Royal 58 (Infinity Palace)

1.7K 51 3
                                    

Pag labas ko nang Portal ay napaka laking gate agad ang bumungad sakin

Isang gate na gawa sa ginto at crystal

"Pakitikom nang bibig Aya baka pasukan nang faries haha"

Napalingon ako sa taong nag salita,

"Flare!"

"Miss you Rissa!" Sabi niya sabay akbay sakin

Saka ko lang napansin ang paligid

Ang mga puno at bulaklak ay gawa sa iba't ibang klase nang gems

Tiningnan ko ang lupa

Makinang ito na parang may pira piraso nang mga dyamante ang nakakalat dito

"Aya"  pag lingon ko

"Inna!" Nakangiting sabi ko

Pakiramdam ko tuloy parang tumitingin lang ako sa salamin nag iba nga lang ang kulay nang buhok at mga mata ko

May napansin rin ako sa likod niya kaya tiningnan ko kung sino yun

Nagulat ako nang makita ko siya

Yung babeng sumugod sa academia (Royal 23 and 54)

"I'm Lyn isa rin ako sa mga naging bunga nang eksperimento" sabi niya

Bunga rin siya

Alam na kaya nila to?

"Haha alam na nila nung oras kasi na nawalan ka nang malay ay kinausap nila ko"  sabi niya ulit

Ahh

'Booghss'

Dahil sa narinig kong kalabog ay napa tingin ako sa likudan ko

Si Flare naka upong dag-an kay Red habang sinasabunutan ito

"Nang dahil sayo muntik nang masunog ang buhok ko! Epal ka!" Galit na galit na sigaw ni Flare kay Red habang patuloy na sinasabunutan ito

Nang nigla na lang lumutang si Flare at inilayo kay Red

"Thanks bro" narinig ko namang sabi ni Red habang naka hawak sa kanang balikat ni Gaze

"G@g* ka kasi!" Sagot naman nito

Napailing na lang ako habang naka ngiti

"Aya,"

"Hmm?" Paglingon ko nabigla na lang ako nang may inilagay na kung ano si Aira sa mukha ko--- isang eye patch

"Here" sabay abot niya sakin nang isang salaming gawa sa ginto na napapalibutan nang iba't ibang palamuti

Pag tingin ko natatakpan na nang eye patch ang kulay pulang mata ko na nasa kaliwa

"Para Hindi na masyadong kakaiba-- nakaka panibago kasi ikaw palang ang merong mag kaibang kulay nang mga mata" sabi ni Sitely kaya napatingin ako sa kanya

"Si Yuno ang gumawa niyan" naka ngiti namang sabi ni Nicka

"Thank you" nakangiti rin namang sabi ko kay Yuno

"N-nakaiirita kasi ang kulay nang mga mata mo tss" sagot niya sabay irap sakin

"Nahihiya lang yan, parte daw kasi yan nang apology niya sayo nung naging rude siya nung firsts meeting niyo eh hahaha"'sabi naman ni Yuri

"Pano mo nalaman ang tungkol don?" Takang tanong ko

"Ako pa ba? Parang di mo ko kilala ah!" Naka pout na sagot naman niya kaya natawa na lang ako

Pero na patigil rin kami sa pag uusap usap nang bumukas na ang napaka gandang gate na nasa harapan namin

"Oyy pasama ako aa inyo!!" Nangibabaw naman ang napaka lakas na boses ni Flare na siyang bumasag sa katahimikan at sabay sabay kaming napalingon kung nasan siya

"Epal na Red yun! Muntik nang masunog ang buhok ko nang dahil sa kanya! Sinamahan pa ni Gaze kaasar talaga!" Nag mamartsang sabi nito habang naka nguso ang mga labi pag kalapit samin

Matatawa na sana kami kung hindi lang dumating ang isang babae na may hawak na espada at korona sa ulo

Kapansin pansin rin ang napaka ganda niyang kulay rosas na mga mata na kumikinang pa na parang isang crystal

Idagdag mo rin ang mahaba at medyo kulot nitong kulay apoy na buhok

Nnapansin ko rin ang suot suot niyang kwintas

Hugis tatsulok ito at may hugis na bilog sa gitna nito (Harry Potter: Deathly Hallow)

Maganda ang mga mata niya pero wala akong mabasang kahit na anong emosyon

Napansin ko naman na karamihan samin ay nakayuko

"Prinsesa Ayesha" sambit nang isa saamin kaya napatingin ulit ako sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan namin

Yuyuko na sana ako nang mapansin kong nag katinginan sina Lyn at Inna at sabay na lumingon kay Sharp na ngayon ay nakatingin nang seryoso sa Prinsesa na para bang meron itong hinahanap na kung ano

Yumuko na lang ako nang tuluyan simbolo nang pag galang

Napatingin ulit ako sa paligid ko at nakitang iniaangat na nila ang kanilang mga ulo

Kaya itinunghay ko na rin ang akin

Nang may isa pang babae ang dumating medyo may katandaan na rin ito at meron itong hawak na scroll

Nag bow muna ito sa prinsesa bago humarap saamin

"Welcome students, Princes and Princesses the King and Queen is now waiting in the throne room, please follow me" sabi niya at saka tumalikod samin at nag simula nang mag lakad

Napatingin ako sa iba at nakitang nag sisimula na silang maglakad kaya patakbong sumunod na rin ako

Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now