Chapter 4

4.2K 217 54
                                    

Chapter 4:The Traitor

Lumipas ang ilang araw matapos ang nangyaring insidente sa hospita, hindi pa rin alam ng mga kapulisan kung sino ang nasa likod ng pamamaril at pagbato sa bintana ng kwarto ng ama ni Alexis. Buong lang siyang nagbantay sa kanyang mga magulang at kakalaunan ay nagising na right ang kanyang ina. Halos maluha pa ito nang makita ang panganay na anak na natutulog sa sofa.

Nang magising ang kanyang ina ay nagpalitan na sila sa pagbabantay sa kanyang ama. Minsan umuuwi rin siya sa kanyang apartment upang makakuha ng pamalit na damit. Dahil sa naganap na insidente sa hospital ay pinanatili muna siya ng kanilang Hepe upang magbantay sa paligid. Sa ilang araw na pananatili niya sa hospital ni minsan ay hindi dumalaw ang kanyang lolo na kanya namang ipinagtataka. Nalaman din ng kanyang kapatid ang nangyari kaya napasugod din ito sa hospital.

Marahas na bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa ang kanyang kapatid na nakasimangot. Napalingon naman ang dalaga sa pintuan ng silid at napairap.

“Ate, umuwi ka na ba?”pabagsak na umupo ito sa malapit na sofa.

“Kahapon pa---” hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin nang muling magsalita ang kanyang kapatid.

“Umuwi ka na!”seryosong-seryosong saad nito. Napanganga na lang ang dalaga sa kapatid at nang makabawi ay marahas siyang tumayo sa kanyang kinauupuan.

“Aishhhh! Grabe ka na! Inaano ba kita ha?”pinanlakihan niya ito ng mata.

“Isip bata! Magpahinga ka nga muna, baka magkasakit ka pa! Ako muna ang bahala dito!”seryoso pa ring saad nito na ikinangiti na lang ng dalaga.

Hindi man sila laging magkasundo at magkitang magkapatid, hindi mawawala ang pag-aalala nila sa isa't-isa. Nakangiti niyang nilapitan ang kapatid at ginawaran ng mahigpit na yakap.

“Ate!”may pagbabanta sa tono ng pananalita ng binata.

“I miss you, bro!”mas lumapad pa ang ngiti ng dalaga nang maramdaman niya rin ang pagyakap sa kanya ng kapatid.

Napawi naman ang mga ngiti sa labi ng dalaga nang maalala niya ang natanggap na sulat. Wala siyang pinagsabihan tungkol dito dahil gusto niyang siya ang makaaalam kung sino ang nasa likod nito. Hindi siya nakakasiguro kung ang mga nakapaligid sa kanya ay kalaban ba o kakampi. Bumitaw na siya sa kanilang yakap at tinapik sa braso ang kapatid.

“Ikaw na bahala dito,” nilapitan niya ang ama at hinalikan ito sa noo. Kinuha ang kaniyang bag at isinukbit sa kanyang likuran.

Simula nang matanggap niya ang sulat ay hindi niya na maiwasan ang maging paranoid. Pagkarating niya sa kanyang tinutuluyan ay umupo siya at tinitigan ang natanggap na sulat.

Makikilala rin kita!”

Ilang oras ang nakalipas nang umalis ang dalaga sa hospital ay nagising na ang kanyang ama at agad naman siyang inabisuhan ng kapatid. Ibinalita niya rin sa Hepe ang magandang balita. Inabisuhan na rin siya ng Hepe na mag-uumpisa na siya sa kanyang misyon sa darating na lunes. Hindi tuloy siya matahimik sa kakaisip sa mangyayari sa kanyang gagawing misyon.

“Alexis paki abot naman ng isang mansanas” utos ng kanyang ama.

Basta inabot niya na lang ang mga prutas sa lamesa ni hindi niya na nagawang tignan kung tama ba ang prutas na nakuha. Inabot niya ito sa ama at patuloy lang sa kanyang pag-iisip. Sa lalim kanyang iniisip hindi na
napansin ng dalaga na ang prutas na ibinigay sa ama ay hindi mansanas.

“Ehemm, bakit parang lutang ata ang prinsesa ko?”nagbalik lang ang dalaga aa realidad ng muling magsalita ang kanyang ama.

“Ano pa po kailangan niyo pa?May masakit ba ?”natataranta niya naman itong inasikaso.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now