ang katapusan!

5.9K 188 67
                                    

ella's pov

"bakit mo ginagamit pangalan ng anak ko?" para akong binuhusan ng malamig na tubig na merong malalaking bato sa ulo, at pakiramdam ko konti na lang mamatay na ako, sobrang huli na pala ako my anak na siya, halos isang taon lang akong nawala nakapag asawa na siya agad, sabagay kung naging kami lang siguro dati hinding hindi ko na siya papakawalan, lahat ng paraan gagawin ko wag lang niya akong iwan

"pinahuli mo ako dahil sa pangalan na yan!! yang poser na yan!!!" tinignan ko ng masama ung mga guard na kanina ng huli sakin, halata kasi na kasabwat sila ni nico, aaminin ko masaya ako na makita ko si nico pero jusko nman hindi nman ganito ung gusto kong magyari na pag kikita namin

"kung wala kayong mgawang matino paalisin niyo na ako dito! my flight pa ako!"

di ko na inintay na sumagot lahat ng tao sa loob ng kwarto, kahit si nico di ko na din siya nilingon, bitter ako eh, at alam kong habang buhay akong magiging bitter, bibigay bigay sakin ng fb na nica tapos pangalan pala ng magiging anak niya, eh ano ngayon kung anak niya un? ako nman unang gumamit nun ah! kapal ng muka!

"miss expried na po ung tiket niyo" O___O kakabili ko lang expried na agad?!, napatingin ako sa likod ko tapos nakita ko si nico na nakasmirk sakin, aaminin ko hanggang ngayon kinikilig pa din ako sa mga tingin niya, lalo na ngayon muka na siyang diyos ng mga adonis waaaaaaaaaa, boset na kasi nag mamadali tapos di pa ako hinanap 

"napakaimposble niyang sinasbi mo! kakabili ko lang niyan kahapon!!!!!!!!!!!!" kulang na lang madurog ung heals ng sapatos ko sa lakas ng padjak ko, ayoko na din kasing tumagal na nakikita si nico lalo ko lang sisisihin ung sarili ko

"ako na bahala dito tin, ako na mag kukulong" biglang bumilis ung tibok ng puso ko nung hinawakan ni nico ung kamay ko, pakiramdam ko nga wala ng lakas ung mga paa ko para maglakad lalo na hinahatak ako ni nico, ung muka niya sobrang seryoso, talaga kayang papakulong niya ako dahil ginamit ko ung pangalan ng anak niya? sana nman hindi

"sorry na, pangako di ko na gagamitin pangalan ng anak mo, pls lang paalisin mo na ako" pinahiran ko ung luha ko nung bumalik na naman kami ni nico sa kaninang kwarto na pinag kulungan niya sakin, ung merong malaking salamin sa harapan mo, tapos medjo madilim ung ilaw lang sa ibabaw ng mesa ung nag papaliwanag sa kwarto

"bakit nag iintay ba sa quatar boyfriend mo?" hindi ko alam pero pakiramdam ko merong selos sa tono ng boses ni nico, 

"wala kang pakielam, bumalik ka na sa asawa mo!" 

'BLAG' napaupo na lang ako bigla nung lumabas si nico, sana pala bago ko siya pinabalik sa asawa niya nasabi ko na mahal ko siya, okey nman na un kahit huli na, ang importante lang nasabi ko sa kanya ung nararamdaman ko, para sa huling pagkakataon na mag kikita kami nalabas ko na ung matagal ko ng tinatago, 

para sana kagaya niya makamove on na ako, maging masaya at hindi mabuhay sa ala-ala niya.

tatayo na sana ako ng biglang lumiwanag, 

lalo akong napaiyak, sa kabila pala nung salamin andun si tita baks kasama ung asawa niyang gwapo, di ko alam pero lalo akong naguluhan.

"OH ANO BUMALIK NA AKO, sabi mo bumalik ako sa asawa ko"

nico's pov

"pretyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy ang tagal mo naman natataranta na ako!!!" galit na galit kong tawag kay ella

"andiyan na! mag titimpla ka lang ng gatas ni nica umaarte ka pa jan" napangiti ako nung napansin ko na natataranta din si ella, iyak na kasi ng iyak ung panganay namin na si nica, 2 months old baby, gusto ko sana my yaya ung baby namin lalo na parehas pa kaming nag aaral ni ella eh ano ngayon kung 19 lang kami? kasal na nman kami

"buti kamuka mo si nica" napansin ko na biglang nalungkot ung muka ni ella, sa totoo lang si ella ung pinakamagandang babae na nakilala ko, kagaya ng sabi ni dad sakin wala un sa itchura asa puso un, at alam kong habang buhay magiging maganda si ella sa paningin ko

"sana ung kabutihan mo makuha niya" hinalikan ko sa labi si ella, para mawala ung insicurity niya, gusto kong ipaalam sa halik ko na kahit pa pangit ung tingin niya sa sarili niya, ako hinding hindi magiging pangit ung tingin ko sa knya

"salamat asawa ko, kahit ganito lang ako pinakasalan mo ako" pinahiran ko ung luha ni ella, alam ko nman na hindi na un luha ng sakit kung hindi kasiyahan, pinangako ko kasi sa kanya sa airport na kahit kailan susubukan ko na wag na siyang paiyakin, nalaman ko kasi simula ng umalis ako araw araw daw siyang umiiyak dahil sakin

"hindi, salamat kasi ako ung pinili mo"

hindi naging madali para samin ni ella ung pagsasama namin ng maaga pero dahil sa meron siyang mabuting puso, napagtibay nun yung pag sasama namin, tama nga ako sa babaeng pinakasalan ko, aaminin ko ilang beses akong humanga sa kagandahan ng ibang babae lalo na sa trabaho ko, pero laging nag papabalik sakin sa kantinuan ung itchura at kabutihan ni ella, kaya kahit minsan hindi ko sinubukan na mang babae.

eh ano ngayon kung hindi siya kagandahan?

eh ano ngayon kung alangan ung itchura namin?

di nman un importante...

ang mahalaga masaya ako, masaya siya

mahal namin ung isat isa... 

kahit pa sabihin ng iba na naging pangit ung nakaraan namin, at kinailngan pa namin magloko ng tao para maging maganda at pangit... di un importante ang importante natuto kami at ngayon masaya ng bumubuo ng mgandang pamilya!

-end-

sorry guys kung hindi ko na reach ung expectation niyo dito sa story ko sorry po talga!! thank you po sa lahat ng supporters nito, lahat na nag votes at comment salamat po at never siyang nawala sa whats hot list!

at sana kagaya dito support niyo din ung uba kong works, kung gusto niyo makabalita kay nico at ella basahin niyo ung NAGKAMALI KA NG INAGAWAN kasi si nica carpio ung bida dun anak ni ella at nico^__^ thanks guys mwahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

POSER ME??!! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon