Chapter 12

72 5 4
                                    

IAMECKAHMAE'S note: Finally! Nakapag update din Pasensya na kayo kung natagal ako sa pag update ha? Sobrang busy sa work. Kung pwede lang na magsulat na lang ako at 'wag ng mag trabaho ginawa ko na. Pero kailangan mag-ipon para sa kinabukasan. Haha. Kindly Vote and Comment after reading :)) Thanks! Next update? Probably next week Kapag maluwag baka sa Friday night Ang daldal ko. Haha. Sorry na.





CHAPTER TWELVE

RAPHAEL'S POV

"Omg! Hindi nga bestie?!" Kahit kailan talaga 'tong si Gaile maingay -_-" Pero nasasanay nadin naman ako. Syempre, kailangan ko ng masanay para kapag sinagot ko siya, este sinagot niya ako. Sanay na sanay na ako. Haha! Assuming ako masyado, ni hindi ko pa nga siya nililigawan. Pero alam ko naman na sasagutin ako nun. Mahal kaya ako nun. Hoho..



"Puntahan ko lang si Danna, I-good luck ko lang. Huwag kang sasama and please, don't talk to strangers." Gaile smiled and nodded. Takte, baka mahalata niyang concern ako. Baka, malaman niyang may nararamdaman na ako sa kanya. Parang hindi ko pa kayang umamin. Ngayon lang ako na torpe ng ganito. Tsk. Ngayon kasi 'yung gig nila Danna dito sa Doline's. Naglakad na ako papunta sa dressing room kung saan nandon si Danna.



"Himala, naka bukas 'yung pinto." Mukang ready na si Danna ah. "Danna... Good luck mamay-... What the?!!" Si...si.. Danna.. Yakap-yakap si Benson. Napaalis siya sa yakap at napatingin kung nasaan ako nakatayo.

"Look, it's not what you think, kaya ko siya niyakap kasi nag Thank you ako sa kanya dahil pumayag siya mag-sub kay Ser-Ser and-"

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin pa no Danna "Bakit ka nag eexplain? Okay lang naman. Nagulat lang ako." Haha. Sinungaling. Nasaktan ka pa rin kahit konti Carsenas. Don't get me wrong. Walang pang 2 months mula nung nag break kami. May sakit padin siguro mga 3 out 10. Lumapit si Danna at niyakap ako.

"Thank you Raph ha?"

"For what Danna?"

"Sa pag-good luck sakin" Tapos umalis na siya sa hug pero nakangitin padin siya sakin at nagsalita ulit siya... "kasi wala si Ser-Ser eh, kaya kailangan ko 'yan.. Haha"

"Ahh.. O siya galingan mo ha??" She nodded.

Tinignan ko si Benson, halatang nag seselos.. Haha.. Wag siyang mag-alala wala na akong balak na bumalik kay Danna dahil alam kong hindi kami para sa isa't isa.

Lumabas na ako at pinuntahan ko na si...

"Teka, asan 'yun?!!" Iniwan ko lang siya saglit. Sabi ng 'wag aalis eh.. Nasaan na kaya 'yun?!!

"Thank you miss, pasensya ka na talaga." I turned and saw Gaile... At nakangiti pa! darn. Kakasabi ko lang. Aish! Lumapit ako kay Gaile at hinawakan ko siya sa braso.



"Ah sige, eto na pala 'yung kasama ko. Next time, wag kang magtitiwala agad. Baka kasi sa susunod, hindi lang yun aabutin mo.

"Aba, nagsalita ang sumama agad sa hindi kilala '' Nag nod 'yung lalake tapos umalis...



"Where have you been Gaile? Kabilin-bilinan ko na 'wag kang makikipag-usap sa hindi mo kilala. At hindi lang 'yun.. Sumama ka pa! Paano kung napahamak ka?!!"



"Chill lang boss. Wala namang nangyari sakin. May nakita ka bang galos o kahit dumi sa damit ko? Wala naman diba? Nung hinihintay kita, yung lalakeng kausap ko kanina, muntik ng ma snatch yung gamit niya. May kumakausap sa kanya, tapos may kumukuha sa kabila. Tinawagan ko 'yung guard kaya na prevent. Hindi naman nakita nung mga magnanakaw na ako yung tumawag. Nung kinuha na nga mga pulis na naka post sa labas. Pinakilala ako nung guard. Tapos ayun. Nag thank you siya at dumating ka na." Gail said.



You're the Only One for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon