Chapter 9

5.9K 57 1
                                    


 

<Lauren’s POV>

“Ma’am? Gising na po.”

Nagising ako. Pero aray, ang sakit ng ulo ko.

“6am na po ma’am, magsasara na po kami.”


 

I look around kahit masakit pa yung ulo ko. Wala ng tao, and naglilinis na ung mga tauhan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi dito sa bar. Hinanap ko yung bag ko at lumabas na ko ng bar papunta sa car ko.


 

It’s just 6am and naiirita na ko sa sobrang lagkit ko, so nagdecide akong umuwi muna ng unit to wash up.

Pagkarating ko sa labas ng unit ko, nagulat ako sa nakita ko. Si Elmo, nakasandal sa may pinto and nakayuko siya. Simpleng t-shirt and jeans lang ang suot niya. Naramdaman niyang andun na ako kaya iniangat niya agad ulo niya. Stressed siya lately, I can see it because of his eyebags and ang tamlay ng mukha niya. Pero I don’t care, I still love him. Ilang araw ko na siyang di kinakausap and di pinapansin. Kahit sa school, pag sinusundo niya ko or what, iniiwasan ko siya. Para saan pa kung papansinin ko siya? He’s getting married anyway, today.

I composed myself and naglakad ako with confidence, towards him. Tumayo siya ng maayos and ngumiti siya.

Huminto ako saglit ng makalapit na ko sakanya, “I’m sorry. But I believe that you’re blocking my way.” I said, coldly, without looking into his eyes.

“Lo, let’s talk. Please?”

Tinignan ko siya, “Talk? Ano pang paguusapan natin? Wala na! So please, pumunta ka na sa wedding mo. It’s almost time.”

Umusog siya ng kaunti so I approach the door, pero hinawakan niya braso ko, “Hindi ako susulpot sa kasal. Tayo pa naman diba?”

Napatingin ako sakanya. He’s serious, he’s sincere.

But hey, I have a better plan.

“Siguro nga tayo pa. Hindi ko alam. Pero sumulpot ka sa kasal niyo. And if you did, saka ka na pumunta saakin. Then we’ll talk.” Hindi ko na hinintay ang response niya kasi pumasok na ko sa loob. Hindi ko alam tong ginagawa ko, pero tama si Janine, uso ang mistress ngayon.

-

<Elmo’s POV>

Hindi ko alam kung ano ang plano ni Lo at sinabihan niya kong sumulpot sa kasal naming ni Julie. Pero kung ano man yun, may tiwala ako sakanya. May tiwala ako kay Lo.

-

<Julie’s POV>

Tinupad ni Maqui ung promise niya. She came before anyone else.

“How’s our bride doing?”

Ngumiti ako and biglang niyakap niya ko ng mahigpit.

“What’s going on? Ikakasal lang ako, Maqui. Di ako mamamatay.” Natawa ako sa sarili kong joke. Pero si Maqui seryoso. And she’s actually crying!

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon