Aswang sa School

2.6K 66 23
                                    

Bale nangyari ito noon sa school namin, Elementary sa Visayas, sa isang baryo na konti lang ang kabahayan. 

Naalala kong sa gate, maraming nagbi-benta ng sasaring pagkain - ice candy, ice cream, lugaw, banana que, suman at kung ano-ano pa. 

Minsan, nakalimutan ko yung baon ko noong araw na yun. Ipambibili ko sana ng Cheese It. Dahil naiwanan ko, hanggang tingin nalang ako doon sa mga bumibili at kumakain sa gate.

Tapos tinitigan ako ng isa sa mga nagtitinda. Mantanda ito. Pagkatapos ay ngumiti sa akin. 

Inalok ang isang suman na nakabalot sa dahon ng saging. Dahil mukha naman itong mabait at saktong ako'y nagugutom, kinuha ko ito. Pagkatapos magpasalamat, ay kinain ko na.

Kinagabihan, grabe yung sakit ng tyan ko. Halos mamatay ako sa kapipilipit. 

Umabot hanggang hating-gabi ang sakit. Dumating na lahat ng mga Tiya, Tiyo, Lolo, Lola at lahat na yata ng kamag-anak - nag-uusisa baka makatulong. 

Hangga't sa dumating yung isang batang ka-klase ko at kwinento nito na may nagbigay nga sa akin ng suman na matanda. 

Halos dumugin ng mga ito ang kaklase ko sa mga tanong nila. Kung ano daw itsura ng matanda. Payat, kayumanggi, at hanggang bewang ang buhok.

Nagmadaling kinuha ng Lola ang ilawang de-gaas at lumabas ng bahay. 

Kinaumagahan, halos na-trauma na ako. Di na ako pumasok halos isang buwan. Noong gabing yun, pinuntalahan pala nina Lola yung kaibigan nyang si Aleng Sabing - ang matandang payat, kayumanggi, at hanggang bewang ang buhok.

*Please vote and follow so we can write more stories

Aswang AttackWhere stories live. Discover now