Royal 35

3.3K 100 0
                                    

Aya's Pov

Nahihilo parin ako hanggang ngayon dahil sa nangyari kanina

*Flashback*

Paunta na sana ako sa cafetereia nang may narinig akong taong kumakanta sa may garden sa likod ntong academy hindi ko alam kung pano ko yun naririnig basta pamilyar sakin yung boses niya

Hindi ko narin namalayang nakarating narin ako sa garden, nasa gitna ako nang garden nakatayo mag isa, pero kahit mag isa ako naririnig ko parin yung tinig nung taong yun

Lalaki ang boses niya at pamilyar talaga sakin, pamilyar na pamilyar...

Umupo ako sa gitna ng garden at saka pumikit at pinaringgan pa yung kanta

Hindi ko maintindihan yung words pero damang dama ko at parang naiintindhan ko yung kanta at sa tono ng boses niya , ang lungkot sobrang lungkot ng boses niya

At parang yung kinakanta niya ay para sa kapatid niya yun ang sinasabi ng instincts ko eh

Parang sinasabi sa kanta na gusto, gustong gusto niyang hawakan at yakapin ang kapatid niya parang miss na miss na niya

Ganun yung dating sakin ng kanta, parang nangungulila siya sa kapatid niya

Habang nakapikit ako tumigil sa pagkanta yung boses ng lalaki at saka ako may narinig na pag sabog pag mulat ko wala na akong makita kundi usok, sobrang usok

Hanggang sa may nakita akong silhouette , silhouette ng isang lalaki,

Naramdaman ko na lang na may parang tubig na pala sa pisngi ko, nang hawakan ko yun doon ko napagtanto na luha pala yon na kumawala na sa mata ko

Naramdaman ko na lang ulit na may humawak sa ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko, pag angat ko ng ulo ko nakita ko yung lalaki na nakaluhod nang parang isang knight pero hindi ko parin makita yung mukha niya dahil sa spbrang kapal ng usok, pero ramdam ko rin na naka ngiti siya at nakatingin sakin

Biglang dumilim ang paligid pero nandon parin siya at nakaharap sakin pero blurd na ang mukha niya

Hanggang sa unti unti siyang nawala at napalitan ng isang scene kaya ngayon para na akong nanonood ng isang movie ah mali dalawang movie sa isang sinehan

Dalawang magandang babae mag kamukha sila pero mag kaiba ang kulay ng buhok pero mag kakulay ang mata

Yung isa si Queen Yzan yung ina ni Iya nakita ko na siya isa sa mga potrait ng academies museum

meron siyang asul na buhok at mata samantalang yung kamukha naman niya at merong light blond na buhok at malacrystal na kulay ng mata

Mag kamukha talaga sila parehas rin silang may hineheleng bata magkamukha rin

Sigurado akong si Iya ang hineheleng bata ni Queen Yzan

Nabago nanaman ang scene at malaki na ang dalawang batang babae

Sa tingin ko dalawa o tatlong taon na sila

"Shan"tawag ng isang lalaki dun sa ikalawang babae

"Iya"tawag naman ng isang babae sa scene ni Iya

Sabay na tinawag ang dalawa at saka nawala ang scene

Hindi ko na rin namanlayan na tulong tulo na rin pala yung mga luha galing sa mga mata ko

Then black out

*End of Flashback*

"Mabuti naman at gising kana, masyado kang paimportante"--sabay irap sakin ni Yuno

"S-sorr--"bago ko pa matapos ang pag sosorry ko inunahan na ako ni Aira

"Oh Shutup bitch!"

"Oh you shutup!"segunada naman ni Yuno

"Tsk! wag na nga lang makipag-usap sa linta, baka ako pa masipsip eh tsk!"pag paparinig naman ni Aira

"Yeah right"sabat ni Sitely

"Guys, guys enough, baka dumating na sila cap eh nag aaway pa kayo"pag papatigil naman ni Flare

"tss"--Aira at Sitely

"okay ka na ba?" napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na yon at nakita ko ang nag aalalang mukha ni Nicka

"ayos lang ako hehehe" sagot ko saka ngumiti

"ano bang nangyari sayo Rissa?"tanong ni Flare

"umm...."wala ako maisip na sagot yari ako neto

"Cap,"biglang usal ni Flare kaya napatingin muna ako sa kanya saka ako tumingin sa tinitingnan niya at don ko nakita sila cap at ang ibang prinsipe, pero nanatiling na kay cap ang paningin ko

"Bumalik kana---ibalik mo na siya"

Isang boses ng babae ang narinig ko kaya naman napatingin ako sa paligid

"May problema ba?"tanong ni Nicka pero umiling lang ako at sinabing "ayos lang ako ^__^"

Nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan hanggang sa kumagat na ang dilim at saka sila nag sialisan hinatid na rin nila ako dito sa dorm ko

Hanggang ngayon wala parin akong kasama dito sa dorm hayyy

"Umalis kana at ibalik mo siya"eto nanaman yung boses

"Mamatay ka lang, umalis kana!"unti unti akong napahawak sa sintido ko dahil unti unti na itong sumasakit

"Ibalik mo siya! buhayin mo siya!"

"Magkaiba kayo kaya ibalik mo siya!"

"Hindi ka niya makikita bilang si Iya dahil mag kaiba kayo!"

"Kaya please ibalik mo siya"

"At isa pa bumalik kana sa inyo, hindi ka namin kailangan dito!"

"Wag kang aalis tulungan mo kami"panibagong boses naman ng lalaki ang narinig ko

"Wag kang aalis, wag kang maniwala sakanya"sabi pa niya

♥♥♥♥♥♥♥♥♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♥♥♥♥♥♥♥♥
Here's the chapter 35

ipapakilala ko muna dito yung parents ni Sharppy hehe (Sharp Hunter)

Ace Hunter Venom (Sharp Hunter)
King Lucifer Venom
Queen Zaina Light Venom

★★★★★★★★★★★★☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆★★★★★★★★★★★

Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now