HMBL 15

19 4 0
                                    

Umalis na yung mga asungot na umaaway kay Mary. Wala pala sila sakin ee. Bomba!

Nang makaalis na nga bigla akong tinulak ni Mary na para bang maiiyak siya sa sobrang galit sakin. Halata naman kasi sa boses at mga mata niya. 

"Anong palabas yun huh?"

"Di ba pwedeng thank you muna?"

"Why would I? Ee lalong ginawa mong complicated ang lahat."

"Ikaw na nga itong tinulungan tapos ikaw pa itong aarte arte? Kagandahan? Hoy para sabhin ko sayo, hindi ko kagustuhang maging girlfriend ka.. Tss.. "

"You know what? Just leave okay? Tsaka wag mo na akong lalapitan please. Edi ba nga ayaw mo sakin sana totohanin mo." pumasok na nga siya sa loob. Badtrip! Tae yan ba't ka ba kasi nakialam? Tama nga naman siya di ba? Kasalanan to ng pusang to ee.

02:44 am
Tae! Ba't di ako makatulog? Ang eyebags ko sobrang maga na. That girl. tss Huwag dapat siyang choosy, ang gwapo gwapo ko ee. Ano pa bang hahanapin niya? Nasa akin na ang lahat. (Biglang sumingit si potatoo sabay kanta ng ...Nasayo na ang lahat, -----. Pinigilan ko na. Alam ko naman na nasa akin na ang lahat.  Itutulog ko na nga lang to' masyado na ako nagooverthink. Haii. Kasalanan mo to' Mary!


Kinaumagahan, may exam nga kami, as usual, I'm late. Tulala ako habang nakayungko sa upuan ko habang yung mga kaklase ko busy'ng busy magreview. Nilapitan naman ako ni Rosie dahil siguro napansin niyang nakatulala ako.


"Nep! Ayos ka lang?" tanong niya. I just nod. Tapos balik sa pagreview ulit. Haii. Wala talagang pumapasok sa isip ko; kundi si Mary lang chos. HAHAHA. Yucks.


After Examination .....


"Shecks. Ang hirap nung exam, sana makapasa ako." -Ann

"Papasa yan. Kung hindi man, bawi na lang sa finals. Pero sana makapasa tayo huhu :'( " -Angelie. Tapos sabay hug nung dalawa. Halos ata lahat ng kaklase ko, complain ng complain na ang hirap hirap daw nung exam. Ako ba hindi niyo kakamustahin?

(Kamusta ang Exam Dominepth?)

Kailangan pa bang tanungin niyan?


WHUAAAAAHHHHH!!! TAE! Ang hirap ng Exam. Di ko kinaya. Nagmenstrate yung ilong ko sa sobrang hirap. Totoo ba? Nag-aral naman ako, pero ba't parang wala man lang ni isang lumabas doon sa exam. Nakakadiyahe talaga. Hiiiindi ko na kayaaaaa....


Palabas na nga kami ng university. Yung kitang kita sa mga mukha namin ang sobrang lungkot dahil nga sa exam. Nakakabwisit talaga kahit kailan. Sige nga sabihin niyo nga! Saan ba kami nag kulang? Ginawa ko naman ang lahat uh? Nag-aral naman ako, pero wala pa din. T__T


"Guys, saan kayo maglalunch?" pagtatanong ni Rolan.

"Sa daraga na lang. Sa EADCOOP." sagot naman ni Pam.

"Ano ba kayo guys, wag nga kayo madepressed dahil lang sa exam kanina. Tingnan mo nga ako, easy easy lang hahahahahaha." Julius. Tapos sabay sabay kaming tumingin sakanya na para bang nanggagaliti sa sobrang inis "Bakit?"

"Pisti ka! Alam naman na namin na hindi ka naman talaga nadidepressed dahil sanay ka na. Actually, lagi ka namang ganyan. Palibhasa, wala kang pakialam. Bye." sabay sabay na kaming sumakay ng jeep papuntang daraga campus.

Habulin Mo Ako Babaeng Lumpo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon