liwanag. Tatlo ang nakatayo sa waiting shed na iyon. Isang dalagang teenager na sa hula ni Enzo ay labinlimang taong gulang, kasama nito ang kanyang nanay at tatay na parehong mukhang pagod sa mga oras na iyon. Hawak ng nasabing dalaga ang gasera.

"June, andito na ba tayo?"

"Ay wala pa po Kuya. Nakita ko po kasi sila na pumara. Baka kailangan nila ng tulong o baka makikisakay sila."

Ibinaling ni Enzo ang paningin nito sa tatlo. Nakakatakot isipin na sa kalagitnaan ng gabi, sa isang madilim at walang kabahayang tabi ng kalsada, ay may naka-abang na tatlong tao na puro nakasuot ng itim na damit.

"Sasakay po ba kayo?" Tanong ng binatang driver. "O kailangan niyo po ba ng tulong?"

"Ah, hindi nalang utoy, ayos na kami." Sagot ng Ale habang nakatingin pa rin kay Enzo.

Kinilabutan ang binata ng makitang nakatingin ang tatlo sa kanya. Hagip din ng kanyang mga mata ang palihim na ngiti ng dalagita.

"June, pwede bang magtuloy na tayo? Naghihintay na kasi ang mga kaibigan ko."

Nagpatuloy ang kanilang biyahe, subalit hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Enzo ang tatlong magkamag-anak na nadaanan nila sa isang waiting shed sa tabi ng madilim na kalsada.

Kung anu-anong nakakatakot na imahinasyon ang pumasok sa isip niya.

Kinuha niya ulit ang cellphone at nagsimulang i-type ang pangalan ng resort para makita niya kung malapit na ba sila o inililigaw lang siya ng binata.

"Sir, malapit na po tayo." Pahayag ng binatang driver.

Habang naglo-load ang kanyang internet, narinig niya ang isang malakas na pagaspas ng pakpak sa hindi kalayuang bahagi ng likuran ng tricycle.

"June, may narinig ka ba?" Waring bumilis ang tibok ng puso ni Enzo.

"Meron Kuya! Kapit po kayo Kuya, bibilisan ko po ang pagpapatakbo!"

"Sige!"

May pumagaspas na naman sa likuran ng tricycle. Hindi lang isa.

Sumilip si Enzo sa likurang bahagi ng kalsada at halos mawalan siya ng malay sa takot ng makita ang dalawang aswang na lumilipad pasugod sa kanila.

"Juuuuuuuuune!!" Sigaw ni Enzo. "Bilisan mo pagpapatakbo! May aswang sa likooood!"

Nagpagiwang-giwang ang tricyle sa sobrang taranta ng driver.

Maya-maya pa ay rinig na rinig ng dalawa ang pagdapo ng isang mabigat na nilalang sa bubungan ng tricycle.

Halos lumundag na sa takot si Enzo sa mga oras na iyon. Naisip niyang ito na ang katapusan ng kanyang buhay.

Naihi sa pantalon ang binata ng dumungaw sa bukana ng tricycle ang Aleng aswang. Pulang pula ang mga mata nito at naglalaway sa gutom. Mabilis nitong hinawakan sa hita si Enzo at akmang kakagatin ng matatalas na ngipin.

Buong lakas namang nagpupumiglas ang binata. Sigaw ito ng sigaw habang humihingi ng awa at saklolo.

Sa likurang bahagi naman ng tricycle ay sumampa ang dalagitang aswang. Gigil nitong sinunggab ang kaliwang braso ng binata na nakakapit sa hawakang metal sa loob ng tricycle.

Nahimatay nalang ang binata ng makitang grumipo ang mga dugo nito sa parehong braso at hita na sunggab ng mag-inang aswang.

Ilang sandali pa ay tumigil na sa pagtakbo ang tricycle. Bumaba si June.

"Nay, tirahan niyo si Tatay. Magugutom na naman iyon. Mahirap maghanap ng makakain palagi."

Naluha si Enzo ng marinig na kinakausap ni June ang Aleng aswang habang nilalantakan ng matanda ang kanyang hita. Magkamag-anak pala ang mga ito.

Sarap na sarap ang dalagitang aswang ng kagatin at sunggabin ang leeg ni Enzo. Sumirit ang sariwang dugo mula sa leeg nito. Halos higupin ng dalaga ang bawat sirit ng dugong lumalabas dito. 

Maya-maya pa ay nalagutan ng hininga ang binata.

***

San Rafael Resort.

Tumunog ang cellphone ni Anton.

Enzo: Pre, di muna ako tutuloy. Babalik muna ako ng Maynila. Si Mama na-hospital. Next time nalang. Regards sa kanila.

*Please vote and follow so we can write more stories

Aswang AttackWhere stories live. Discover now