HMBL -14

27 3 0
                                    

HMBL

-14-

Dominepth Penaflor's POV

Dagdag bad vibes talaga yung lumpong yun kahit kailan! Mabuti na lang at dumating si Marian atleast gumanda yung environment.. ikks! Tae, kinikilig ako ee. Shhh. Wag kayong maingay, baka malaman niyang crush ko siya at hindi na niya ako lapitan pa. 

"Tae laki' eto si Nepth!" Anong ginagawa ng masbate pips dito?

"huuh Nep, ayos ka lang laki'?" -Em

"Oo nga, grabe pagod na pagod kami kakahanap kung asan ka. Buti na lang at nakita ka ni Rod." -Rosie.

"Uh' Sino naman siya?" sabay turo kay Marian. 

"Marian?" kilala ni Rosie si Marian? Paano?

"Hi, Rosie and Em hahaha :D" Okay sabihin na nating Na-OOP ako. 

"Magkakilala kayo?"- tanong ko.

"Obvious naman siguro Nep nuh? Taga masbate din to' si Marian. By the way, kamusta na mama mo, okay na ba siya huh?" - Em

"Oo, okay okay naman din siya. Salamat sa concern niyo. Natouch naman ako at pumunta pa kayo dito." 

*Hampas sa ulo ko

"Aray ko Rosie!"

"Paano, text kami ng text ni di ka man lang magreply, kahit smartalert wala! Diyos ko laki'! Nep, ilang araw ka ng absent! Mageexam pa naman tayo bukas." 

"Nasira yung phone ko, eto nga kakabigay lang sakin ee, kasalanan to lahat ng babaeng lumpong yun!"

"Babaeng lumpo? Hindi kaya yun yung babaeng nakasalubong natin? Di ba Rod?" -Em

"Aba malay ko, tsaka paki ko naman dun' tss. Tara na nga uwi na tayo, okay na naman mama ni Nep ee." nakasalubong nila? Kahit kailan talagang babaeng yun.

"Kakarating lang natin alis agad? Edi sige mauna ka na!" 

Ilang oras din kaming nagusap usap, magsishift pala si Marian samin. Mabuti naman at palagi ko siyang makikita hahaha :D Actually, palabas na nga kami ng hospital. Syempre, monday na naman bukas at kailangan kong pumasok dahil may exam nga daw kami. 

"Bye Nep! Ingat! See you tomorrow." nagsibabaan na nga yung masbate pips. Ako, eto' nagsesenti sa loob ng jeep. Muntik ko na palang makalimutan yung phone ko..

Tiningnan ko agad yung phone ko. Mukhang maayos na nga at hindi naman niya hinalungat yung phone ko. Hindi pala ako nakapagThank you man lang sakanya. Wait, bakit ako magtithank you? ee, kasalanan niya naman kung bakit nasira phone ko ee. So why bother to make sorry sakanya.. Oooii english yun *Ron's Laugh

Pagdating ko nga sa bahay, pwerte yung pusa!Panood nood ng the voice! Sarap ng buhay huh?

"*clap- clap-clap* Wow! Sarap ng buhay natin huh? Habang kami andun sa hospital binabatayan ang mama at ikaw? Wow!"

"Naman. Atleast, malinis ang bahay. Tsaka nakapagluto na din ako kaya no worries ka na. Umalis ka nga diyan, magpeperform na si Jason Dy." peste talaga tong' pusang to kahit kailan! Ano kayang ininject ng Wen Nuyles sa pusang to at ganto kung kumilos..

Umakyat na lang ako sa taas at naligo.. Kinuha yung notes at nagreview review (Author: Nagrereview daw? Ikaw magreview? Hahaha  Weh? Di nga?) Wag kang epal Author, magsulat ka na lang diyan. Tseee!

URRRGGGHHH!!! Ba't ba hindi pumapasok sa utak ko itong notes ko!!! Haayy.. makalabas nga muna!

"O' saan ka pupunta?' -Potatooo

"Magpapahangin."

"Magpapahangin? Hindi ka pa ba satisfied sa hangin diyan sa ulo mo hahahahahaha :D"

Pesteng pusa to' hindi ko na lang pinatulan dahil wala ako sa mood makipagusap sakanya.

Mabuti na lang pala at bukas pa yung tindahin nila Aling Bebang.. tambay mode muna ako habang kumakain ng piattos. 

"Hoy! Babaeng lumpo!! Gabi na huh? Gagala gala ka pa!"

"Wag kang magaasume na magugustuhan kita? Haha! Porket nainlove to sayong si James pati ako maiinlove din sayo? Magising ka na sa katotohanan!! Hahaha!"

"Maganda ka naman, pero hindi ee' lumpo ka pa din."

Anong ingay yan? Hindi kaya si Mary yun?

"Pwede ba? Hindi ako lumpo? At para sabihin ko sainyo, tapos na kami ni James. Walang wala na kami! At ba't kayo nandito? huh?"

"Hindi mo ba alam ng dahil sayo kaya nagkakaganyan si James!! Nang dahil sayo!!" sigaw nung babae. Sino si James? Di ko gets.. Ayokong makialam pero yung mga paa ko, sinasabing puntahan ko si Mary.

"Ey, ey, ey.. Bakit niyo inaaway si MAry huh? May permisyo ba kayo para awayin siya huh?"

 

"At sino ka naman huh?"- tanong nung isang lalakeng amerikanong hilaw.

"Nep? Anong ginagawa mo? Please lang wag ka ng makialam pa."-Mary

"Ako lang naman ang boyfriend ni Mary, ano? May angal kayo? Bakit niyo inaaway ang GIRLFRIEND ko? Tsaka wag niyo siyang sinisisi kung bakit nagkakaganyan ang kaibigan niyong si James, kung sino man yan.. James, whatever na yan. Wag niyo ng guguluhin pa ang girlfriend ko.."

Habulin Mo Ako Babaeng Lumpo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon