Chapter 36.

179 5 0
                                    

|Alice's POV|

     Sabado ng hapon.

Naalimpungatan ako dahil narinig ko na kanina pa nagri-ring yung cellphone ko.

Hindi ko na tingnan kung sino yung tumatawag.Agad ko ng sinagot."Hello?".Sabi ko sa paos na boses.

"Did I wake you up,Babe??".Sabi nung nasa kabilang linya.

Napabaling ako sa kabilang side ng kama ko pagkarinig ko nung boses na yon ni JD.Anak ng kabayo,tipaklong!Ang lakas talaga makahatak nito kahit boses lang niya.

"Oo.".Sagot ko pero nakapikit pa rin."Pwede ba...gusto ko pang matulog.".

Narinig kong tumawa siya."Sorry.Pero just get ready dahil andyan na ko within 1 minute.".Sabi nito na sa hinuha ko ay naka-ngiti habang sinasabi yon.

Malaking imposible yon!Ano siya si Flash para maka-punta lang siya dito within 1 minute??.

Eh kahit na ba dun lang siya sa kabilang street nakatira ng village na yon??Imposibleng makarating siya ng ganun kabilis sa bahay nila.For sure,pinagtitripan lang ako nito ngayon..

"Ewan ko sayo Justin Denver Villame.".Sabi ko na lang sa kanya."Bye!".Sabi ko sabay baba ng cellphone ko sabay talukbong sa sarili.

Maya-maya pa may narinig akong bumusina.

Siguro sa kabilang bahay yon...

May pumasok sa kwarto ko."Ah-ah!Gumising ka na dyan!".Sabi nung mom ko habang niyuyugyog ako."Natutulog ka dyan samantalang yung sundo mo nandyan na?!Hala!Tayo!Maligo ka na at mag-ayos!".Sabi nung nanay ko habang hinihila yung braso ko para tumayo.

"Mom!".Hila ko pabalik nung braso ko."Nasabi ko na kela Mymy na hindi ako makakapunta sa lakad namin dahil tinatamad ako.".

"Eh bakit andyan si Pogi??".Tanong nung nanay ko.

"Eh hayaan niy---SINO!??".Naputol yung pagsasabi ko nang marinig ko yung Pogi.Agad akong napa-upo sa kama ko at nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa nanay ko ng itanong ko yon.

Eh isang tao lang naman ang sinasabihan niyo nun eh.Si JD.

Wag mong sabihin...nandito na nga talaga siya??o___________o.

"Nasa baba na si Pogi kausap niya ngayon si Jay-jay.".Sabi nito."Kaya maligo ka na at magbihis.".Utos nito."Sige na at kakausapin ko na muna ulit siya.".Pagkasabi nun dali-dali na itong lumabas ng kwarto ko.

Samantalang ako,ito hindi pa rin makapaniwala.

Tinotoo nga niya??

Hayy naku!!!!Justin Denvver Villame nawala na ng tuluyan yung antok ko sayo!!!Nakakainis ka talagang lalaki ka!!!

*                       *                            *                 *

    After almost 1 hour,of getting ready.Nag-decide na akong bumaba,nakita ko si JD masayang nakikipag-kwentuhan kay Jay-jay at sa mom namin.

Napatingin si JD sakin.Bigla siyang ngumiti nung nakita niya ako.

Lumingon si Jay-jay sakin."Ang kupad mo talagang kumilos Ah-ah.".

"Eh ano??".Basag ko sa kanya.

"O sige na!Umalis na kayo baka mamaya nyan eh?Gabihin pa kayo pasado alas3 na.".Pagtataboy samin ng mom ko.

"JD?Ingatan mo si Ah-ah huh?.".Paalala ni Jesse.

Aww~Si Jay-jay talaga x)))

"Tanga pa naman yan!".Dugtong nito.

South Seoul High:Class-A!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon