accept or delete?

6.8K 115 37
                                    

ella's pov

"nababaliw ka na ba?!!! hindi mo na ba naalala ung ginawa ni jethro sayo nung js?!" galit na galit na sabi ni nico sakin yan, habang pauwi kami sa bahay, kanina kasi sinabi ko sa lahat na kami na ni jethro, madaming nag taas ng kilay, pano ba naman sikat si jethro sa school at kilala siya bilang babaero pero mukang sakin seryoso siya

"ang ingay ingay mo nico, bakit ba kasi hindi mo na lang ako tulungan sa mga plano ko?" sabi ko sabay pamewang sa harap ni nico, nakakainis nman kasi parang bumabalik ung boses niyang parang ginugunting na yero, at hindi lang un ang mas nakakainis, hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong tulungan!

"pakingan mo nga ung sarili mo pretty, gantihan? ganyan ka ba? hindi ganyan ung nakilala kong pretty" sabi ni nico na makikita mo sa mga mata niya ung lungkot, ano magagawa ko, ginawa nila akong ganito, mabuti ako sa kanila pero tao lang ako napupuno din ako, kung hindi ako lalaban, habang buhay nila akong aasarin

"hindi mo alam nararamdaman ko kasi hindi ka pangit kagaya ko" sabi ko sabay punas ng luha sa mga mata ko

"ikaw, hindi mo naranasan mainsgulto, mapahiya, gaguhin ng mga tao, pagtawanan!" pag papatuloy ko sa sinasabi ko

"anong hindi? diba iniba ko itchura ko para....."

"ano para parehas tayo? dahil naaawa ka sakin?!!!!"

sabi ko sabay takbo palayo, ayun na man talga dahilan ni nico, napakaimposible na mahalin niya ako, sa itchura niya na parang adonis, hindi kagaya ko ung mamahalin niya, kung si nico na nerd pa siya malamang ang saya ko na dahil, nung mga panahon na maganda ako sa internet, naisip ko na hindi importante ung ganda kung puro pag kukunwari lang, kaya alam ko na espesyal na si nico sakin, pag kasama ko kasi siya, iba ung nararamdaman ko, saya na hindi nabibigay na pagiging poser ko.

"anak my boyfriend ka na pala bakit hindi mo sinasabi?" O_O mata ko yan habang papasok ako sa bahay at nakatitig ako kay jethro na my hawak ng bulaklak, maganda to!! mas mapapadali ung plano ko sa kanya, kung inaakala ng jethro na to na nakalimutan ko na ung ginawa niyang pagtulak sakin, pwes papaalala ko sa kanya

"huh? boyfriend? wala ata akong naalala" sabi ko habang titig na titig ako sa mga mata ni jethro na halata mong nagulat sa sinabi ko,

"eh? sabi niya?" sabi ni mama sakin habang nakatitig kay jethro na mukang nahihiwagaan siya, dahil my isang gwapong lalaki ang dumadalaw sakin ngayon, si nico kasi ang kaunaunahan niyang nakita, nico na panget pa at hindi ung nico na parang sinumpa para maging gwapo

"hahahaha nag jojoke lang yan mama" sabi ko tas marahan kong tinulak si mama, para malaman niya na pinapaalis ko na siya

"bakit ka andito?" mahina kong sabi kay jethro, tapos sinisilip ko si mama kung nakikinig ba siya sa usapan namin ni jethro

"dinadalaw ka, boyfriend mo ako diba?" nakangising sabi ni jethro sakin, hindi ko alam pero nung inakap niya ako nung js, hindi ko naramdaman sa kanya ung kabog ng dibdib na kagaya ng pag inaakap ko si nico

POSER ME??!! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon