Chapter 22

10.6K 142 2
                                    

Erika's POV

"Rika, uuwi na ako. Matulog ka na.." Nilingon ko naman si Heaven ng magsalita siya sa likod ko. Maghahating gabi na kase at andito padin ako sa sala, inaantay si David.

"Sige magiingat ka..."

"Matulog ka na. Baka mamaya pa yon makauwi si David." Sabi niya saken at lumapit.

"Di talaga ako mapakali eh." I sighs

Hinawakan niya naman balikat ko. "Rika, wala ka naman dapat ipag alala. Magtiwala ka nalang sa asawa mo."

"Sige na, Heaven. Maya maya matutulog nadin ako. Ingat ka sa biyahe." Tumango lang siya at nakipag beso.

"Tulog na ha." Mejo natawa pa ako sa sinabi niya pero tumango lang naman ako bago siya lumabas ng bahay.

Antagal naman ni David. Akala ko ba maguusap lang sila pero bakit hanggang ngayon wala padin siya. Kanina pa ako kinakabahan na ewan.

Hays.

Papaakyat na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Kuya. "Oh, kuya? San ka pupunta?" Takhang tanong ko sakanya.

"May naiwan lang ako sa garden." Sagot niya naman at lumabas na ng bahay.

Di ko nalang siya pinansin at pumasok na sa kwarto. Tulog na ang kambal pero wala padin ang daddy nila.

Humiga nalang ako sa kama at pumikit.

Wag naman sana mangyari yung iniisip ko. Ayoko ng masira kami ni David. Kung kailan ikakasal na kami at pareho na naming mahal ang isa't isa.

* * * * * *

David's POV

Damn it! Ang sakit ng ulo ko.

Nasapo ko naman yung noo ko at nagmulat ng mata. Ganon nalang ang gulat ko ng malamang wala ako sa sarili kong kwarto.

"DAMN!"

"Hmm.."

I looked at my side when someone's moaning. Damn! Its not my girlfriend! Its not my wife! It's not sweetie! It's not Erika!

ITS CAREEN!

WERE BOTH NAKED IN ONE BED WTF!

Marahas ko naman siyang hinawakan sa magkabilang braso kaya napamulat siya.

"ANONG GINAWA MO SAKEN?!" Sigaw ko sakanya.

"D-david ano ba...." Mangiyak ngiyak naman siyang tumingin saken. Nagpupumiglas siya sa mga hawak ko.

"WHY WERE BOTH NAKED?! DAMN CAREEN! ANSWER ME!" Mas lalo ko pang diniinan ang hawak sakanya. Nababalot na talaga ng galit ang puso ko ngayon! Hindi ko na alam ang magagawa ko!

Unti unti namang may pumatak na luha sa mata niya.

"D-david m-masak---"

"FVCK! JUST ANSWER ME!" Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sakanya.

"YOU AND I, HAD SEX LAST NIGHT!"

* * * * * *

Erika's POV

Nandito kami ni Althea sa office ko. Sinama ko siya dahil may ipapagawa sana ako sakanya, kaya lang yung ipapagawa ko dapat sakanya ay natapos na pala ng secretary ko.

"Erika, okay ka lang?" Napalingon naman ako sakanya.

"Yeah, sort of. Why?"

"Kanina ka pa kase tulala. May problema ba?" Nilapitan niya naman ako atsaka umupo sa table ko.

WCS1: David Zachary Grey's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon