ThisIsWhereTheTrueStoryStarts

33 4 0
                                    

 Isang napakaaliwalas na araw. Mahangin sa labas. Mapayapang tingnan ang lahat ng bagay. Nagpagdesisyunan ni Samantha na pumunta muna sa labas ng kanilang room kasama ng kanyang gitara at umupo doon, kung saan may isang malaking puno na nagbibigay lilim sa kanyang kinauupuan.

“Going back to the corner where I first saw you,

Gonna camp in my sleeping bag I’m not gonna move,

Got some words on a cardboard, got your picture in my hands,

Saying if you see this girl can you tell her where I am.”

            “Tsss. Anona nga kase yung chords nun. Nakalimutan ko na, inaral ko palang kagabi e. Nakalimutan ko na kaagad.”

            “Ganito kase yung chords nyan. Hindi sya A major, A minor lang dapat. Kaya naiiba yung tono mo e.’’

            “Aa ganun ba ? Kaya naman pa-la.”

            Bigla nalang may lalaking sumulpot sa harapan nya. Na parang kabute na bigla nalang lilitaw sa harap mo. Sa sobrang gulat ni Samantha rito, bigla nya nalang itong itinulak ng hindi nya sinasadya. Na sya namang naging dahilang para mapaupo ang lalaki sa kanyang kinatatayuan.

            “Sino ka ba aa ? Bigla ka nalang lilitaw sa harapan ko ? Saka hindi naman kita kinakausap. Bakit ka sumasagot sa sinasabi ko? “ mataray niyang pagkakasabi. Ngunit mukhang hindi naman naapektuhan ang lalaki sa kanyang mga sinabi.

            “Ako nga pala si Nathaniel Tan. Hindi ko naman sinasadyang sagutin yung tanong mo e, nagkataon lang na ako lang yung taong dumadaan dito saka nagkataon lang din na alam ko yung kanta na tinutugtog mo kaya sinabi ko sayo. Baka sakaling matulungan kita. Sa totoo lang maganda yung boses mo, Miss ? “

            “Wag mo nang alamin. Hindi na din naman tayo magkikita e. Sige mauna nako. Salamat nalang.”

            At tuluyan nang umalis si Samantha sa kanyang kinauupuan dala-dala ang kanyang gitara at iniwan ang lalaking iyon. Lumipas ang mga oras ngunit patuloy parin niyang naiisip yung lalaking nakausap niya sa ilalim ng puno.

            At patuloy parin nyang nakikita ang itsura ni Nathan sa kanyang isipan na halos hindi na sya nakikinig sa mga sinasabi kanilang guro, dahil sa kakaisip niya dito.Hanggang dumating ang oras ng kanilang uwian.

            "Sam di ka ba sasama kila Dianne aa ? Naisip ko lang naman na baka gusto mo. Sumama kana please ?"sabi sa kanyang isa nyang kaklase na si Keylie

                        "Hmmm. Hindi muna Keylie. May gagawin pa kase ako e. Saka di din ako nakapagpaalam sa parents ko. Next time nalang. Pakisabi nalang kay Dianne, Happy Birthday saka pasenya na din di ako makakapunta. Sige Keylie una nako aa ? Ingat nalang kayo.Pasensya talaga." sagot niya rito at naglakad na pauwi sa kanila.

            01234567899 calling…

            Pagkauwi nya ng kanilang bahay sakto namang may tumatawag sa kanya, mula sa isang hindi kilalang numero. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba nya o hahayaan nalang nya yung taong tumatawag. Pero dahil makunsensya, sinagot nya ang tawag sa pagbabakasakaling importante ito.

            “Hello. Sino to ? Kung hindi importante yung sasabihin mo. Wag kana ulet tatawag saken.”

            “Wait. Wait Samantha. Ako to si Nathaniel, yung lalaking nakausap mo kanina habang naggigitara ka. Hmmm. Gusto ko lang sanang mag-sorry, kahit di ko naman sinasadya yun. Malay ko ba kaseng magagalit ka. Sorry aa ?”

            “Pano mo nalaman pangalan at number ko aa ? Psssh.”

            “Hmm. Tiningnan ko sa ID mo, ayaw mo kaseng magpakilala e. Yung number mo naman, dun sa isang classmate mo. Sorry ulet kanina aa ?

