Chapter 44.

239 2 0
                                    

|Class-A Boys' POVs|

    Nasa room sila ngayon at hinihintay ang pagtapos ng vacant time nila.Nang matapos silang kumain nagsiakyatan na sila, wala kasing mapagtambayan sa baba.Bukod sa mainit ang dami pang estudyante sa baba.

Ang mga girls din ay nasa canteen pa dahil bukod sa hindi nila matapos-tapos yung pagkain nila, wala din humpay ang pagdadaldalan nila.

Mga babae nga naman...

Kahapon pa sila nakabalik sa Maynila.At ewan ba nila, mukhang na-miss nila ang saya ng Bagiuo eh.Dahil biruin niyo, may klase na sila agad-agad?Tsk.

"Nakakamiss din pala ang strawberry jam ng Bagiuo.Tsk.".Sabi ni Cyrus habang nakapangalumbaba sa may arm desk niya.

Napatingin silang lahat kay Cyrus ng sabihin niya yon.

"Halos pakyawin mo nga lahat ng strawberry jam sa may souvenir shop kahapon tapos ngayon sasabihing mong namimiss mo yon?Ano to, lokohan??".Hindi makapaniwalang sabi ni Matthew.

"Mas masarap pa rin yung hinahanda sa ating fresh strawberry jam dun sa retreat tuwing breakfast no??".Pilit nito.

"Edi sana nagpaiwan ka na lang dun.".Singit ni Aaron habang naglalaro ng maliit na bola.Pinapatalbog niya ito sa may black board saka sasaluhin ng kamay niya.

"Ha?Bakit ko naman gagawin yon?"Tanong ni Cyrus.

"PARA HINDI KA NAGKAKAGANYAN DYAN!".They said in unison.

"Ewan ko sanyo.".Sabi ni Cyrus.

"Changed topic tayo..".Singit ni Paolo."Wala ba kayong napansin kanina?".

Lahat sila nag-isip.

"Yung bagong gupit si Mr.Han??".Hula ni Nicolo.

Haha.Oo nga pala.Bagong gupit si Mr.Han XD.

"Hindi yon brad!".Tanggi ni Paolo.

"Ah!Yung lesson natin sa Physics??".Si Cyrus.

"Hindi!".

"Yung project ba sa English??".Si Jesse naman ang nag-try.

"Hindi yon!".

"EH ANO?!".Sabay-sabay nilang tanong.

"Yung dalawang sabay pumasok kanina kahit late na.".Pagbibigay hint ni Paolo.

Nagkunutan ang mga noo nila para alalahanin kung sino yung dalawang tinutukoy nito.

"SILA AH-AH AT JD??!".Hula nila.

Paolo rolled his eyes."Thank God nahulaan niyo din.Kala ko hindi na eh..".

"Actually,mukhang nagkabati na sila dahil kahapon sumabay yung isa sa bus natin na ikinagulat natin diba?".Sabi ni Jesse.

"At kahapon pa sila mukhang masaya.".Dugtong ni Cyrus.

"Hindi kaya...sila na??".Pahabol ni Cyrus.

Dinagukan siya ni Jesse."Not sure about that,dude!".

Napakamot na lang sa ulo si Cyrus.

"Dapat hindi na natin pag-uusapan yung ginawa natin sa dalawang yon dahil kapag talagang nalaman yon ni Ah-ah, tiyak may kahihinatnan tayo sa mga kamay nun.".Sabi na lang ni Nicolo.

"Ang alin?Yung tinakot at kinulong natin sila dun sa may haunted house??".Tanong ni Matthew.

"Mismo!". Sabi ni Nicolo.

Matthew smirked."I think, she somehow deserved that creepy thing.You know, she always giving us punishments that we actually not needed...".

"Paktay..".Sabi ni Nicolo

South Seoul High:Class-A!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon