You're the Only One for Me

2.3K 23 19
                                    

PROLOGUE

Lahat ng tao nagmamahal, pero hindi lahat ng pagmamahal nakukuha ayon sa kagustuhan natin. Minsan para makuha mo ang pagmamahal ng isang tao, kailangan mo pa ng "effort" para makuha mo ang pagmamahal niya, na kahit hindi na tama 'yung pinapagawa niya, gagawin mo parin mapasayo lang ang puso niya.

Been there, done that. Nagmahal lang naman ako, kaya lang sa maling babae. Inutusan niya ako na pa-ibigin ang babaeng kinaiinisan niya, at kapag nagawa ko daw 'yun magiging kami na daw.. Ako naman 'tong si 'tanga' sumunod sa kagustuhan niya. Kaya lang gaya ng ibang istorya, nahulog ako sa babaeng dapat sasaktan ko, bukod siya ang 1st girlfriend ko, sa kanya lang ako nagmahal ng ganito. Okay na sana kami, kaya lang umiral ang pagiging seloso ko at takot akong maagaw siya sakin ng iba. Siguro, dahil nadin sa ginawa ko. Kaya napadalas ang pag-aaway namin. Aaminin ko, sa ginagawa ko sa kanyang pananakit emotionally, hindi ko na kilala 'yung sarili ko. Kaya napagdesisyunan ko na, makipag-hiwalay na lang sa kanya.. Masakit man para sa akin, pero kailangan kasi alam kong hindi ako ang nararapat sa kanya. 

Hindi kabawasan sa isang lalake na pakawalan ang babaeng alam niyang hindi na masaya sa piling niya. Sa totoo nga, hanga pa ako sa lalakeng marunong kumilala ng pagkakamali niya at pagsisihan ito. Naiisip ko nga minsan, "Paano kung," "Sana pala," "Kung maibabalik ko lang."

Pero para saan pa ang mga salitang 'yan kung nangyari na ang hindi dapat mangyari?

Nasaktan ko na siya, iniwan ko na siya.

May magmamahal pa kaya sakin? 

Masyado ng maraming nangyari, pero umaasa parin ako na, makikilala ko ang babaeng para sa akin. At masasabi ko na "YOU'RE THE ONLY ONE FOR ME"

----------------

IAMECKAHMAE'S NOTE: Hello :) Sorry kung lumipas ang 4 WEEKS na hindi ako nakapag-Watty.. Busy po kasi ako sa OJT, ngayon lang po ulit ako nagka-time ayusin 'yung prologue.. Sa mga naghintay ng STORY ni GaileRaph and FraiserXyla.. FINALLY!! This is it guys :)

CREDITS :) THANK YOU SO MUCH BFF RYAN SA COVER :D xD

Pipilitin ko po na once a week, mag update :) Para sainyo.. 

Sa mga readers po na bago at hindi pa po nababasa ang WAITING FOR ME, nirerecommend ko po na pakibasa muna po 'yun. Doon po nagsimula ang lahat.. Thanks po ^_^

Chapter 1 will be posted this week :) Kaya hintay-hintay lang po tayo.. 'Yung magiging setting po ng story ay magsisimula sa break up ng DanRaph.. 

Namiss ko kayo ^___^

By the way, sa mga hindi pa po nakakapag-comment sa WFM, comment po kayo kahit sa Epilogue :) Thanks

COMMENT AND VOTE <3 <3 <3

You're the Only One for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon