Six ~ Unang Pagkikita

664 31 11
                                    

MARCH 22, 2014

Nandito ako sa Dae's. Bagong bar and resto ng girlfriend ni Katsumi na si Daezen. Opening night. At ngayon, matapos ang matagal na panahon ay kakanta na muli ako sa harap ng maraming tao.

Ang tagal ko ring pinag isipan. Isang malaking NO! nga dapat ang sagot ko. Kaso nag puppy eyes si Daezen at maraming sermon ang ginawa ni Kats, kaya ayun. Napilit rin ako.

**** FLASH BACK 1 ****

"Ilang beses ko ba sasabihin na NO, Katsumi?" Nakasimangot kong sagot sa dalawang sweet na sweet dito sa harapan ko.

"Kath naman..", with matching pout pa 'to si Daezen.

"Akala ko namimiss niyo 'ko kaya dinalaw niyo ako dito. Yun pala pipilitin niyo akong gumimik."

"Hindi yun gimik, Kath. Gig 'yun. Gig. Opening ng bagong business namin. Parang hindi ka naman barkada nyan e." Hirit ni Katsumi.

"Bebe Kath. Sige na naman. Gift mo na sa amin ni Kats yun. Di ba super friends tayo?" - Daezen

"Yun nga eh. Super friends tayo. At hindi lang tayo ang super friends. Pati siya. Ayaw ko pa siya makita. Hindi pa ako handa."  Ayun, hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na rin ang tunay na dahilan.

"Teka lang naman Katreng. Kay DJ ka lang nakipagbreak, hindi sa buong barkada!" Aba, tinataasan pa ako ng boses ng singkit na four eyes na to ah!

"No! No! No! No! Ne---"

"Kath hindi naman pupunta si Daniel e." Sumingit na si Dae.

"Weh?!"

"Kath ang sabi sa akin ni DJ nasa US daw siya nun for a business trip. The next day pa raw siya uuwi kaya dun na lang daw siya pupunta. Ok na po?" - Daezen

"Pero Dae---"

"Kath naman. Nandun ang buong barkada minus the only guy na ayaw mong makita. Pati iba nating college friends and acquaintances. Siya lang naman ang reason kaya ayaw mo pumunta, di ba?" - Kats

Nanahimik lang ako. Feeling yata ni Kats ay pagkakataon niya na yun para mag sermon kaya dinagdagan pa niya.

"Look, Kath.. Ikaw na mismo ang nag sabi na pinapalaya mo na ang sarili mo at si DJ, di ba? Then learn to start living your life without him. So what kung paminsan minsan ay lumabas ka to party with your friends? Bata pa tayo, Kath. At ngayon ka lang naging single for so long! Embrace the freedom."

"Guys, ayaw ko lang naman ng questions and weird looks from the people we know e." Fine. I'll let the truth go. Hindi ko naman kayang magsinungaling sa mga kaibigan ko.

Twelve Weeks: A KathNiel Short StoryWhere stories live. Discover now