twenty-three.

83 12 33
                                    

Snow's Point of View

Flashback...

"Tsk" Napaka childish ng mga to.

Nagtatype lang ako nang nagtatype sa phone ko.

Si Kristine? Dyosa? Eww.

Sarap ipakain sa kanya lahat ng stocks ko ng napkin sa bunganga niya. Napaka ano niya.

Tapos isa pa itong error na to! Sino ba to?! Kagigil ah!

Pero nakakatuwa din, kasi siya ang maaari kong solusyon sa mga problema ko.

Ang tanggalin sila sa buhay ko.

Gusto ko ngang itanong sa gc namin kung sino si error na to kaso mapagbintangan pa nila ako na interested sa kanya kahit totoo naman.

Nung nalaman kong isa sa amin ang error na yun, bigla akong naging interesado. Sino naman kaya yun?

Napansin kong madalas mag english ang gaga. I think si Riza yun. Nakakadugo yun eh, kaya lagi akong may dalang napkin.

Nag-away pa ang dalawang nagfifeeling dyosa. Ako lang naman yung dyosa dito.

Tapos sinagot ko sila na baka silang dalawa yung error na yun. Nagjojoke lang naman ako nun para matanggal ang black aura sa pagitan nung dalawa.

Nagulat pa nga ako nang pagbintangan nila akong si error. Mga gaga talaga. Napupuno na ako sa kanila.

Dahil sa inis ko, pinatay ko ang phone ko. Bahala sila diyan. Maniwala naman akong totoo yang error error na yan.

Naghintay ako ng ilang seconds. See? Wala namang nangyayaring masama sa akin-

Biglang nagring ang telepono ko. Nakakagulat naman!

Sinagot ko ang tawag.

"Ano yun-"

[ "Hi Snow, this is Riza" ]

End of Flashback...

At diyan nagsimula ang pagiging kakampi ko kay Riza.

𝗢𝗙𝗙𝗟𝗜𝗡𝗘Where stories live. Discover now