Royal 46 (Blessing is a Curse and Curse is a blessing)

2.1K 63 2
                                    

@user30165091

Dedicated to para sayo hehe

Parehas kasi tayong favorite ang Harry Potter eh

So enjoy!

#PotterHeads 😉😉


Aya Clarissa Maely Mae Mizukita' POV

Awww.... ang sakit tumingin ako sa itaas kung saan ako nanggaling

Ang taas! Inilibot ko pa ang paningin ko sa buong lugar

Ang dilim pero hindi gaano medyo dim light lang

"Hello?" Tawag ko, nagulat rin ako dahil bumalik na sa dati ang boses ko, pinakiramdaman ko pa abg katawan ko at yess! Naigagalaw ko na nang malaya ang katawan ko

Okay back tayo sa situation ko

Nag lakad lakad pa ako dahil mataas pa naman yata ang araw dahil dim light pa rin dito sa ilalim kung na san ako

Kanina kasi habang umiinom kami ng tsaa ng prinsipe bigla nalang akong nahulog sa kung saan na para bang bigla na lang bumuka ang lupang kinatatayuan ko

Ganun!

Ang tanong ko nga lang eh pano ko makakaalis sa lugar na to

Ni hindi ko pa nga alam kung anong kapangyarihan ko eh!

Huhuhu natatakot na ko

Ano kayang gagawin ko kapag kumagat na ang dilim? Huhuhu---

"Ouch!" Sambit ko sabay sapo sa noo ko

Ano bayan sa lalim ng iniisip ko diko alam na nabangga na pala ako sa ...... ummmmhhh?

Tao?

"Kyaaaaaaahhhhhhh!!!!!" Sigaw ko saka akmang tatakbo ng may himikit sa braso ko at iniharap sa kanya

"Tsk." Eh?

"Shappy?"

"Don't call me Shappy tss" ayy! Cold ulet? Hehe

"Acee!" Akmang yayakapin ko siya nang hinawakan niya ang ulo ko at saka inilayo sa kanya

"Tss" nag hiss nanaman may lahi ba tong ahas?

"Whats that?" Biglaang tanong niya medyo nakikita ko pa siya dahil nga dim lang ang nakikita ko

Tiningnan ko kung saan siya nakatingin at dun ko lang napansin na umiilaw pala yung blue crystal pendant ko

Wala namang masama kung ilalabas ko to at isa pa dadalawa lang naman kami eh

Inabas ko yung pendant at saka tinitigan,napatingin naman ako kay Ace at nakita ko ang nanlalaking mga mata at gulat na nakarehistro sa kanyang masungit pero gwapong mukha niya

"I-Iya?" Tanong niya at saka tumingin sa mga mata ko

Iya?

Bigla na lang nag init ang pakiramdam ko na para bang sinusunog ang buong katawan ko

Napansin ko ang unti unting pag liwanag ng paligid at dun ko pa napag masdan ang pag-iiba ng kulay nung pendant mula sa pagiging makintab na asul nito ay unti-unti itong nagiging itim

"Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!" Napasigaw na lang ako sa sobrang init na nararamdaman ko

Naiiyak na ko ang init!

"Fuck Aya!"narinig kong nataarantang sabi ni Ace

Maya maya lang ay may naramdaman naman akong malamig na bagay sa kaliwang bahagi ng katawan ko kung nasan ang pendant na ibinigay ni Mama sakin nuon

Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now