Chapter 7

142 4 3
                                    

RAPHAEL'S POV

"Iba talaga sa personal ang Seoul bestie noh?" Xii said while taking pictures, kahit ata poste kinukuhanan ni Xii eh.

"Oo nga eh, bakit naman kasi ngayon lang tayo napayagan dito, tapos kung mag out of the country naman lagi sa Japan, Europe o kaya sa States.." Gaile said, ang pagkakaalam ko kasi, gusto ng Mom ni Gaile na pag pumunta ng Seoul si Gaile 'yung tipong sabik ba sabik na. xD Wierd nga eh.. Haha! Kung tutuusin nga ang lapit lang nito sa Pilipinas eto pa hindi nila napupuntahan. Sabagay kapag kasi lagi o madalas ka sa isang lugar mawawala nadin yung excitement mo...

"Oy Raph tulaley ka na naman dyan.. Ano I mean Sino ba iniisip mo?"

"Wala, naalala ko lang 'yung kanina.." Tapos biglang sumimangot si Gaile at namula xD Wahaha!

Eh kasi naman, hindi pala nila naintindihan ni Xii na mauuna na kami sa labas para malagay na namin sa van nung Travel Agency na nag-ayos ng tour namin dito sa Seoul. Nag cr kasi sila para daw 'mag-retouch' Psh. Ewan ko ba. Tapos kalahating oras na kaming nag-hihintay ni Fraiser sa labas pero wala parin sila, kaya pinuntahan namin sila, pero bago pa kami makapasok sa loob ng airport, narinig ko ang pagHAGULGOL ni GAILE habang nakaupo sa bench habang si Xii naman pinapakalma lang siya...

Grabe! Epic! Hahaha! Akala nila iniwan na namin sila, at kaya sila umiiyak kasi wala silang ibang dala kundi yung pouch nilang puro abubot ang laman at yung cellphone pati pera nila hawak namin ni Fraiser xD

"Pwede ba? 'Wag mo ng ipaalala?!!! NakakaBV ka -_-"

"Oo na. -_-" Sumakay na ako sa van. Uupo na lang ako dito kesa naman maramdaman ko ang hagupit ni Gaile.. Masakit ding manghampas yun. -_-"



After ilang minutes, sumakay na din sila at nagpunta na kami sa hotel para mag check in. Finally, makakapag catnap na din.. Kanina pa ako inaantok..

Habang nasa byahe kami...
"Fraiser, pwede ba tayong pumuntang Myeongdong mall mamaya?"

Huh? si Fraiser niyaya niya? Bakit hindi si Gaile?

"Oo naman, tanungin mo si Alyssa kung papayag siya. Baka kasi makaistorbo ako sa inyo."

"Naku, okay lang... Sumama ka na samin.."

Ahh.. Akala ko naman iiwan nila sakin sakin si Gaile, eh baka awayin lang ako nun.. Hah! Akala nila tulog ako, pagdating kasi nila kakapikit ko lang, akala ko kasi mag tatagal pa sila eh.

"Isama natin si Raphael, para naman hindi ako ma out of place"

Nak ng! Nakapikit ako dito, dadamay pa ako! Utang na loob 'wag kang um-oo Gaile, kasi hindi ko alam kung makakatanggi ba ako..

"Sige, ako na bahala kumausap kay Raph. Tsk. Kahit na binu-bully niya ako. Isama na natin 'yan. Sayang naman ang pag presenta niya sa sarili niya na sumama dito kung hindi niya ma-eenjoy ang Korea."

Aba't! Naku ka Gaile. Humanda ka sakin mamaya.


"Andito na po tayo." Sabi nung isang Tourist Guide, buti na lang Filipino ang kinuha nila. Kundi nose bleed ako nito.


Pagkababa namin sa van, pumasok na kami sa hotel at nag check in.. Maganda yung hotel na napili ng agency for us. Unlike any other agency na masabi lang na may hotel.. Eto talaga maganda at may class..

Nasa elevator kami ng may tumawag kay Gaile..

"Waaaa!!!"

-_- Sino naman yun at wagas maka-tilin'tong si Gaile..

Dali-daling sinagot ni Gaile 'yung phone..

"Carloooooo!!!!!"


Ewan ko, hindi ko alam pero may hindi ako tamang naramdaman nung narinig ko na lalaki yung tumawag kay Gaile..


"Ano???"


"......"



"Waaaa!!!! Sige!! Sige!!! Bye!!! Love you too"

Darn it! Ano ba nangyayari dito? -_-" Sino ba 'yon?!!! Bakit ganito nararamdaman ko? 'I love you too' tapos sasabihin niya sakin may gusto siya sakin?!!!


Pagdating namin sa 7th floor, kung saan yung napiling room Xii, lumapit sakin si Gaile,

"Raph~ Sama ka samin sa mall mamaya ha?"

"Sige. Mamaya na lang." Tapos pumasok na ko sa kwarto kung saan kamasa ko si Fraiser, sa katabing kwarto naman sila Gaile.

Nilapag ko na 'yung mga gamit ko at humiga ako sa sofa bed sa sala.

"Bakit ata ang init ng ulo mo ha Raphael?" Sabi ni Fraiser habang may kinukuha sa bag niya.

"Gusto ko lang matulog."

"Yun lang ba? Oh nag seselos ka sa Carlo na 'yun?"

I was caught off guard when I heard the word 'jealous'. Hindi ko alam kung 'yun nga ba ang nararamdaman ko, o baka sadyang pagod lamang ako.

"I'm just tired. Gisingin mo na lang ako kapag aalis na tayo."


Fraiser heaved a sigh "Whatever you say Raphael. Ang akin lang, lalo mong tinatago, mas makikita. Alam mo sa sarili mo na hindi ka pa nakaka move on kay Dan-Dan, pero hindi mo maikakailala na nahuhulog ka na kay Alyssa."

Ganun nga ba talaga?



---

Pinat ni Fraiser ang braso ko, "Mag ayos ka na, maya-maya lang aalis na tayo." Tumayo ako at kumuha ng damit, at nagpunta na ako sa banyo.

Pagkalabas ko ng banyo, narinig ko na kay ka video call si Fraiser.

"Ayaw mo pang sabihin kung nasaan ka eh! Kahit sila tita ayaw magsabi. Secret daw!" My heart skipped a beat when I heard Danna's voice. Bigla akong nakaramdam ng saya nung narinig ko 'yung boses niya. Pero, aaminin ko, hindi na katulad ng nakakaraan na kulang na lang mamula na ako, text pa lang niya. I guess, Fraiser is right, hindi pa nga ako nakaka move on ng tuluyan. Pero alam ko sa sarili ko, na hindi na ako ganun kaapektado kay Danna.


"Sige na, I'll call you later, may gagawin pa ako. Basta mag enjoy lang kayo diyan. Huwag magpagod ha? Take care Dan-Dan."


"Sige na, hmp. Bye Ser-Ser ^_^ Try kong makatawag ulit pag uwi namin ni Clarence."

"Sure, bye." Inend na ni Fraiser 'yung phone.


"Kamusta naman si Danna?" Sabi ko kay na Fraiser habang inaayos ko yung wallet ko.

"Okay naman. Mukang nag eenjoy naman 'yun. Ano tara na? Baka naiinip na sila Irvaine."  Kinuha na ni Fraiser yung key card at pumunta na kami kila Gaile.

Fraiser was about to knock pero bumukas na 'yung pinto. Lakas talaga ng radar ng mag best friend na 'to.

"We're ready!!" Xii said while looking at Fraiser. Muka atang out of place kami ni Gaile.


Since malapit lang naman ata 'yung mall na pupuntahan namin, naglakad na lang kami papunta sa mall, may map naman si Xii at Gaile kaya walang problema.

Habang naglalakad kammi papunta sa mall, sumabay sakin sa paglalakad si Gaile kasi 'yung love birds, ang bagal magsilakad.

"Oy Raph. May problema ka ba?" May kung ano akong naramdaman na parang kumiliti sa tenga ko ng marinig ko ang boses ni Gaile. Ano ba 'to?


"Wala, napagod lang ako. Antok na antok kasi ako eh. "


"Sure ka? Parang hindi naman eh!"

"Edi 'wag kang maniwala."


"Red alert ba? Sungit mo."


"Eh ayaw mong manilwala eh."


"Sorry na, naniniwala na."


"Andito na tayo!!" Xii said while taking pictures of the mall. As far as I know, isa daw 'to sa class na mall dito sa Seoul, hindi ko lang sure. Medyo kakaiba sa mga malls sa Pilipinas, pero I must say na mas malinis at hindi gaanong polluted ang Seoul.

"Ano nga ba ulit ang pangalan ng mall na 'to Irvaine?" Fraiser asked


"Myeongdong mall."


"Ahh, hindi ko pa din gets. Tara na nga, pumasok na tayo sa loob."


Pagpasok namin sa loob ng mall, napansin ko na parang hindi mapakali si Gaile, tatanungin ko na sana siya, kaso biglang....


"Carlooooo!!!!!" At bigla niyang niyakap 'yung lalaking nasa harapan namin. At kasabay nun, naramdaman ko na may kung anong tumusok sakin ng makita ko na niyakap din siya nung Carlo sabay sabing...


"I've missed you Alyssa."


------

A/N: There you go! :) Sorry kung ngayon lang nakapag update >.< Nag aadjust lang po sa work.. Promise, dadalasan ko po update pag pwede :) Either once a week or every other week :)

Don't forget to VOTE and leave a COMMENT :)

Kindly read my mars' story In sickness and In health 'Til death do us Part (book 1) 'Til death do us part  by iAlwayswill :)

Sana po 'wag kayong magsawang sumuporta sa story ko :) Salamat sa naghintay :)




You're the Only One for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon