Chapter 12

2.3K 112 6
                                    

A/N: Sorry, maikli mga updates ko ha! Lablab ko naman kayo. Promote ko lang yung story nung friend ko dalawin niyo yung profile niya------->>> Chleinx. Tryyyyyy niyoooooo na dali lovelotssss.

Chapter 12:Banyo Queen

Araw ng linggo, maagang nagising si Alexis hindi para magduty o mag-exercise. Nagising siya dahil sa tawag ng kalikasan. Ilang beses na siyang nagpabalik-balik sa banyo dahil sa sama ng kaniyang tiyan. Nasisiguro niyang dahil ito sa dami ng kaniyang nakaing pansit na hinaluan niya ng ketchup.


Alexis's POV

"Bwiset ang sakit ng tiyan ko!"nagmamadali muling akong pumasok sa loob ng banyo. Sobrang sakit talaga ng tiyan ko.

Ilang minuto rin bago ako nakalabas ng banyo pero mabigat pa rin ang pakiramdam ng tiyan ko.

Ringggggg! Ringggggg!

Agad kong dinampot ang phone kong tumutunog na nakapatong sa ibabaw ng aking lamesa. Nakita ko ang isang nakarehistrong ngalan ang tumatawag sa akin.

"Oh! Bakit napatawag ka, Awa?"may pagkairita ang tono nang pananalita ko. Sobrang sakit kasi talaga ng tiyan ko.

"Inspector Valdemor may problema,"

"Ano nanamang kapalpakan ang nagawa mo ha?"mas mababakas pa sa tono ng pananalita ko ang inis.

Daldal lang nang daldal si Awa nang sumakit nanaman ang tiyan ko kaya nagmadali nanaman ako patungo sa banyo.

"Hindi ho ako! Actually hindi niyo na itatanong madami na akong mga achievements ngayon, baka mapalitan na kita sa pwesto niyo," maangas pang saad ng kausap.

Nag-init naman lalo ang ulo ng dalaga sa walang kwentang pinagsasabi ng kaniyang kausap.

"WALA AKONG PAKE HA! TUMAWAG KA LANG BA PARA DIYAN? BWISIT KA! LAGOT KA SAKIN KAPAG PUMUNTA AKO SA HEADQUARTERS ISTORBO KA TALAGA!" agad ko na ibinaba ang tawag at mabilis na tumakbo patungo sa banyo.

Ilang minuto ay lumabas na ulit ako ng banyo at medyo gumaan na ng konti ang pakiramdam ko.

"Woahhh! Success,"

Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang nagring nanaman ang phone ko. Hindi ko sana ito sasagutin ng makita ko ang pangalan ni Awa sa screen, kaya lang baka emergency ang itatawag niya.

"May problema talaga tayo Inspector,"mahahalata na rin sa tono nang pananalita nito ang pagkataranta.

"What happened?"nagseryoso na lang ako dahil baka life and death ang usapan dito.

"Yung nanay niyo po nanggugulo dito sa headquarters,"

"WHAT?"nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

"Sabi ko ho yung NANAY niyo po nanggugulo dito sa headquarters,"pinagdiinan pa nito ang salitang nanay.

"Oo na! Paulit-ulit ka naman!"binaba ko na ang linya.

Nagmadali na rin akong nagbihis para makapunta na agad sa headquarters. Nagsuot na lang ako ng maong na pantalon at simpleng white shirt.

Ano nanaman kayang pumasok sa isip ni mama at pumunta siya sa headquarters. Aishhhh!

Napailing na lang ako na maisip ko kung ano nanaman ang naiwang gulo ni mama sa headquarters.

---

Nang marating ko ang headquarters nagmadali akong pumasok dahil sa entrance pa lang ay narinig ko na ang boses ni mama.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now