Chapter 15.

230 6 0
                                    

|Anne's POV|

    Naglalakad na kami papunta sa bahay ni Myla.Asar na asar na ako dito sa Kapreng nasa likod ko.

Bakit ka niyo?

Eh,kanina pa tanong ng tanong ng kung anu-ano.Kung malayo pa ba,kung matagal pa ba at madami pa.

"Sana hindi na lang tayo naglakad.Ang layo naman pala eh.".Reklamo ulet nito.

Hindi ko na lang siya pinansin.kumaliwa ako sa isang street.Naka-sunod lang saken si Kapre.

"Hoy Panget!Mukhang tanga na akong dito oh?Ni isa wala kang sinagot sa mga tanong ko.".Sabi nito.

Na-asar na ako."Hindi lang mukha.Tanga ka talaga!".Sagot ko,at binilisan pa lallo yung lakad ko.

Ganito talaga ako pagbadtrip eh.Wala akong pakialam sa mga taong naka-paligid sa akin.

Tapos huminto ako sa may kalakihang bahay na bungalow style.

"Ito yung bahay nila?".Tanong sakin ni Anne.

Tumingin ako sa kanya."Saan ba ako huminto?".Pabalang na sagot ko.Mukhang tanga talaga to!Nakakainis! >.<.

Lumapit na lang si Matthew sa gate saka niya pinindot yung doorbell.Tapos ilang segundo lang may narinig silang palapit tas binuksan yung gate.

"Hi Laila!".Bati ko sa katulong na lumabas."Gusto sana naming maka-usap si Mymy.".

"Sorry,Ma'am Anne,Sir.Ayaw po munang makipag-usap ni Ma'am Mymy sa mga bisita niya.".Sagot ni Laila.

"Pero kailangan lang talaga namin siya maka-usap.".Sabi ni Matt.

"Di talaga pwede Sir eh.".

"Laila!".Sigaw ni Myla.Nasa likod na pala ito ni Laila."Anong ginagawa niyo dito?".tanong niya sa amin.

"Gusto ka lang namin maka-usap.".Sagot ni Matt.

"At gusto ka na namin pumasok na ulit.".Dagdag ko.

"Ayoko.Nagsasayang lang kayo ng oras dito!".Galit na sabi niya.

"Pero ni--".

"Close that damn gate!".Sigaw ni Myla habang papasok sa bahay nila.

"Pasensya na talaga kayo.".Hinging-paumanhin ni Laila saka mabilis na sinarado yung gate.

"Teka!Teka!"Pareho naming sigaw ni Matt habang pinapalo yung gate.

"Mukhang mahihirapan tayo nito.".Komento ni Matt.

"Mukha nga.".Sang-ayon ko saka ako umupo sa sahig."Pwede naman natin siyang hintayin dito kung kailan gusto niya tayong kausapin.".

"Hindi.Balik na lang tayo dito bukas.".Suhestiyon ni Matt.

Huminga muna ako ng malalim saka ako tumango at tumayo at naglakad na,samantalang si Matthew sinundan niya na lang ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

|Thursday|

    Pangatlong araw na namin binabalikan yung bahay ni Myla tuwing pagkatapos ng klase.Diretso kami agad sa bahay niya para lang kumbinsihin na siyang pumasok at kausapin na din kami.

"Sandali!Sandali!San--".Pareho naming sigaw ulet.

"Pangatlong beses na yun ah?".Sabi ni Matt kasi pagkakita pa lang sa amin ni Laila,sasaraduhan niya kami agad ng gate.

Napabuntong-hininga ako.

Tae!Ang lakas pa naman nung ulan.Paano kami makakauwi nito??

"Magpatila muna tayo dito.".Sabi ko sabay upo sa lapag.

South Seoul High:Class-A!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon