Chapter 16

6.1K 80 10
                                    


Thank you kay checkeye15! Sobrang active mo so I dedicated this chapter to you! =)) And of course sa lahat ng sumusubaybay ng FF ko, para sainyo to! =))

 ---

<Elmo’s POV>

I know that I’m being unfair. I’ve been avoiding and ignoring Julie. May conscience din naman ako kahit papaano, kahit masaya ako na kami pa rin ni Lo, na nagkikita pa rin kami at nagsasama, hindi pa rin mawawala sa isip ko na unfair ako kay Julie.

Unfair ako sakanya sa lahat ng bagay. She doesn’t deserve this. Sa aming tatlo siya ang pinaka nagsusuffer, alam kong di siya masaya sa kalagayan niya ngayon. Samantalang kami ni Lo, kahit hindi puwede, gumagawa kami ng paraan para magsama kami, para maging masaya kami. Pero nakokonsensya ako, kasi pakiramdam ko kahit wala kaming something ni Julie, pakiramdam ko ako ang may sala dahil may iba akong babae ngayong siya ang asawa ko.

Nagdecide akong umuwi ng unit namin ni Julie ngayon to clear things up. Gusto ko ng magkaayos kami, kahit ayaw ni Lo. Hindi ko siya maintindihan kung bakit pilit niya kong nilalayo kay Julie. I mean natatakot ba siya na baka mahulog ang loob ko kay Julie? Hindi malabong mangyari un kasi hindi mahirap mahalin si Julie. Pero si Lo lang talaga ang mahal ko.

Pero kahit anong gawin ko, kahit anong isip ko, hindi mawawala ung fact na mali ung ginagawa namin ni Lo. Ayokong makipag hiwalay sakanya, pero somehow kailangan kong itama ung mga pagkakamali ko.

Sa totoo lang, masaya ako na magkaka anak na ko. Pangarap ko rin namang magkaroon ng masayang pamilya kasama si Lo. Sadyang hindi ko lang mapicture na kasama pala si Julie sa pamilyang pinapangarap ko, na si Julie pala ang kapalit ni Lo sa pangarap ko.

Hindi ko pa nakakausap si Julie simula nung ikasal kami. Masyado akong naging cold sakanya, masyado ko siyang iniwasan. Ilang araw na rin akong di umuwi sa unit simula nung nag summer vacation. Sa bahay muna ko nagstay since alam kong sa office na natutulog si Dad sa sobrang pagka workaholic niya. But today, I decided to go home, where I should be really staying.

It’s just 8pm so I bet gising pa si Julie. Pagpasok ko sa loob ng unit e nakasalubong ko si manang. Kasambahay nila Julie dati na ngayon ay dito na nagtatrabaho. Pero hindi siya dito natutulog, pumapasok siya ng maaga, at umuuwi ng gabi. To be honest, ngayon ko lang nakita si manang ng harap harapan, never ko pa siyang nakausap.

Nagulat yata si manang sa bigla kong pagpasok, hindi ko naman siya masisisi kasi bihira lang akong umuwi.

“Oh, Elmo! Ngayon natatandaan ko na itsura mo.

Ngumiti ako kay manang, “Si Julie po?”

Nagulat siguro si manang sa bigla kong tanong about kay Julie, tinignan niya muna ko ng matagal na para bang may gusto siyang itanong, pero sinagot naman din niya ko agad.

“Ayun, tulog na. Napagod siguro kaaalaga dun sa kapitbahay na nahimatay kanina sa elevator dahil sa lagnat. Mabuti na lang at nagkasabay sila ni Julie sa elevator. O siya, aalis na ko ha.”

Tumango ako at umalis na nga si manang. Kapitbahay? May nakatira na sa tapat? Napaghahalataang hindi ako umuuwi kasi wala na kong alam sa mga nangyayari dito.

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon