Chapter 30

4.8K 64 7
                                    

<Julie’s POV>

Matagal na pala naghihintay ung sundo namin sa may parking lot ng NAIA Terminal kaya nakasakay din kami agad nung makalabas na kami ng airport.

Sa harap umupo si Alden and sa likod naman kami ni Ms. Beth. Halos 15 hours din ung byahe sa plane pero sa loob ng 15 hours hindi ako makatulog, ang bigat bigat na ng mga mata ko pero ayaw niyang pumikit.

Nakatingin lang ako sa bawat building na dumadaan. Ngayon ko na lang ulit nakita tong mga building na to, nakakamiss pala kahit papaano. Ang sarap ding titigan ung bawat poste ng ilaw na dadaan lalo na’t gabi na at nakasindi na sila.

“May tumawag pala saakin kanina, ung The Buzz, gusto kang ma-interview and I rejected it since I know you will.” Paalam ni Ms. Beth.

Napatingin ako sakanya saglit at ngumiti, “I’ll do it.”

Naramdaman kong napaupo ng maayos si Alden, at napatingin din saakin si Ms. Beth. Nagulat siguro sila sa sinabi ko.

“It’s time to show the world who I really am.”

Mahirap para saakin ang humarap sa camera dahil natatakot akong makita niya ko. Pero kung ipagpapatuloy ko lang ung ganun kong attitude, pinatunayan ko lang na duwag ako. Wala naman akong maling ginawa kaya bakit ako magtatago? Gusto ko tong gawin para sa sarili ko, gusto kong magpakilala sa buong mundo at gusto kong maging proud silang lahat saakin because I deserve it.

.

“Julie, tandaan mo. Live tong show na to so you have to be careful sa lahat ng sasabihin mo, kasi hindi mo na mababawi yun if ever.”

Tumango ako kay Alden, ang kulit kasi ng lalaking to, nagpupumilit na sumama kahit na sinabi ko na kaya ko naman.

Inayos ko muna ung sarili ko at naglakad na ko papunta sa may platform kung saang naghihintay na ang nakaupong si Tito Boy Abunda, at nakahanda na rin ung ibang camera na nakafocus na pala saakin.

Umupo ako sa katabing upuan at ngumiti siya saakin, “Don’t be nervous, okay?”

I nod and smiled at him.

<VTR> Isa sa mga naging successful designers ng France at ng pinakasikat na fashion brand na Elizabeth’s ay ang pure Pinay na si Julie Anne San Jose o mas kilala bilang si J.A.. Kilala si J.A. bilang ‘The Mysterious Designer’ dahil sa napaka misteryoso nitong pagkatao. Ngunit kamakailan lang ay ginanap ang kanyang ikaapat na runway show at doon na siya nagpakita sa publiko. Hindi maipagkakaila ang galing ni J.A. sa pagdidisenyo lalo na’t kilala ang kanyang mga disenyo sa buong France, sa Amerika, at maging sa Pilipinas. At na unang pagkakataon, live na live sa The Buzz, J.A.!

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon