HMABL 11

56 4 0
                                    

Urgh! Hanep na panaginip ito? Libre palan lahat. Grrr. Dapat palan bumili na ako ng mahal mahal. Sayang! Makabangon na nga lang. Asan na pala yung pusa? Si Potatoo.

Bumaba na nga ako kasi nagugutom na ako. Owship! Tanghali na pala? Hindi ko man lang namalayan? Asan na sila? Makakuha na nga lang ng tubig.

"Nep, may iniwan na kaming pagkain sa ref. kumain ka na lang. " iniwang note sa ref. Aixt! Iniwanan na naman ako. Kakain na nga lang ako. Kinuha ko na nga yung menudo at kumuha ng kanin at juice tapos pumunta ng sala at inopen yung tv. Makapanood nga ng showtime.

Sakto! Sine mo to na! Eto na ang nakakatawang segment ng showtime. Habang si potatoo, bumaba at tumabi sakin. Aish!

"Ano? Saan ka galing?"

"Sa kwarto. Penge nga!" lumayo ako ng konte at dinali daling isinubo yung kanin at menudo.

"Asus! Magsabe ka lang kung ayaw mo, hindi ko naman ipagpipilitan. Whoooh! Yan mahirap sayo ee. Assuming ka kaagad?"- Potatoo.

Ansarap pektusan talaga ng pusang ito. Naku' sinasabi ko na nga ba na pareho sila ng amo niya.

Hindi ko na lang pinansin dahil nagsisimula na ang sine mo to'.

Vhong: Sino gustong maging artista?

Madlang people:(yell)

Billy: Sino sainyo madlang pipol ang hindi mahiyain?

Madlang pipol: (yell)

Billy: Kuys Vhong, magready ka na.

As usual umupo na nga si Billy sa upuan ng taga-pagsalaysay.

Billy: Alright madlang pipol, our storiya for today ay pinamagatang Habulin Mo ako Babaeng Lumpo.

Tawa kami ng tawa ni potatoo sa title. Sabi nga namin, story ni Mary.

Magsisimula ang ating istorya sa unang pasukan ni Nep. (pasok Vhong)

"What the --? Kapangalan ko pa talaga? Owship!!" tawang tawa naman si Potatooo. Hindi ko alam kung alam ba ng pusang to' ang mangyayare.

Nood nood lang kami ni Potatooo. Nakakainis! Bakit parang istorya ko ang sine-sine mo to' nila? Napipikon na ako huh? Tsaka ang pinagtataka ko, paano naman nila malalaman ang istorya ko ee, wala nga akong diary! Hello? Gandumb lang?

Billy: Makakasalubong niya nga si Mary at icocomplement ni Mary ang pustura ni Nep.

"So, yan pala yung nangyare? Mukhang tumugma yung sinabi mo sakin kagabi huh? Buti na lang tumingin ako ng sine mo to'". Anak ng tinapa nga naman! Joke ko lang yun kagabi na tumingin na lang siya sa showtime dahil yun ang istorya sa sine mo to. !

"ARRRRGGGHHH!! MAPAPATAY KITANG PUSA KA!! BAKIT MO PINAKITA ANG ISTORYA NG BUHAY KO SA BILYONG BILYONG TAO SA BUONG MUNDO HUH? SUMAGOT KA!!!"

"Hahahahahaha XD. Nagpapatawa ka naman ee, tayong dalawa lang ang nakakita nun. Duh? Gandumber!" Animoy susuntukin ko na sana siya ng biglang tumunog yung phone ko. Kinuha ko naman agad at yung reminder pala yun. T-teka lang?

"Hoy Gandumber! Remember, its Sunday. Whoooah! Minsan tingin tingin din sa kalendaryo pag may time huh?"

Agad naman nga akong tumingin sa kalendaryo.. Pakshet! Ako ba'y pinaglalaruan ng pusang to? Dali dali akong umakyat sa kwarto at hinila yung buntot ng pusang yun.

"OOOUUUCCCCHHHH!!! "

"Bunsit kang pusa ka!! Niloko mo ako! Pagkatapos ng lahat? Pinagmumukha mong tanga ako? "

"Sino ba itong OA kung makapag-react di ba ikaw?? Ewan ko sayo, labo mo din kausap ee." aba ang arte ng pusang to. Wala tuloy akong naisagot sakanya. Hinugasan ko na lang yung pinggang pinagkainan ko tapos sumisenti sa may balkonahe namin.

NP: Gorilla by: Bruno Mars

Sinasabayan ko na lang yung kanta ng biglang napahinto yung si Mary sa saktong bahay namin. Hawak hawak yung cellphone na tila yung mukha niya naiinis doon sa katext niya or whatever.

Maya pa, nagulat ako dahil sa sigaw niya kaya nabitawan ko tuloy yung cellphone ko.

"URGH! Owship! Ang cellphone ko." agad ko namang kinuha at inayos yung cellphone ko. Shet! Ayaw ma-open!!

"Uh- Nep? Ok ka lang?" nagliliyab na ang mga mata ko sa galit at tiningnan siya.

"Satingin mo ok lang ako huh?!!! Pagkatapos mo akong gulatin? Tatanungin mo ako kung ok lang ako? Alamo peste ka talaga sa buhay ko !!!"

"Hoy! Hindi ko kasalanan na magulat ka, tsaka bakit may sakit ka ba sa puso kaya kung makareact ka OA?"

"Wala akong sakit sa puso pero ang cellphone ko, nahulog at hindi na ma-open open! Ng dahil to sayo!!"

"Heeh! Kasalanan mo kung bakit nahulog yang cellphone mo. Wag mong isisisi  sa iba ang kasalanan mo!" aalis na sana siya kaso pinigilan ko.

"Hoy babaeng lumpo!! Ayusin mo tong cellphone ko. Wag mong ibabalik sakin kapag hindi pa maayos." inilagay ko sa palad niya yung cellphone ko at pumasok na ng bahay at isinara yung gate..

Habulin Mo Ako Babaeng Lumpo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon