GUILTY!!!!

5.6K 112 39
                                    

PLS VOTE AND COMMENT!!! THANKS ENDING NA SIGURO UNG NEXT UPDATE KO HEHEHE

ella's pov

"tita baks" tawag ko kay tita baks habang  tinutulungan ko siyang pulutin ung mga gamit niyang nahulog, buti na lang din nakita ko siya kasi guto kong magpasalamat sa knya, sa mga sinabi kasi niya sakin, para akong nakaroon ng panibagong pananaw, na mas okey na ung my magandang ugali kahit na ganito itchura ko

"naku ella ikaw pala salamat ah" sabi ni tita sakin habang ako para akong tuod na nakatitig lang sa wallet niya at tinitignan ung picture ng asawa niya at anak niya, hindi ako nag tataka na gwapo ung asawa niya pero ang nagpabilis ng tibok ng puso ko ung picture nung anak niya

"ang gwapo ng anak ko noh? nico pangalan niyan, kaso asa america na" biglang tumulo ung luha ko, ung mga kamay ko para siyang my sariling buhay at nilapat ko la labi ko ung picture ni nico, umaasa kasi ako sa huling pagkakataon hahabulin niya ako sa airport, ung parang napapanuod ko lang sa t.v, kaso mukang hindi na un magyayari

"wag mong sabihin ikaw si pretty?" O_O reaction ni tita baks, ako ngumiti na lang kahit patuloy pa din ung luha ko sa pag tulo

"ELLLLLLA TARA NA MAHUHULI NA TAYO" 

"tita eto po address ko, kung makakausap po niyo si nico sabihin niyo po mahal na mahal ko siya"

sobrang bigat ng mga paa ko habang pasakay kami sa eroplano, alam ko kasi na pag sakay ko dito matagal na bago ko ulit makita si nico, o kung makakakita pa ba ako ng bagong nico sa buhay ko, mahal na mahal ko siya dati pa pala kahit na si nico na nerd pa siya mahal ko na siya, kaya lang nag pabulag ako sa kagwapuhan ni jethro, nagpabulag ako sa galit ko, kung hindi ko sana ginawa ung mga ginawa ko dati sana masaya na ako ngayon.

"gusto mo na bang umuwi sa pilipinas?" O_O mata ko yan ko yan habang inaayos ko ung mga gamit ko papasok sa isang department store dito, 9 months na din kaming nag sstay dito nila ate at mama at masasabi ko na mas maganda ung buhay ko dito kaysa sa pilipinas, napagsasabay ko ung pag aaral ko at trabaho, walang nang iinsulto sa itchura ko.

pero merong bahagi sa puso ko ung malungkot, kahit pa meron ng nagliligaw sakin dito iba pa din si nico, alam ko kasi na minahal ako ni nico kahit ano pa ako, kahit pa ganong kapangit ung ipakita ko minahal niya ako.

"wala din nman si nico dun" sabi ko kay ate habang pinag papatuloy ko ung pag aayos ko ng gamit, alam na din ni ate ung tungkol kay nico, gustuhin man daw niya akong sisihin pero hindi nman niya magawa dahil baka daw mas malala pa ung ginawa niya sa mga umapi sakin, kaysa sa ginawa ko sa kanila

"sayang uuwi pa nman ako sa pinas next week para sa seminar, meron pa akong isang extra tiket, si mama na lang sasama ko, WALA NMAN PALA SI NICO DUN"

halos hindi ako makapagtrabaho dahil sa huling sinabi ni ate sakin, merong bahagi sa puso ko na gustong gusto ng umuwi, kaso iniisip ko meron pa ba akong dadatnan sa pilipinas? kung andun si nico baka sakali pa, kasi kung hahanapin naman niya ako alam niya kung saan ako hahanapin, binigay ko sa mama niya ung adress ko, ginagamit ko na din ulit si nica na gawa ni nico na facebook ko, pakiramdam ko kasi si nica na poser na lang ang uugnay samin ni nico

"bakit nica carpio gamit mong pangalan?" tanong sakin yan ni jethro nung nakipag kita ako sa kanya, oo sumama ako kay ate dito sa pilipinas, nakipag kita na din ako sa mama ni nico kaso ang sabi niya sakin, asa america pa din daw si nico, nakakatuwa nga kasi sikat na model na si nico sa america, kaya ngayon tangap ko na, malabo nang maging kami

"wala lang ang ganda kaya ng nica" sabi ko kay jethro, si jethro malapit na siyang ikasal kay cristine, kinuwento niya sakin na malaki na daw talga ung pinag bago ni cristine simula ng gradutaion namin, masaya ako para sakanila

"wag ka mung umuwi ah, aattend ka pa ng kasal namin" sabi ni jethro habang inaabot sakin ung invitation card nung kasal nila nila ni cristine.

