Decisions.

26 4 0
                                    

July 2012

            “Kinakabahan ako. Sana naman pumasok na si Nathan ngayon. Antagal ko na syang di nakakausap.” bulong niya sa kanyang sarili habang nag aayos. Ngunit hindi nya lang ito pinansin. Sabay labas sa kanyang kwarto at naglakad na palabas ng kanilang bahay.

            Pagpasok ni Samantha sa school nila, nagulat sa sya mga taong nakakasalubong nya. Lahat nakangiti sa kanya.

            Sabi pa nung isa nyang nakasalubong “Ang swerte mo sa kanya. Sana maging masaya kayo.” nginitian lang nya ito kahit hindi nya maintindihan kung bakit sinabi sa kanya ang mga salitang iyon.

            “Tara na.” sabi sa kanya ni Keylie na isa sa mga medyo close nya sa klase nila.

                        Kahit hindi nya alam kung saan sila pupunta ay sumunod nalang siya kay Keylie habang nakatakip ang kangyang nga mata. Pagkatapos ng medyo mahabang lakaran ay nakarating din sila. Sa isang mini garden ng kanilang school.

“I have died everyday waiting for you,

 

Darling don't be afraid I have loved you,

 

For a thousand years,

 

I love you for a thousand more,

 

And all along I believed I would find you,

 

Time has brought your heart to me I have loved you,

 

For a thousand years,

 

I love you for a thousand more.”

 

               “Keylie. Sino yung tumutugtog ng gitara aa ? Si Nathan ba yun ? Medyo familiar kase yung boses nya e.” sabi ni Samantha habang nakatakip parin ang kanyang mga mata at patuloy na inaalalayan ni Keylie sa paglalakad.

               “Hmm. Basta makikilala mo din sya kapag nakarating na tayo dun. Malapit na tayo. Ready kana ba ?” Tanong niya kay Sam habang palapit sila ng palapit sa may mini garden.

            Tinanggal na ni Keylie yung takip sa mata ni Sam. At pagmulat ng mga mata nya ay may nakita siyang nakasulat san isang napakalaking cardboard at si Nathan na nasa may mini garden ng kanilang school.

            “PLEASE. LET ME COURT YOU MY BESTFRIEND.”

            “N-nathan….”

            Dahil hindi nya alam kung ano ang isasagot nya sa nakasulat sa cardboard at gagawin ng makita nya si Nathan dahil sa pagkabigla nya, bigla nalang nyang niyakap si Nathan. At lahat ng tao sa paligid nila ay walang nagawa kung ang pumalakpak nalang. At biglang nagsalita si Nathan.

            “Ang tanong ko pwede ba kitang ligawan, hindi pwede mo ba kong yakapin. Haha. Please ?”

            “Hahaha. Adik ka talaga Nathan. Narunong akong magbasa no ? ano akala mo saken ? hmm. Ou na payag nako.”

            “Talaga ? Haha. Kala ko hindi kita mapapapayag e. Tara na nga. Hatid na kita sa room nyo. Baka ma-late kana.”Sabi ni Nathan habang sagad ang ngiti dahi sa hindi nya inaasahang pagpayag ng kanyang Bestfriend na si Sam sa plano nito.

            Sa totoo lang, matagal na ring may gusto si Nathan kay Sam pero hindi lang nya masabi dahil natatakot sya na mabalewala lahat ng pinagsamahan nila katulad ng kinatatakutang mangyari ni Sam.

            Naging normal ang takbo ng lahat ng bagay. Mas lumalim ang pagtitinginan nilang dalawa sa isa’t isa. Mas minahal, mas inalagaan at mas iningatan.      

            “Haaay. Ano na yung gagawin ko ? Sasagutin ko na ba sya aa ? Hirap naman pala mag-decide, nakakabaliw." sabi nya kay Keylie na kausap niya sa telepono.

            “Hmm. Kaw bahala Friend. Mahal mo na ba talaga aa ? Then kung mahal mo. Go. Push mo na yan.” sagot naman sa kanya ni Keylie.

            Natapos na ang pag-uusap nila ni Keylie ngunit hindi pa din nakakapagdesisyon si Sam kung ano ang gagawin nya. At bago siya makatulog ay nakapag-isip na siya. Sasagutin na nya si Nathan at inisip na nya kung ano ang kanyang gagawin.

            Friendship o Relationship ? Isang bagay na napakahirap pagdesisyunan. Isang friendship na nagsimula sa simpleng pag-uusap, simpleng pagsabay nila sa pagkain ng lunch, sa simpleng paghatid nya sa bahay, sa simpleng pagkakasama nilang dalawa. At sa simpleng paraang ito, nagsimula ang lahat. Lahat ng mga bagay na nangyayari sa kanila ngayon.

***

A/N: Meet Nathaniel. :) >>>>

#Paris <3

Decisions...Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin