twenty-nine.

69 10 20
                                    

Cath's Point of View

Nung biglang lumabas si Snow, biglang nagsalita si Czam.

"Y-yung kutsilyo..." Tinuro niya yung kutsilyo na sinasabi niya at nakita kong nasa sahig ito. Ang tanga naman ni Snow para mabitawan to.

Sinipa ni Czam yung kutsilyo papunta sa akin. Pilit kong inabot ito hanggang sa makuha ko na ito.

Dali dali kong pinutol yung nakatali sa akin ag tinanggal. Tinanggal ko na rin yung nasa paa ko.

Pumunta ako kay Czam at tinanggal ang nakatali sa kanya. Pansin ko ang mga sugat sa braso niya. Napangiwi ako.

"Tara na!" Hinatak ko na siya palabas.

Napatigil ako nang makakita ako ng ilang pinto. Yung isa, nakabukas na.

"N-nasa gitnang pinto yung iba..." Sabi ni Czam. Dali dali akong pumunta sa pinto na yun. Shit! Nakalock!

"H-here" May binigay na hairpin si Czam.

Pinasok ko ito sa door knob hanggang sa magbukas na ito at bumungad sila-

"Andy! Kate!" Dali dali ko silang tinulungan.

"Buti naman at dumating kayo! Akala ko mamamatay ako nang pogi dito!" Sabi agad ni Andy.

"Gago ka Andy" Rinig kong sabi ni Kate.

"Tara na guys! Wala pa si Snow-"

"Snow?" Nagkatinginan yung dalawa.

"Oo, si Snow daw yung error" Sabi ko nalang.

"N-no, she's not error, si Riza yung error. Naging kakampi lang ni Riza si Snow nun" Paliwanag ni Czam.

"Hindi ko kayo nagegets" Sagot ni Kate.

"Ikaw Kate ang nauna dito sure ako. Sumunod si Czam tapos ako" Paliwanag ni Andy.

"Wala pa si Snow nung nakapunta ako dito..." Sabi ni Kate.

"Ibig sabihin, hindi niya naging kakampi si Riza sa simula..."

"Mamaya na natin yan pag-usapan! Baka dumating na si Snow" Sabi ko at dali dali silang sumunod sa akin.

Kailangan naming makalabas dito.

𝗢𝗙𝗙𝗟𝗜𝗡𝗘Where stories live. Discover now