"wahahaha nica talga nilagay mo dito ah?" sabi ko habang binabasa ko ung invitation

"sabi mo kasi sakin sa chat pag di nica ginamit ko di ka pupunta kaya ayan"

naunang bumalik si ate sa quatar, nag paiwan muna ako dito para sa kasal ni jethro at cristine

kung ung tungkol kay nico? pinagaaralan ko ng pigilan ung puso ko na mahalin siya, kung dati alam ko na maabot ko pa siya, pero ngayon mujang talgang wala ng pagaasa, kasalanan ko naman lahat kaya tatangapin ko na lang kung anong parusa ung ibibigay sakin.

para kasing langit at lupa kami, mayaman, adonis, sikat ayan si nico eh ako ano ako? hamak na hampas lupa lang..

"congrats guys aalis na ako maaga pa ung flight ko bukas" paalam ko kay cristine at jethro na kitang kita mo na sobarang nag mamahalan, nakakaingit nga kasi buti pa sila nabigyan ng chance samantalang kami ni nico hindi nabigyan.

"dito ka na lang ella, pasok kita sa company ni daddy ko, 1ng taon na lang nman ggraduate ka na pwede ka na" sabi ni cristine sakin

"ayoko dito, maalala ko lang si nico hehehe" pinilit kong magmukang joke ung sinabi ko kahit pa ako mismo ung nasasaktan sa sinabi ko, totoo nman na ayaw ko ng magtagal pa dito lalo na madami sa lugar dito na magpapaalala sakin sa katanghan na ginawa ko, tama na ung asa ibang bansa ako, wala akong makikita na mag papaalala kung gano ako katanga

"hahaha ikaw talga ella pero pag isipan mo ah"

iniintay ko na lang ung flight ko dito sa airport, napaaga ata ung dating ko

"miss nica carpio?" O_O mata ko yan nung biglang merong mga guard sa harapan ko, ung isang gusrd pa merong nakasulat sa id niya na security, ung tibok ng puso ko biglang bumilis, pakiramdam ko kasi hinuhuli ako, kung anong kasalanan ko hindi ko alam, tska hello hindi nman ako si nica carpio!

"ahh no-no-no di ako un" nangangatog kong sabi habang kinukuha na nung ibang guard ung mga gamit ko tapos ung isang lady guard hinawakan na ako sa braso

"ikaw un tignan mo to! sumama ka  na samin" nangingilid ung mga luha ko na sumama sa mga guard, napakatanga ko naman kasi at f n f ko pa ung pagiging nica ko, sinulat ko kasi sa bag ko ung nica carpio T__T

sobrang lapot nung pawis na lumalabas sa nuo ko, ung kaba ko ang sakit na sa dibdib kahit pa ang lamig dito sa kwarto na to at nag iisa ako.

iniisip ko din kung anong ginawa kong kasalanan, ung mga bagahe ko kinakalkal ng mga guards, for security reasons daw, porket ba di ako maganda muka na akong masamang tao? T__T

"GUILTY!" puso ko ang bilis ng tibok hindi dahil sa kaba, kung hindi sa boses na un, kahit matagal ko ng hindi un naririnig alam ko, iisang tao lang nag mamayari nun

ung mga luha ko nag simula ng tumulo

nagwawala na din ung puso ko

wala siyang pinag bago adonis pa din at mas gwapo ngayon

"nico" mahina kong sabi habang nakatitig ako sa lalaking kakapasok lang sa pintuan

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ending na siguro ung next update ko, nawiwindang na ako sa tatlong story na ongoing ko eh hehehe, thanks guys sa pag support dito supper thank you po talga!!!!

POSER ME??!! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon