Two - Unang Untog

827 33 12
                                    

FEBRUARY 22, 2014

Isang linggo.

Isang linggo na ang lumipas simula ng nagising ako na wala na kami ni Daniel.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap.

Pakiramdam ko nasa isang bangungot lang ako, at any minute ay maririnig kong ginigising ako ni Daniel. O tinatawag niya ang pangalan ko.

Pakiramdam ko naglalaro lang siya.. at sinusubukann kung gaano katagal bago ako sumuko dahil hindi ko na siya kasama.

Sa unang araw, natulog ako ng mahimbing. Hindi sinubukang bumangon, hindi sinubukang kumain. Natulog lang. Sa mga sumunod na araw, ganun pa rin. Hindi ko alam kung nag-shut down ba ang katawan ko dahil lang sa wala na si Daniel. Pero hindi na kasi nagfufunction ang lahat.

Natatawa ako sa sarili ko sa paglipas ng linggong ito.

Ilang beses kong inulit ulit sa sarili ko na.. "Kath.. Tulog ka muna.. Pagdilat mo, tignan mo, nandyan na ulit si Daniel." Kasi sa buong relasyon na to, ilang beses na akong gumising na biglang makikita ang mukha niyang lilitaw sa condo ko.. sa kwarto ko. Minsang breakfast in bed. Minsang flowers. Minsang walang kahit anong dala.. kundi ang sarili niya.. na kumakanta ng mga kanta niya.

Ilang beses kong hinintay na magtext siya. Na tumawag siya.

"Kathryn ko.. gising na po.""Baby Kath-kath.. I love you."

"Wakey wakey baby siopao. Papakasalan pa kita."

"Baby Kath, bakit hindi ka nagpaparamdam?"

"Nasan na yung good morning ko?"

"Nakalimutan mo na ba yung poging asawa mo?"

Yan ang mga linyang nakasanayan ko. At minsan, oo, natake for granted ko na.

Pero kahit isa.. kahit isang hinga.. kahit isang ring.. Wala.

Oh, what would I give to hear any of those lines again?

Kahit isang text kahit blanko

Kahit isang hello sa telepono (Hello)

Kahit isang ngiting alanganin

Kahit isang tingin kunwari sakin

Yan' ang kailangan, pero hindi mo pinayagan

Alam kong wala na tayo

Alam mong wala na tayo

Alam kong wala na tayo

Di ko na kailangan pang ipilit pa

O wala na tayo

Wala na tayo

Bakit ba kailangan kong mainlove kay Mr. Nice Guy na Ideal Boyfriend?  Isang bagay yan na ipinagpasalamat ko ng apat na taon kay God, pero ngayon, UGHHHHH! Ewan ko na.

Twelve Weeks: A KathNiel Short StoryWhere stories live. Discover now