            “Tsk. Nevermind it. Wala lang naman saken yun e. Di lang kase ako sanay na may ibang tao na kinakausap ako. Sorry kung natulak kita. Di ko namang intensyon na gawin yun sayo. Saka sorry kung natarayan kita.”

            “Wag kang mag-sorry. Kasalanan ko naman din talaga e. Haha. Gusto ko sanang bumawi, free ka ba ng lunch ? I’ll treat you, ok. See ya’.”

            “Hmmmmm. K-kase.”

            Pero bago pa man makapagsalita si Sam ay binabaan na sya ng telepono ni Nathan.

            Kinabukasan, tinupad nga ni Nathan ang sinabi  nya kay Sam noong gabing iyon. Sabay silang nag lunch at hinatid pa nya ito sa kanilang bahay.

            Dito nagsimula ang lahat. Lahat ng naging ugnayan nilang dalawa. Lahat ng mga memories na kanilang pinagsamahan. Lahat ng mga sacrifices na nagawa nila para sa isa’t isa.

             Simula noong araw na yon, lagi na silang magkasama. Lagi silang sabay pumasok at umuwi. Lagi silang magkasamang naglu-lunch. Tinuring nila ang isa’t isa bilang isang tunay na kaibigan. Ngunit may isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.

            “Salamat sa paghatid saka pagsundo sakin araw araw ah ? Buti pinagta-tiyagaan mong gawin yun. E medyo malayo naman yung bahay namin sa bahay nyo. Haha. Thank you talaga. Dahil sayo di nako loner, may friend nako at hindi lang basta friend, bestfriend pa.” sabi ni Sam habang nasa tapat sila ng gate ng kanilang bahay.

            “Sus. Wala yun no ? Basta para sayo. Haha. Best friend kaya kita. Saka laging may pagkain senyo kaya ako laging pumupunta sa bahay nyo.”sabay alis ni Nathan.

            “Kala ko naman dahil saken, dahil lang pala sa pagkain.”pabulong na sabi ni Sam sa kanyang sarili at pinagmasdan si Nathan habang papalayo sa kanya.

~~~

1message received.

From: BesNathan=)

                        Uy Bes. Di totoo yung sinabi ko sayo kanina. Haha. Binibiro lang kita :) Kahit walang pagkain senyo hahatid pa din kita. Hmmm. Pero mas maganda talaga kung may kasamang meryenda.

~~~

                        Bigla nalang napangiti si Sam pagkatapos nyang basahin yung text ni Nathan sa kanya. Hindi nagtagal. Unti-unting nahulog ang loob ni Sam kay Nathan pero natatakot siyang sabihin ito sa kanya baka kase umiwas ito sa kanya at mabale wala nalang lahat ng pinagsamahan nila.      

            Ilang araw na ang lumipas, hindi pa rin pumapasok si Nathan. Masyado ng nag aalala si Sam sa kanya. Lagi nya itong tinatawagan at tinetext ngunit ni isang reply ay walang bumabalik sa kanya. Kaya nagpasya syang puntahan na ito sa kanilang bahay, na hindi naman gaanong kalayuan sa kanila.

            Nang makarating siya sa bahay nila Nathan ay may nakita siyang mga taong nagkakagulo. At sa isang banda ay nakita nalang nya si Nathan na nakahandusay sa lupa habang walang malay.

            Hindi nya inaasahan na ganoon ang makikita nya. Kaya napagpasyahan na niyang umuwi dahil malabong makausap pa nya si Nathan.

            Isang linggo na ang nakalipas. Lunes na naman.Hindi pa rin sya nagpaparamdam. Wala parin yung taong laging sumusundo sa kanya, yung taong kasabay nyang pumasok sa school, yung kakwentuhan nya, yung taong kasabay nya palaging kumain ng lunch, wala parin yung taong laging nakikipagkulitan sa kanya, yung taong isa sa mahahalagang tao sa buhay nya. Yung taong kaisa isang nakakaintindi sa kanya. Yung Bestfriend nya.

           

***

 A/N: Meet Sam. :) >>>>

#Paris <3

Decisions...Where stories live. Discover now