Hanggang sa Muli 1

207 5 0
                                    

"Kapag nahiwalay sayo ang isang taong malapit sa puso mo, siyempre, maaaring magbago ang takbo ng buhay mo. Yung tipong, mula noong nawala siya, lagi nang may kulang sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Minsan, maiisip mo na lang sa sana kasama mo siya at hindi na kayo mapaglalayo mula sa isa't isa kailanman. Minsan, kung kailan pa siya nawala, saka mo lang nalaman ang tunay na tinitibok ng puso mo." basa ko sa quote na sinulat ko sa notebook ko.

"Argg!! Ang drama!" sabi ko at napakamot na lang sa ulo ko. Wala na kasi akong maisip na iba pa eh. Bigla na lang siyang sinulat ng mga kamay ko nang di ko namamalayan.

Sumulyap ako sa malaking orasan sa kanan ko at nakita kong 5:30 na pala ng umaga. Napamura na lang ako at naligo na't lahat-lahat. Simple lang naman ang itsura ko ngayon, yuniporme ng Shin Lee University ang suot-suot ko, nakalugay ang buhok ko at basa pa ito tsaka suot ko rin ang salamin kong nerdy glasses, sa malabo ang mga mata ko eh! Mamaya na lang ako mag-aayos dahil baka ma-late ako!

Nang matapos ako ay naglakad na ako patungong eskwelahan. Malapit-lapit lang naman kasi ito sa tinitirahan ko ngayon.

Ilang sandali lang akong naglakad at hindi nagtagal at nandun na ako at tatawid ng kalsada. Dahil sa naka-pula pa naman ang ilaw sa stop light, nakatayo ako doong naghihintay. Hindi ko alam kung halata bang nagmamadali ako o ano eh.

"Babe, promise mo 'yan ah?" rinig kong sabi ng isang babaeng nasa likod ko. Umirap ako, babe? Yuck. Walang originality. Mga tao nga naman ngayon.

"Oo naman." sagot naman sa kanya nung lalaki. Parang kinabahan ako bigla nang marinig ko ang boses na 'yun. Dahil hindi ko mapaliwanag na dahilan, liningunan ko siya.

Paglingon ko, agad kong hinanap ang dalawang naglalandian sa likod ko pero di ko na nalaman kung sino ba sila. Bigla namang tumawid ng kalsada ang lahat ng nakatayong mga tao doon, tumawid na lang rin ako.

Hindi naman nagtagal nang makarating ako sa campus. Third year college na ako at tourism ang kurso ko. Naglakad na ako patungong classroom at dumiretso sa upuan ko sa likod. Nilapag ko na ang bag ko doon saka ko naman naalalang nasa locker ko pa pala ang mga libro ko.

"Bwiset." nabulong ko na lang sa sarili ko.

Agad akong lumabas. Buti naman at hindi ako na-late. Habang nagmamadaling naglalakad patungo sa mga locker, may mga nababangga pa ako sa daan kaya nagso-sorry ako. Maya-maya, kung ano pang gawin nila sa 'kin eh.

Pagkarating ko sa locker ko, malamang, binuksan ko na ito at kinuha ang mga librong kailangan ko sa first to third period ko. Hindi ko aakalaing maririnig ko na naman ang isang pamilyar na boses.

"OMG! Girls, lilipat na siya dito on this day!" sabi niya. Pasimple akong nakinig. Hindi ko naman alam kung bakit. Pamilyar kasi yung boses.

"Sino? Boyfriend mo?" tanong ng isa namang boses, kaibigan siguro.

"Oo!" kinikilig na sagot nung babaeng pamilyar ang boses.

Sinara ko na ang locker ko at pasimpleng sinulyapan yung babaeng may pamilyar ba boses. Pagkatapos nun, agad akong naglakad palayo. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Siya si Rachel Anne Yang. Yung sikat na Chinese-Filipino artist dito sa University na 'to. Sa pagkakaalam ko, dito na siya lumaki at yung parents niya, mayaman pero mag-isa lang siyang nakatira sa isang apartment dahil ayaw niyang tumira sa puder ng mga magulang niya. Yun ang alam ko kasi nga, sikat siya at ang daming nagtatanong sa kanya at sinasagot niya naman.

Pagkapasok ko sa classroom, dumiretso ulit ako sa upuan ko. Doon, nagbasa lang ako. Hindi ko pinansin ang ingay ng mga tao sa paligid ko. Inayos ko ng konti ang salamin ko at kinuha na rin ang mga notebook ko at nag-take down notes. Hindi nagtagal at nag-ring na ang bell. Ibig sabihin, simula na ng klase.

Until We Meet Again (Hanggang sa Muli) {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon