Weather No. 41 *I Remember You*

76.4K 1K 183
                                    

Last two chapters na lang po. :)

PLEASE COMMENT. READ. VOTE.

----------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 41

 ((-Sunny's POV-))

"No."

Nagulat si Cloud sa sinabi ko. "Bakit?" tanong niya sa akin.

Umiling ako at pinahid ko yung nangilid na luha sa mata ko kanina. "Kasi gusto kong maibalik muna ang memorya ko. How can I live my future if I don't know anything about my past. I...I'm really sorry."

Tinungo ko ang hagdan tapos pumasok ako ng elevator. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sunny, sobra na yan ah. Hindi ka dapat pumapasok sa isang sitwasyon na hindi man lang binibigyang atensyon ang mas mahahalagang bagay. At mas mahalagang matandaan ko kung ano bang meron sa amin ni Cloud at sa buhay ko noon.

Kakaisip ko sa bonggang memory na yan, nakarating na pala ako ng ground floor nang hindi ko namamalayan.

Naglalakad akong nakatungo.

*BUGSH!

"Sorry, sorry po. Pasensya na hindi po ako tumitingin sa daanan." Wagas lang eh. Nambangga pa ako ng papasok sa building.

"Tsk. Tsk."

Iniangat ko ang tingin.

"Spongebob?!"

"Yup." ^____^   Hinawakan niya ako sa ibabaw ng ulo. "Alam mo sayang."

"Ang alin?" hindi niya naman siguro tinutukoy yung pagtatapat ni Cloud.

Tinignan niya ako ng makalokong tingin tapos pumasok na sa loob ng building. "Spongebob!" tawag ko sa kanya.

"Ethan na lang!" balik sigaw niya tsaka kumaway. Wala na, umalis na talaga siya. *sigh* Ano ba yun. Ampupu     =______=  Hindi ko siya magets. Anong sayang?

Umuwi ako sa bahay na lulugo-lugo.

"Hi Sunny. Halika dali." tinulak ako sa balikat ni Cupcake patungong kusina. Pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan doon at inihain sa akin yung...pagkain ba yan?

"Tikman mo naman yung luto ko. Gusto ko kasing  may surprise ako kay Josh ko eh. Ahy, teka lang, kuha ako ng kutsara." Tumalikod siya sa akin.

Tinitigan ko yung "pagkain". Bakit bumubula? Kulay brown na medyo green. Tsaka itong pagkain atang ito ang kakain sa akin ah. *GULP

"Tada♫ Kutsara mo oh." Inabot ko yung kutsara na medyo nangingiwi. Lord, kung mamatay ako sa lutong ito ni Cupcake please lang, patuluyin mo ako sa heaven.   TT______TT

Sumandok ako ng malalumot na residue sa gilid ng bowl. Iniangat ko sa bibig ko yung "pagkain". Si Cupcake, excited na excited sa magiging reaction ko. Eh siya kaya? Anong magiging reaction niya kapag nadedo ako. Tss.

Inilapit ko sa bibig ko yung kutsara. Nasinghot ko ang amoy ng kili-kili power.

AH! Siomai! Hindi ko kaya! Sorry Cupcake.

Nagkunwari akong na-out of balance sa upuan, natabig ko yung bowl na may lamang luto ni niya. Natapon lahat yun sa sahig.

Tumingin ako kay Cupcake. "Pasensya ka na ah."

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon